“Alam mo, kanina pa ako nahihilo sa 'yo. Maupo ka nga muna Yunseong!” naiiritang sabi ni Hyeop hyung sa akin.
"Kinakabahan ako!"
"Akala ko ba nakamove-on ka na?"
"Oo nga! Ewan ko! Hindi pa yata!" naguguluhan kong sagot.
Hindi ko kasi alam kung nakamove-on na ba talaga ako kay Junho. Mahal ko pa rin siguro siya. Pero kasi nung narinig ko lang 'yung One It, kinabahan ako! Parang hindi ganito 'yung nakamove-on na!
"Ano!? Anong hindi!? Gago, Yunseong!" nakaface-palm na tanong ni Dongyun sakin.
"Hindi ko nga alam!" naiirita kong sagot tapos naupo ako sa vacant seat malapit sa bintana.
Nandito kami ngayon sa classroom dahil lunch break namin. Wala ganong tao kasi lahat nasa canteen samantalang naiwan kaming apat dito kasama ng ilan pang kaklase. At ilang minuto na lamang, dadating na 'yung exchange students galing ng One It.
"Alam niyo, hindi pa 'yan nakakamove-on. Kasi kung nakamove-on 'yan, mukhang malabo! Mas malabo pa sa mata ni Tae Eun!" singit ni Changuk na may pinaringgan pang kaklase namin.
"Hoy! Anong Tae Eun 'yung naririnig ko d'yan!? Binaback-stab niyo ba ako!?" sigaw ni Tae Eun na nakaupo sa kabilang part ng classroom. Pota, dagdag stress.
"Wala! Malabo na nga mata, bingi ka pa!" singit ni Hyeop hyung.
Badtrip talaga 'yang si hyung, kasi ayaw niyang mag-join sa team Baksu pero pinilit siya ni Tae Eun hyung. Wala na siyang magawa, no choice eh.
Pero balik tayo sa topic! Kinakabahan talaga ako! Gwapo pa rin naman ako diba? Maiin-love pa naman sakin si Junho diba kapag nakita niya ako? Huhu!
"Tumigil ka na nga Yunseong! Hindi naman sure kung kasama si Junho sa exchange students, eh. Galing na siya dito so may possibility na hindi na siya kuhanin para ibalik dito!" wika ni Dongyun na kulang nalang e suntukin ako nang bumalik ako sa katinuan ko.
"Narinig mo lang One It, nagwawala ka na? OA ka bro!" naaasar na singit na naman ni Chang Uk.
Natauhan naman ako bigla. Oo nga no? Hindi naman porket One It, si Junho agad? Hehehehehehe. Atleast, naging kampante ako. Medyo nabawasan 'yung kaba ko! Kingina, kakainom ko siguro ng kape 'to! Huhu!
--
"Ready ka na?" tanong sakin ni Dongyun at umiling naman ako.
"Bakit ka umiiling? Malay mo naman hindi si Junho 'yung lalabas dyan?" tanong ni Minseo na kakarating lang.
Nagbuntong hininga ako nang malalim. Ewan, hindi na ata gumagana utak ko! Nagma-malfunction! Kasalanan 'to ng One It!
5 minutes nalang, magri-ring na 'yung bell. Means, papasok na 'yung homeroom teacher with exchange students. Shet! Kinakabahan talaga ako.
Nasa classroom pa rin kami, pero this time, nakaupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Nasa may pinaka-gitna kami ng classroom, medyo dulo. Katabi ko sa kaliwa si Hyeop, sa kanan wala. Nasa harap naman namin sina Dongyun, Minseo at Changuk. Sa likod, vacant seats. Posibleng dito magsi-upo 'yung exchange students malapit sakin.
"Hindi ako ready! E paano kung 'yung bagong jowa ni Junho 'yung dumating dito? Anong gagawin ko?" tanong ko tapos pinatong ko 'yung baba ko sa kamay ko.
"Edi suntukin mo!" sagot ni Changuk.
"Changuk!"
"Eh ano? Tinatanong mo kung anong gagawin eh!"
Nagkasagutan kaming lima at maya-maya lang ay dumating na 'yung homeroom teacher.
"Good afternoon, class. Siguro naman nabalitaan niyo na ngayon dadating 'yung exchange students 'di ba? So please welcome, One It students!" kinumpas pa ni Ma'am 'yung kamay niya na may pinapapasok galing sa labas.
Naunang pumasok 'yung matangkad na gwapo. Tall, dark, and handsome kumbaga. Sumunod naman na pumasok 'yung medyo maliit na kulot 'yung brown na buhok. Mukhang bestfriends sila nung matangkad.
Sumunod naman na pumasok 'yung matangkad na kulay black naman ang buhok. Gwapo din. Mas gwapo si Junho.
Next naman na pumasok 'yung matangkad na lalaki na kulay pula naman ang buhok. Napansin kong may nunal siya bandang ilalim kanan ng bibig.
Teka? Bakit ba sila paisa-isa pumasok? Like I care?
Pagkapasok nung kulay pula 'yung buhok, pumasok na din 'yung last na student.
Hindi ako tumingin kasi wala naman talaga akong pakialam. Pero nung naramdaman kong nagtinginan sakin 'yung apat, napatingin na rin ako. Teka--
Kamukha ni Junho?
Shet..
Wait..
Si Junho nga.
--