GG Babies

56 4 14
                                    

Author's Note:  Hi Babies!! hahahaXD Eto kinaya ng brain ko na tula for us:) Hope you like it!!! LOVE YOU ALL:*

GG BABIES

Isang samahang nabuo ng di inaasahan

Kalandian sa mga koreano ang naging puhunan

Ngunit pasalamat nalang, yun ang dahilan

Upang mabuo ang tunay na pagkakaibigan

Grupo na talaga namang kay ingay

Naku! Inggit lang kayo mga Day!

Sa kanilang pag uusap, paghahampasa’y walang humpay

Sa kanilang kalokohan kayo’y matatangay

Sa bawat lakad bawal magkatraydoran

Kasi tiyak, may magtatampo riyan

Sa pagpaplano dapat ito’y biglaan

Dapat inform lahat, walang magkakadugaan

Sa kanilang pag dodroga walang tatalo

Nagsusulat pa ng schedule at ng mga pangako

Pati nga SI TEH AT DARLA nasama ng mga ito

Oh di ba nga ang tatalino ng mga batang to!

Samahang may katakawan

Pwera lang kay Bessy at Joji na maselan ang tiyan

Naaligaga bawat kinakainan

Suking suki sa unli na sizzlingan:) 

Si Mylene ang kanilang LEADER

Bawat role na ginampanan ay talagang karemeremember!

Para sa amin ika’y great ACHIEVER

Pangalan ba naman’y nasa lahat ng poster( hihi^.^V)

Si  Jasmin ang pinaka MALAKI sa amin

MALAKI ang puso para kami pautangin

Sa pagmamahal walang tulak kabigin

Wag kang mag alala mahal ka din namin <3 <3

Si Jhe ang aming mommy-mommyhan

Sa KALANDIAN hindi mapapantayan(hihi^.^v)

Miss erotica at may pagkaMAYAMAN

Isang BESSY na di mapapalitan ninuman

Si Rowell A.K.A ATENG

Na ang kamay may talent sa pagbutingting

Simpleng bagay nagkakadating

Tulad nya parang BITCH na kuting! (^.^v)

Si  Joji ang fan ng grupo

Minu-minuto ang INIT NG ULO

Kung hindi naman nagpapacute ito!

Pero eto, pag wala sya di kami kumpleto:)

Si Niña, na JOKER daw sabi nya

Pero pag siya’y himirit, parang may mga kuliglig

Pag kami kumakain siya’y kusang  taga kuha ng tubig

WALEY man, di mapapagkaila ang kanyang pag-ibig<3<3

Si Mabel na kanilang BUNSO

CHISMAX ba hanap mo, siya hanapin mo

Pati talambuhay ng artista kayang ikwento

Pero kanyang pakikisama ay talagang totoo^.^

Iba’t ibang salita ang pinapauso

Pati  pagtatawagan ay kung ano ano

Kahit sa bahay nadadala ito

Ewan ko ba nagdodroga na ba talaga ang mga ito?

Pag magkakasama napapag usapan ang kung ano ano

Paglipas ng oras hindi natatanto

Parang magkakapatid na ang turingan ng mga ito

Na kahit anong problema o topic maioopen mo:)

Uso rin ang pagkakantian

Aba’y walang ganyan, quiet lang kami dyan

Huwag lang harap harapan

Baka magkaroon ng pagtatarayan (emeXD)

Kadiri mang sabihin

Grupo’y nagkakababuyan

Nagkakatalsikan na ng laway sa mga usapan

Pati nga sipon nakikipag sabayan (eewwww!)

Barkadang mababaw ang kaligayahan

Simpleng bagay pinagtatawanan

Parang sinasaniban sa lakas ng pagtatawanan

Wala eh! Malala na ito! Baliw baliwan

Kalandian ba kamo? GG babies pa tinanong nyo

Vision,Mission, Goal na namin ito!

24/7 yan Walang break walang preno

Inspirasyon dulot nito! Wag lang majojoke hanoh?

Madami ng araw ang pinagsasamahan

Bawat sandali ay talagang kasiyahan

Nagkakaiyakan sa simpleng kabagayan

Isang patunay ng matibay na pagmamahalan

O kay sarap isipin ang ating pagkakaibigan

Ay nabuo lang sa simpleng pagiging KPOP fan

Isang samahan na walang iwanan

At siguradong  mananatili’t magtatagal magpakailanman (Kissy:*)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GG BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon