PROLOGUE
“Oh, Jess, eto na ang bayad ko sa ‘yo para sa buwan na ito.”
Nanginginig pa ang kamay ko nang iabot sa akin ang sweldo ko para sa isang buwan kong pagpa-part-time job sa isang music store. Sa wakas, buo na ang pambayad ko para sa concert ticket!
Kakilala ni Tatay ang may-ari ng tindahan ng mga gitara, keyboard, ukulele at iba pang instrumentong ginagamit para tumutog, kaya naman napakiusapan ko ang may-ari na bigyan ako ng trabaho kahit magbantay lang ng tindahan. Syempre babayaran niya ako. Fifteen pa lang kasi ako. Underage. Pero kailangan kong makaipon… para sa nalalapit na concert ng GLAZE. Kyaah! Iniisip ko pa palang na makikita ko si Chase nang malapitan kinikilig na ako!
Ang GLAZE lang naman ang pinakasikat na banda ngayon sa Pilipinas. Ang paborito ko sa kanila, si Chase, ang vocalist ng banda. Bukod sa maganda ang boses niya, siya din ang sumusulat ng lahat ng mga kanta nila.
Sa totoo lang, hindi ko rin naman makikita ang mukha niya kahit sa pinakaunahang upuan ng concert venue ako makapwesto. Hindi naman nila pinapakita ang mga mukha nila. Nagsusuot kasi sila ng maskara kapag lumalabas sila bilang isang banda. Walang nakakaalam kung anong itsura nila kahit ang mga personal background nila. Confidential. Top secret. Pero kahit ganoon, sumikat ang mga kanta nila. Sadya kasing maganda ang mga lyrics at melodies ng mga kantang tinutugtog nila… at walang ibang nagsusulat nun kundi si Chase.
Gabi na nang makarating ako sa bilihan ng ticket. Kinabukasan pa magbubukas ang booth pero hinanda ko na ang sarili ko na dito mag-antay. Mahirap na maubusan. Yung sa front row seat kasi ang target kong makuha.
Kailangan kong siguraduhin na kumpleto ang mga kailangan ko bago ako pumila: Wallet. Checked. Pagkain (composing of ilang junkfoods). Checked. Tubig. Checked. Cellphone. Checked. Jacket. Checked. The (itim na) notebook. Checked. Ball pen. Checked. Mukhang nasa sling bag ko naman silang lahat.
Feeling ko malapit na akong manalo ng jackpot nang makita ko ang ticket booth. Excited na akong pumila nang biglang may naramdaman akong matigas na bagay na parang bakal na dumikit sa tagiliran ko. Napatigil ako sa paglalakad.
“Miss, iabot mo sa ‘kin ang wallet at cellphone mo kung ayaw mong masaktan.” May boses ng lalaki na bumulong sa tenga ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil bukod sa madilim, mula sa likod ko siya bumubulong.
Kinilabutan ako sa narinig ko. Hindi pwede ‘to! Kukunin niya ang pambili ko ng ticket sa concert ng GLAZE!
Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko sabay… takbo. Mabilis na takbo. Akala ko titigilan niya ako pero humabol pala ang mokong. Lalo kong binilisan pero binilisan din niya ng takbo. Kaasar!
Muntik na akong madapa nang biglang may humablot sa braso ko. Naabutan na niya pala ako! Nag-tug-of-war kaming dalawa para sa bag ko. Patas sana ang hilahan kaso naglabas siya ng kutsilyo at balak akong saksakin. Umilag ako pero tinamaan pa rin niya ang braso ko. Sa sakit, nabitiwan ko ang bag ko.
Natakot ako nang dumugo ang sugat na tumulo pababa sa kamay ko. Hindi ko na napansin kung anon a ang ginawa nung lalaki. Bigla na lang siyang nawala.

BINABASA MO ANG
Right Words for Mr. Right
Teen FictionJessica found her poems used as lyrics by her favorite band for their newest songs without her consent. How did that happen? What will she do if she finds out who the real culprit behind the incident?