🍁0002

9 0 0
                                    

"Kate, diba crush mo yun?" turo nya sa may likod ko.

"huh, sino?" sabi ko sabay lingon sa likod.

"si Kevin! ayun oh" turo nya sa lalaki na nakatalikod na may kasamang babae.

"may kasama syang babae kawawa ka naman" pangaasar nya.

Sumimangot ako. Si Kevin kasi crush ko sya since high school palang, ang gwapo nya kasi tapos talented pa. full package na saan kapa?

"oh eh, anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya na para bang wala akong pake.

"eh kung puntahan mo kaya sya dun tapos sigawan mo sya, kung bakit sya nagtataksil." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"ayoko nga! nakakahiya" sabi ko at akmang aalis na ng hinila nya ako.

"dali naa sige ka, pagdi mo ginawa, bibilhan moko ng makeup na gusto ko" pagdadahilan nya.

Kaya wala na akong nagawa kundi lumapit sa pwesto nila.

"Babe!! akala ko ba ako lang? tapos makikita kitang may kasamang iba?" sabi ko. pinagtitinginan na nga kami ng iba pang estudyante.

"Cous, kala ko ba wala kang Girlfriend? nagtanungan pa nga tayo kasama yung mga iba pa nating pinsan eh" p-pinsan!? waah! pinsan nyaa??

Nakita ko namang nagtataka yung itsura ni Kevin. yarii akoo.

"sige na cous, alis nako ipakilala mo yan samin bukas a? sakto may family reunion tayo byyee" sabi ng pinsan nya.

"So.." salita nya kaya napatingin ako sa kanya.

"sorry talaga! dinare lang naman ako ng kaibigan ko eh, diko talaga alam sorry" paghihingi ko ng paumanhin. waahh kainis naman kasi eeh.

"no need to sorry nang yari na eh, dapat panindigan mo yung sinabi mo" nagulat ako sa sinabi nya.

A-ano daw? panindigan?
"h-huh?" ayan nalang nasabi ko.

"here this is my number, just text me kung saan yung bahay nyo para sunduin kita" sabi nya sabay abot nya ng papel.

"t-tekaa—" tawag ko sa kanya.

"bye babe, be ready tomorrow" sabay kindat nya sakin.

Ssyeemss~ mammeeh! ikakasal nakoo~

DareWhere stories live. Discover now