written by: TGYSC

82 1 0
                                    

TGYSC's Note :) one shot lng po to. haha hindi ako maka get ovet sa nangyari nong isang araw eh. xD ♥♥♥♡♡♡♥♥♥

Nasa classroom ako at dahil sa ingay na naririnig ko habang ako ay naka upo sa tabi ng isang bintana napag-isipan ko na lumabas muna upang makabili ng makakain sa canteen at upang maiwasan na rin ang mga ingay na masakit sa tenga

. Nasa loob na ako ng canteen at habang pumipili ng aking bibilhin hindi ko nakita na may tao na pala sa harapan ko.

Nabunggo kita. Napatingin ka sakin, dahil sa napakaganda mong mga mata na nakatitig sa akin parang naramdam ko ang bumibilis na tibok ng aking puso. Alam ko na napakalaki ng agwat natin sa isat-isa, 2nd yr high school ako at ikaw ay nsa kolehiyo na.

Hindi ko alam ang pangalan mo.

Hindi ko alam kung sino ka.

Pero alam ko gusto kita.

Habang nsa paaralan ako pilit kung hinahanap ang mukha mo na nakita ko noon. Noong ako ay nakarating kung saan nandon ang classroom mo, hindi ko inaasahan ang aking nakita. Kasama mo ang isang babae na hawak-hawak ang iyong mga kamay. Masaya kayo na nag-uusap at dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan tumakbo ako palayo.

Oo, nasaktan ako.

Alam ko wala akong karapatan na magkaganito dahil isa lamang akong babaeng may gusto sayo at wala akong magagawa kung magkagusto kaman sa iba. Dahil sa nagyari. Pilit kitang kinalimutan dahil napaka imposible mapansin mo manlang ako. Pinilit kung maging masya pra sayo. Hindi na kita hinanap pa. Hindi na ako umasa na makita kpa. Madaming taon na ang nakalipas, nakahanap ako ng mga taong nag mahal sakin. Sila ay naging isang napakagandang inspirasyon sa aking buhay at kahit na iniwan rin nila ako nagpapasalamat ako sa pagmamahal na binigay nila sa akin.

Akala ko nakalimutan na kita.

Akala ko hindi na kita makikita pa.

Nasa kolehiyo na ako at nasa ikalawang taon na.

Isang gabi, kung saan na nagkaroon ng 'party' sa paaralan hindi ko inaasahan ang makikita ko ang mukha na nakapaskil sa isang 'Tarpaulin' na ipinapakita ang mga bagong board passers. Pinilit kung kinilala kung ikaw nga ba ang nsa litrato na tinitingnan ko dahil wala talaga akong ideya noon pa kung ano ang pangalan mo... Napangiti ako. Ang saya sa pakiramdam na nakita kita uli at humanga pa ako ng lubos sayo. Ngunit may parti ng puso ko na nalulungkot…

"Hanggang dyan nlng yata kita makikita." Napasabi ko sa aking sarili. Nalulungkot pero masaya na rin ako. Pagkatapos ng apat na taon nakita kita. Kontinto na ako na makita ka sa isang litrato.

Nung nag umpisa ang pagsasaya sa paaralan sandali itong itinigil dahil mayroong mga tao na nsa intablado at hindi ko ma mukhaan kung sino. Narinig ko na pinapangaralan ang bagong board passers, tumayo ako sa isang upuan upang makita kung sino ang mga yun.

At...

Isa ka sa mga tao na pinapangaralan. Halos naluluha ako sa saya. Kahit na napakalayo mo, dahil hindi manlang ako makapunta malapit sayo dahil sa napakaraming tao na nanood sa inyo. Masaya ako na makita kang nakangiti ulit at sana yang ngiti na yan ay mabigay mo uli sa akin. Natapos na ang pagpaparangal sa inyo. Medyo malungkot ako dahil hindi manlang ako nakalapit upang makita ka ng malapitan pero masaya na rin ako. Pagkalipas ng ilang buwan matapos ang pangyayaring yun, tinangap ko nalng sa sarili ko na "Doon na ang huli nating pagkikita." Papunta na ako sa room ng major subject ko. Pumasok ako at huminto ang mundo ko...

Nasa table ka at nka upo at nakangiti sa mga kaklase ko at sa akin. Umupo na ako sa aking silya at parang nawala na yata ang kaluluwa ko sa aking katawan. Nakatitig lng ako sayo. Hindi ako makapanilawa na binigyan pa ako ng Diyos ng pagkakataon...

Sa kauna-unahang pagkakataon narinig ko ang boses mo.. Nakita ko uli ang napakaganda mong ngiti at mga mata na kapag ikaw ay tumatawa hindi na masilayan pa at ang pinapangarap kung ngiti na ibibigay mo sa akin. Sobrang saya ko..

Ngunit may pagtataka sa akin sarili, alam ko hindi dapat ikaw ang nsa harapan naming dahil iba ang professor namin sa aming major subject.

Nahalata mo siguro ang pagtataka sa aming mga mata, kaya ilang sandal lng ipinaliwanag mo kung bakit ikaw ang samantalang magtuturo sa amin.

Masaya ako. Oo. Sobrang saya ko nanaman.

Ngunit bakit sa tuwing may kasiyahan may nakakabit itong lungkot?

Nasabi mo na hanggang October ka lng kasi may inihintay kang tawag sa isang kompanya at dahil tinawagan ka ng school at pansamantalang tinagap mo ang offer.

Alam ko ilang araw nlng ang bibilangin ko at magkakahiway o malalayo ka nanaman sa akin.

Pero umaasa ako na hindi sa ganitong sitwasyon magtatapos ang storya mo sa aking buhay.

Alam ko, ang layo…

Alam ko hindi dapat…

Hindi talaga.

Hindi tama na umasa ako ng mas higit pa sa relasyon natin…

Dahil ikaw ang PROFESSOR ko.

Dumating na ang araw na kinatatakotan ko.

Ang araw na magpapaalam ka na samin.

Hindi ko inaasahan na yun na pala ang huli mong pag uusap samin. Sa araw ng aming final examination nalungkot ako na hindi na ikaw ang tao na nasa harapan namin.

Natapos na ang unang sem sa taong ito at lumabas ako sa paaralan at lumingon sa paaralang kung saan kita nakita at napakaraming tanong sa aking isipan

“ilang taon nanamn kaya ang hihintayin ko upang makita kita uli o baka nmn hindi na kita kailanmn makikita pa, professor.”

♥♥♥Professor♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon