Chapter Forty
"DADDY, Daddy!" nagpapasag si Saschia nang mabilis itong buhatin ni Max bago pa man ito makababa sa escalator.
Mabuti na lamang at naabutan ito ni Max. Sari-saring eksena ang pumapasok sa utak niya kung hindi niya kaagad ito nakita.
"Daddy, Daddy!"
"Sh, baby. That's not your Daddy."
"No, that's my Daddy. I saw Daddy. Let's go, Ninong. Let's follow my Daddy."
Juice colored. Ano ba ang trip ng batang ito? sa isip ay napatampal na lamang ng noo si Max.
"Ninong, let's go. Sundan natin ang Daddy ko. I saw him."
"Saschia."
"Please, please, Ninong. Let's hurry."
Keysa umatungal ito ng iyak, na natitiyak niyang siyang mangyayari kung hindi niya pagbibigyan ay sumakay na sila ng escalator pababa. Pass na muna sila sa arcade, saka na siya makikipagtuos sa claw machine. Sa ngayon, makikipaghanapan muna silang mag-Ninong sa inaangking tatay nitong inaanak niya. Sigurado siyang kamukha lamang iyon ni Sachi. O baka namalikmata lamang ito. May mga pictures kasi ito ng ama na nakalagay sa kuwarto nito. At dahil nga paslit, hindi pa abot ng isip nito ang kahulugan ng kabilang buhay. Akala nito, komo sinabi ng ina na in-a-far-away-place na ang tatay nito, nasa malayong lugar lamang ang ama.
Pagdating nila sa ikatlong palapag ay nagpalinga-linga ito. Nakaramdam ng awa sa bata si Max. Seryoso talaga ito sa pagsuyod ng tingin sa mga tao sa kanilang paligid.
"Put me down, Ninong. I'll look for Daddy."
"Okay." Ibinaba niya ito.
Habang palinga-linga ito at palakad-lakad sa kung saan-saang direksyon ay nakabuntot lang siya rito. Hindi na talaga niya inalis ang tingin dito sa takot na baka bigla na naman itong mawala. Napaka-precious pa naman nito. Baka tuluyan ng maloka ang bestfriend niya kapag ito ay nawala.
"He's gone," mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Naaawang nilapitan ito ni Max at niyakap.
"It's okay, baby. Naririto naman ako, eh. Ako na muna ang Daddy mo."
"But you are n-not my D-Daddy," humihikbing sabi nito. "Y-you are my N-Ni-nong."
"But Ninongs are like that, too. Godparents are like second parents to their inaanak. Like me."
Hindi niya alam kung naunawaan nito ang ibig niyang sabihin. Humihikbing iniyakap nito ang dalawang braso sa kanyang leeg. Binuhat niya ito at banayad na hinagod-hagod ang likuran. Minsan ay hindi niya maiwasang isipin, na kung hindi tumutol ang mga magulang ni Julianna sa relasyon nito kay Sachi, siguro ay buhay pa ang tatay nito. At marahil ay si Saschia na ang pinakamasayang bata sa mga sandaling iyon.
Nang tumigil sa paghikbi ang bata ay bahagya niya itong inilayo at pinahid ang luha sa magkabilang pisngi.
"Gusto mong bumalik na tayo sa arcade?"
"I want i-ice cream," pasigok na tugon nito.
"Okay, let's go buy ice cream," magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa isang ice cream shop.
"Ninong?"
"Yes, baby?"
"When will I meet my Daddy?"
"Uh," napakamot siya sa ulo. Ano ba ang tamang sagot doon? "Uhm, someday?"
"When?"
"I'm not sure, baby. All in God's time."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...