Chapter Thirty-Eight
ROCHESTER, Minnesota.
ANG mga sumunod na araw ay tila pabigat nang pabigat. Araw-araw, iba't ibang espesyalista at mga kilalang personalidad sa larangan ng medisina ang pumapasok sa pribadong silid ni Sachi upang suriin ang lagay nito. At sa bawat dismayadong ekspresyon na nakikita ni Rupert sa mukha ng mga ito, pakiramdam ng binata ay pinapatay ang gaga-hiblang pag-asa na kinakapitan nila. Tila isang walang katapusang bangungot ang lahat ng iyon. Maging si Tita Nathalia, ang Mama ni Sachi ay bumigay ang kalusugan sa labis na pag-aalala sa kalagayan ni Sachi. Idagdag pang papasok ang winter ng mga panahong iyon sa Minnesota. Nahihirapang mag-adjust ang katawan nito sa klima.
Ken Sanada is a man full of authority. Ngunit hindi iyon ang nakikita ni Rupert sa mukha ng kanyang ama sa mga sandaling iyon. He looks helpless and broken. At marahil kung wala siya sa tabi nito, hindi nito alam kung sino ang uunahin sa mag-inang nakaratay. Nakita niya ang masuyong ekspresyon sa mukha ng ama nang marahang hagurin ang hapis na mukha ni Nathalia. Hindi pa niya nakitaan ng ganoong ekspresyon ang kanyang ama sa kahit na sinong babae. Sa katunayan, bihirang-bihira niya itong makitaan ng emosyon.
His parents divorced when he was six years old. Ang kanyang biological mother ay isang Haponesa, si Yoko Arita. Ginawa nito ang lahat upang masira ang kanyang ama dahil sa diumano'y pagkakaroon nito ng affair habang nagsasama pa ang dalawa. Tiniyak din nitong makukuha ang halos lahat ng ari-arian ng asawa pati na ang kustodiya sa kanya. Na hindi naman naging imposible dahil maraming koneksyon ang pamilya ng kanyang ina sa Japan. Bumagsak ang negosyong itinayo ng kanyang ama at nahirapan itong humanap ng mga investors. Siya sa kabilang banda ay hindi naging maganda ang buhay sa poder ng ina. Halos araw-araw siya nitong minamaltrato. Sa kanya nito ibinunton ang galit sa kanyang ama.
Akala niya habambuhay na siyang matatali sa sitwasyong 'yon. Hanggang sa magkaroon ng malaking sunog sa bahay na tinitirhan nila noong walong taong gulang pa lamang siya. Nakaligtas siya ngunit pinalabas ng kanyang ama na namatay siya sa sunog at dinala nito sa nagbabakasyong kapatid noon na si Marga. Ito at ang asawang si Jack Perez ang kumupkop sa kanya at eventually ay tumayong mga magulang niya hanggang sa siya'y magbinata. Pinunan ng mag-asawa ang malaking kakulangan sa buhay niya--ang aruga at pagmamahal ng isang kumpletong pamilya. Siya naman ay tila naging filler sa buhay ng mag-asawa dahil ng mga panahong iyon ay kamamatay lamang ng nag-iisang anak ng mga ito na halos kaedaran niya. Muling nakabangon si Marga sa matinding depresyon. At dahil hindi siya mailantad ng ama dahil na rin sa mentally unstable niyang inang si Yoko, tuluyan na niyang tinanggap ang identity ni Rupert Perez. Thus, he became their son.
Binata na siya nang matuklasan niya ang kuwento tungkol sa diumano'y naging affair ng kanyang ama na sumira sa pagsasama ng tunay niyang mga magulang. Kinompronta niya ang amang si Ken at hindi naman ito tumanggi. Inamin nito ang lahat pati na ang ginagawa nitong pagpapahanap sa babae. That time kasi ay patay na si Yoko. Naglaslas ito ng pulso. Pangit mang pakinggan, pero hindi niya dinamdam ang pagkamatay ng tunay na ina. Nang malaman niya ang bagay na iyon ay para lamang siyang nakarinig ng isang masamang balita tungkol sa isang kakilala.
His life was like a big plot twist in a television drama. At sa kuwentong iyon, buo na sa isip niya na maging villain sa kabuuan ng istorya. Later on na lamang kasi nalaman ng Papa niya na nagbunga ang naging relasyon nito sa babaing nakarelasyon. Ang balak niya'y unahan ang ama sa paghahanap sa mag-ina nito at eventually gumanti sa kalupitang dinanas niya noong bata pa siya. And he did find them, him, to be exact. Pero sa halip na galit, lukso ng dugo ang naramdaman niya kay Sachi sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang kapatid na balak niyang paghigantihan ay napalapit nang husto ang loob sa kanya.
"Alam mo ba," umpisa niyang kuwento sa nakaratay na kapatid. "Bilib ako sa angas mo."
May nabasa siyang article tungkol sa kaparehong kaso ng kanyang kapatid. Na matapos maratay ng halos sampung taon sa ospital ay himalang gumaling at muling nakapamuhay ng normal. Isa raw sa madalas gawin ng mga miyembro ng pamilya ng taong iyon ay ang kuwentuhan ang pasyente, basahan ng libro o di kaya ay patugtugan ng mga gusto nitong music.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...