Chill

22.7K 1.1K 164
                                    

Chapter Forty-Two

"FINALLY, nakangiting hinayon ni Julianna ng satisfied na tingin ang ayos ng apartment unit na titirhan nilang mag-ina. After she graduated from college ay natanggap niya ang kanyang trust fund mula sa Lola niya sa mother side. Eksakto namang ng mga panahong iyon ay up for sale sa market ang anim na apartment unit kung saan sila dating tumira ni Sachi. Ginamit niya ang hawak na pera at binili niya ang apartment nang lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Bukod sa hindi naman niya kailangan ng approval ng mga ito ang pagbili sa property na iyon dahil nasa legal age na siya, naisip niyang isang magandang investment na rin iyon pagdating ng araw.

Patuloy niyang pinaupahan ang limang unit at itinira niyang bakante ang unit na dati nilang tinirhan ng kasintahan. At ngayon nga after a week, fully furnished na ulit ang kanyang unit at puwede na nilang tirhang mag-ina. Sa nakalipas na isang linggo ay pansamantala silang tumira sa hotel. At kung sa akala niya ay mahihirapan ang anak niya na mag-adjust sa bago nitong environment, nagkakamali siya. Isa sa kinawilihan nito ay ang pagsakay sa elevator sa tuwing sila'y aakyat at baba mula sa kanilang floor kung nasaan ang kanilang suite. Sa mata ng kanyang anak ay tila isang makulay na adventure ang lahat ng iyon.

Hindi pa alam ng Mommy niya ang paglipat nila sa apartment. Ngunit alam nitong tumutuloy sila pansamantala sa hotel. Sa sandaling malaman nitong nakalipat na sila ay tiyak na magugulat ito.

"Hay," pagod na ibinagsak ni Julianna ang sarili sa kama.

Pagkatapos nilang maghilamos at magbihis na mag-ina ay naghanda na silang matulog. Take-out food lang ang kain nilang mag-ina. Saka na siya babawi sa anak kapag settled na sila. Ang hirap na wala siyang maaasahang maid. Nahihiya naman siyang magsabi sa Mommy niya na sa kanya na muna si Yaya Magenta para may umalalay sa kanya.

"Are you tired, Mommy?"

Nakangiting nilingon ni Julianna ang anak.

"Just a little. But if you kiss Mommy, mawawala ang lahat ng pagod ko."

"Okay," bumangon ito at pinupog ng halik ang buo niyang mukha. "I love you, Mommy."

"I love you, too, sweetheart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I love you, too, sweetheart. You are my life."

"Can we go to the mall again, Mommy? I want to see Daddy."

Sumakit ang lalamunan ni Julianna sa pagpipigil ng luha. Nabanggit sa kanya ni Max ang tungkol sa lalaking nakita ng anak niya sa mall na naipagkamali nito sa ama. Ayon sa kaibigan niya ay baka kamukha lamang ni Sachi. Na sa labis na pangungulila sa ama ay napagkamalan ng bata.

"Sweetheart, your Daddy is no longer with us."

"I know, he's in the mall. I saw him, Mommy. So we need to go back there tomorrow."

"Anak..."

"C'mon, Mommy. I'll be good, I promise."

Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya at mahigpit na kinabig ang anak. She'll give anything to have one more day with Sachi. Para kahit sandali lang ay makasama nito ang kanilang anak.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon