SHARE KO LANG TONG EXPERIENCE KO KANINA ..
Maaga pinauwi ngayon kasi may bagyo. Mga 10 pa lang nagpapalabas na sa school namin.
Badtrip lang kasi nakapasok na kami sa Math subject namin nung nalaman namin na nagpapalabas na. Tapos may exam kami dun kaya di kami pinalabas.
Nung pinauwi na kami, umuwi na ko agad. Nag-aaya kasi yung kaibigan ko gumala. E nakakatamad kaya. Maputik sa paligid saka may baha pa dun sa ibang lugar.
So ayun sumakay na ko tapos di pa ko nagbabayad kasi ugali ko na sa bandang kalagitnaan ng byahe na ko nagbabayad.
Nung nasa may bandang City Hall na, may sumakay.
Mga nasa 30+ siguro yun na lalaki. Tapos tinuro nung katabi ko yung upuan dun sa may tapat namin, kasi medyo siksikan na nun. Tapos, tumingin naman siya dun sa tinuro nung katabi ko. Pero dun sa gitna namin nung katabi ko pa rin siya umupo. Ay sus! Siksikan na nga dun sa banda namin dun pa siya umupo.
Di ko na lang pinansin, kahit sikip na sikip na ko. :|
May bumaba dun sa kabilang side, gusto ko sanang lumipat kaso may sumakay din agad.
Gusto ko na talagang lumipat !
Gusto ko na rin bumaba :3
Wanna know the reason ?
Si kuya ....
Pa-Slant yung upo niya.
GETS ?
Tapos yung legs niya dinidikit niya sa legs koww ! YUCK ! YUCK! YUCK!
Tapos tingin siya ng tingin sakin!!
MANYAK NI KUYA ! MY GOLLY !
Bumaba yung nasa left side ko. Edi umurong ako.
UMURONG DIN SIYA !
NAKAKAKILABOT!
HAHA So ang ginawa ko, yung payong ko, kasi diba umuulan ngayon, hinarang ko sa may legs ko.
WAHAHAHAHAHA ! ANO KA NGAYON KUYA ?????
WAIS TOH ! :D
mabasa ka ! hahaha !
Tapos, bumaba na si kuya after 3 kanto. At alam niyo ba, di pa siya nagbayad!
Dun ko lang narealize na kaya hindi siya dun umupo sa may tapat na side namin kanina ay dahil, tomboy ata yung makakatabi niya.
Nasabi kong ATA kasi hindi ko naman kilala yun pero ung pananamit niya kasi saka yung buhok niya super ikli lang . haha
~~
hahhahaha share lang mga pips. Marami rin kasing mga namamanyak sa jeep o kahit saan..
Nakakainis kasi yung mga pinaggagagawa nila!
Di na tama yun dba?
Minsan kasi , kahit anong ingat mo, di talaga maiiwasan na mya mga masasamang elento sa paligid.