Chapter Five
"Seth Delevinge, hindi kayang mag-isa sa condo. Ano ka, bata?" Pang aasar ko sa kanya nang pagbuksan nya kami ng pinto.
"Hello to you too Cara" Naka ngiti nyang sabi. Wala syang damit, tanging pantalon lang ang suot nya.
"Pwede ka namang mag stay sa bahay nyo para hindi ka ma bore dito. Ang lapit lapit lang eh" Utas ko sa kanya at pinasadahan ng tingin ang buong condo. Ayaw sa makalat nito ni Seth kaya hindi na ako nagulat nang makitang napaka linis nito.
"Bakit mo ba sya dinala dito? Diba ikaw lang ang inaya ko?" Nilingon ako ni Seth at nginisian ko sya.
"Because he loves me at ayaw nya akong nagugutom sa bahay kaya dinala nya ako dito dahil may pagkain" Pag ngisi ko sa kanya.
"Para namang walang pagkain sa inyo" Aniya at nag suot ng t-shirt.
"Don't mind me, go do your boy stuff. Makiki wifi lang ako" Utas ko sa kanila at inilapag ang bag ko sa sofa.
Handa na ang X-box ni Seth at dumiretso silang dalawa sa kitchen. Maglalaro lang tong dalawang to maghapon, basta ako makiki wifi lang.
"Seth!" Tawag ko sa kanya at sumunod sa kanila.
"Oh?" Aniya at nilingon ako.
"Pahiram ng sweatpants at t-shirt" Sabi ko at dinumog ang ref.
"Anong mali sa suot mo?" Naka simangot na tanong ni Vini.
"Naka uniform po ako" Sagot ko sa kanya at dinampot ko mogu mogu. Inubusan ako ni Megan nito sa bahay.
"So?" Tanong nya ulit at hindi nag bago ang ekspresyon.
"Kunin mo nalang sa kwarto" Ani Seth.
Hindi ko na pinansin ang tingin ni Vini sakin nang lumabas ako ng kitchen. Pumunta ako sa kwarto ni Seth at kumuha ng damit, nagtaka ako nang may nakita akong damit ng babae. Iilang t-shirts at may mga shorts rin na puro maong, may pink na pj's at tank tops. Halos okupado ang kalahati ng closet nya.
Kumunot ang noo ko. Nag iiwan pala ng damit dito si Ate Shane.
Si Ate Shane ay ang nakakatandang kapatid ni Seth. Bihira lang kasi umuwi 'yon dito, tuwing may okasyon lang. Madalas ay doon sya tumutuloy sa hacienda nila sa Bicol dahil mas gusto nya ang buhay probinsya.
Sa New York nag aaral si Ate Shane, gusto nya magpaka independent kaya tuluyan na syang lumipat sa New York nang matanggap sya sa NYU.
Kung hindi lang masyadong focused si Seth sa music career nya dito sa pilipinas, sa ibang bansa na rin mag aaral 'yon. Pwede pa rin naman kaso naka pili nya sya ng school dito na sasakto sa taste nya. Maarte yun eh.
Dumampot nalang ako ng kailangan ko at nagpalit.
Nang lumabas ako ay naka pwesto na silang dalawa sa lapag ay mag mga snacks na sa coffee table. Nandon na rin ang bote ng mogu mogu na kinuha ko kanina.
Tumalon ako at komportableng humilata sa sofa. Nag log in ako sa facebook at minessage si Ethan.
Hindi pa sya naka online kaya nag facebook muna ako.
Dinampot ko ang Tomi sa coffee table at nag scroll sa wall ko.
Puro post lang nga mga estudyante sa Bridgeway, hindi ko naman binabasa dahil yung iba hindi ko kilala. Sunod-sunod naman ang mga post ng articles ng Magazine sa facebook.
"Mahirap talaga maging sikat no? lahat ng galaw mo binabantayan" Sabi ko nang makita ko ang isang article tungkol sa De Vera Sisters sa Seventeen Magazine.
BINABASA MO ANG
The Gang's Prized Possession
Teen FictionThere are three silent rules in Bridgeway High when it comes to the Black Blade. First Rule: Everyone owns them. Second Rule: Go against them and you are dead. Third Rule: No one bullies Cara or else there will be hell to pay. The word 'Normal'...