Chapter Forty-Nine
NAWALAN ng malay si Sachi. Minabuti ng doktor nito na ipadala na sa pagamutan ang binata upang mas ma-evaluate ang lagay ng kalusugan. Binabayo ng matinding takot ang puso ni Julianna. Nag-aalala siya na baka kung mapaano na naman ito. Hindi na niya kakayanin kapag may nangyari pang masama sa kanyang nobyo.
Panay ang balong ng kanyang luha habang mahigpit na hawak ang kamay ng kasintahan patungong ospital. Gusto na niyang mainis sa sarili dahil wala na siyang ginawa kundi ang umiyak.
"Don't worry. He's going to be okay," ani Rupert na kasama niya sa ambulansya.
"He will. He should," pigil ang paghikbing tugon niya. "Our daughter needs him, gustong-gusto na siyang makita ni Saschia."
"And she will meet him."
Pagdating ng ospital ay kaagad na inasikaso ng mga doktor si Sachi. Habang kabado siyang naghihintay sa resulta ng ginagawang pagsusuri sa kasintahan ay tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ina.
"Hello, Mom."
"Anak, umuwi ka muna. Si Saschia, napakataas ng lagnat!"
Parang may dumakot bigla sa puso ni Julianna sa ibinungad ng kanyang ina.
"I'll be right there, Mom."
"Sa IMC na lamang tayo magkita," tukoy nito sa ospital kung saan resident doctor ang pediatrician ni Saschia.
"Natawagan niyo na po ba si Dr. Graciela?" worried na tanong niya sa ina.
"Yes. Mabuti na lamang at nasa IMC siya ngayon. We're almost there."
"Sige po, papunta na ako." Nang matapos ang tawag ay natutop niya ang ulo nang maalala si Sachi.
"May problema?" tanong ni Rupert nang makita ang distress sa mukha niya.
"Si Saschia, may sakit."
"Ha? Puntahan mo na. Ako na ang bahala kay Sachi."
Nahahati ang loob niya sa kanyang mag-ama.
Kaagad namang tinawagan ni Rupert ang driver nito. Mayamaya pa ay hinawakan siya nito sa siko at iginiya na sa entrance ng ospital. Naroroon na at nag-aabang ang kanyang sasakyan.
"Keep me posted," aniya sa binata.
"I will. At balitaan mo rin ako kung ano ang lagay ni Saschia."
Tumango na lamang siya.
"Saan po tayo, Ma'am?"
"Sa IMC ho, Mang Fred."
Mahigit isang oras din ang biyahe niya. Panay ang dasal niya na sana ay maayos lamang ang lagay ng anak. Nagi-guilty siya na nagkasakit ito kung kelan wala siya. Maya'tmaya ang pahid niya sa magkabilang pisngi. Kahinaan niya talaga ang anak niya. At ngayon ay si Sachi. Kung puwede niya lang hatiin ang katawan para sabay niyang makasama ang kanyang mag-ama ay ginawa niya na.
Pagkaraan ng kainip-inip na biyahe ay nakarating din sila ng pagamutan. Nagmamadaling umibis ng sasakyan si Julianna at kaagad na tinungo ang information. Kapapasok lamang daw sa private room ng pasyente. Tinungo niya ang elevator para umakyat sa floor na kinaroroonan ng silid ng kanyang anak.
Bihirang magkasakit nang malubha si Saschia. Kung magkasakit man ay hindi kailangang i-confine. Mahusay ang pediatrician niya. Unless maselan ang lagay ng pasyente, saka lamang ito magsa-suggest na i-confine. At iyon ang nagpapakabog sa dibdib niya. Kung anu-anong masasamang isipin ang nagpapasalit-salit sa utak niya.
Paglabas niya ng elevator ay tamang-tama namang nakasalubong niya ang magandang doktora, si Dr. Graciela Innamorada-Machts.
"Hi, Jules," nakangiting bati ng doktora.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...