Portrait of You

21.3K 845 90
                                    

Chapter Forty-One

THE moment he opened his eyes he wanted to close it again. He slept dreamlessly. Then he woke up feeling like shit because his head felt empty. Sino ba talaga siya? Ano bang klaseng tao siya bago ang walang memoryang nilalang na iyon na nakahiga sa loob ng isang magarang silid at napaliligiran ng karangyaan?

Nahagod ni Sachi ng dalawang kamay ang mukha saka lagusang tumitig sa kisame ng kanyang silid. His name is Sachi Sanada.

Sachi Sanada. 

Tuwing umaga kapag nagigising siya ay binibigkas niya ang pangalang 'yon. Umaasang kahit isang hibla ng alaala ay may makanti sa kanyang memorya. Pero wala.

Sachi Sanada y Andrada, iyon ang buo niyang pangalan. Ayon sa pagkukuwento ng kanyang mga magulang lumaki siya at nagkaisip sa pangalang Sachi Andrada dahil nagkahiwalay ang mga ito bago pa man siya isinilang. Lumaki raw siya at nagkaisip sa isang iskuwater. Bagaman ang kanyang inang si Nathalia ay nagmula sa isang nakaririwasang pamilya. Nagkakilala ito at ang kanyang ama na nagbabakasyon lamang noon sa probinsya ng Mama niya sa paghahanap ng magandang lokasyon sa itatayo nitong negosyo. Nagkamabutihan daw ang dalawa at nabuntis ang kanyang ina. Subalit nang ipagtatapat na ng Mama niya ang kalagayan nito sa kasintahang si Ken Sanada, natuklasan nitong may pananagutan na ang lalaki. Nagalit ang kanyang ina at nagkahiwalay ang dalawa. Nang matuklasan ng mga magulang ng kanyang ina ang pagdadalantao nito, itinakwil ito at pinalayas ng pamilya.

Meanwhile, walang ideya si Ken Sanada na nabuntis nito si Nathalia. Nalaman lamang nito ang lahat nang ipahanap na ang dating nobya. Natagalan daw ito na gawin iyon dahil naging abala ito sa muling pagpapalago ng natupok nitong negosyo. Mula sa import-export business, nag-shift ito sa pagtatayo ng malls at condominium, hotels and resorts. Within the span of two decades, nagtagumpay naman ito at napalago ang negosyo. He now owns a large conglomerate, Sanada Corporation. Na may tatlong naglalakihang malls sa Pilipinas, ilang sangay ng hotel resorts sa mga naglalakihang tourist capital sa Asya at apat na condominium buildings sa ilang commercial area sa bansa.

Si Rupert o Akira Sanada, ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Mas matanda ito sa kanya ng apat na taon. Lumaki ito sa ibang pamilya dahil sa abusive nitong ina. Ipinagkatiwala ito ng kanilang ama sa nakababatang kapatid nito na si Marga--o Tita Marga. Si Tita Marga at ang asawa nitong si Tito Jack ang tumayong mga magulang ng Kuya niya hanggang sa ito ay magbinata. Nang makatapos ito ng pag-aaral ay nai-groom ito ng kanilang ama bilang kanang kamay nito sa pagpapatakbo ng itinatag nitong emperyo. At ngayong magaling na siya, gusto ng mga itong ipasa ang ilang responsibilidad sa kanya. Ngunit paano niyang gagawin iyon kung sa palagay niya ay wala siyang sapat na pinag-aralan sa responsibilidad na gusto ng mga itong iatang sa kanya?

Nakapag-kolehiyo raw siya. Sa katunayan ay graduating na siya kung hindi nangyari ang kanyang aksidente. Isa iyon sa mga ikinaiirita niya. Pinipilit niyang alalahanin ang bahaging iyon ng kanyang buhay dahil pakiramdam niya naroon ang pinakamalaking parte ng nakaraan niya na kailangan niyang maalala. Ngunit kahit anong pilit niya ay walang nangyayari. Sumasakit lang ang kanyang ulo. At kapag pinupuwersa niya ang sariling alalahanin iyon ay parang binibiyak ang kanyang bungo hanggang sa mawalan siya ng malay.

Bumangon na siya at nagtungo sa banyo. Naligo at nagbihis. Napatingin siya sa labas ng kanyang silid. Mataas na ang sikat ng araw. Mag-iisang buwan pa lang mula nang magbalik sila sa bansa. Habang nagpapagaling siya sa Minnesota ay ikinuha siya ng Papa nila ng guro para maturuan siya ng ilang basic knowledge sa pangangasiwa ng mga negosyong ipinundar nito. At siyempre pa, nasa tabi niya at umaalalay ang panganay na kapatid. Ganoon din ang kanilang ama at si Secretary Hiroyushi.

Mapalad siya sa pagkakaroon ng pamilya na umaalalay at umu-unawa sa lahat ng mga shortcomings niya. And he knows he should be thankful. Lalo pa nga at maituturing na pangalawang buhay na niya iyon. Ngunit paano niya gagawin 'yon kung mismong sa sarili niya pakiramdam niya ay isa siyang estranghero?

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon