Na aalala mo pa ba?

313 12 26
                                    

Na alala mo pa ba...

Ang una nating pagkikita? Nagkabanggaan tayo sa park, at nahulog ang mga dala kong chichirya at softdrinks. Ikaw mismo ang kumuha nun para sa akin.

At sa pangalawang pagkakataon, nagkita na naman tayo. Unang araw ng pasukan at hindi ko inaasahan na sa iisang school at ang mas malala pa e, sa iisa tayong klase. Ngumiti ka sa akin nang maalala mo ako, kaya ngumiti rin ako pabalik.

Hindi ko nga alam kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko sayo, una palang... 

Hindi rin nagtagal, naging magkaibigan tayo. Bestfriend...hanggang sa maramdaman kong, may something na sa atin.

Lagi kasi tayong magkasama e.

Naalala mo pa ba...

Ang panahon kung kailan ka nagtapat sa akin na gusto mo na ako? Siyempre ang saya-saya ko. Para akong nanalo sa loto. Biruon mo, crush ako ng crush ko. Ang sarap lang sa feeling. Kaya ano pang choice ko, kundi sabihin ko na rin sayo na gusto rin kita.

Araw-araw sinasabi mo sa akin kung gaano mo ako kagusto. Na gusto mo, ako lang ang lagi mong katabi at kasama.

Alam mo ba kung gaano ako kasaya nun? Lagi na akong nakangiti dahil sayo.

Parang lumalalim na nga ang nararamdaman ko sayo e...

Na alala mo pa ba...

Nuong nanuntok ka ng isa sa mga manliligaw ko habang nag uusap kami? Nakakatawa ka nun dahil bigla ka nalang nanuntok na walang dahilan. Nag-uusap lang naman kami. Nagseselos ka ba? 'Wag kang mag-alala. Walang halong malisya 'yun. Sinabi ko nga sa kaniya na may gusto na ako...sinabi kong, ikaw lang ang gusto ko.

Naalala mo pa ba...

Highschool dance nuon, inaya mo akong sumayaw. Sa bawat pag-galaw natin, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Pabilis ng pabilis. May iba na talaga e.

Wala na akong nakasayaw na iba, maliban sayo. Ayaw mo na kasi akong bitawan e. Sabi mo sa akin na ikinangiti ko, ayaw mong may humawak sa aking iba. Dapat ilaw lang.

Tapos...biglang humigpit ang yakap mo sa akin. Tumindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang paghinga mo sa leeg ko.

At mas nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bumulong ka sakin.... 'Mahal kita, Jenny.'

Kasabay ng pagkagulat ko, ang pagwawala naman ng mga lamang loob ko sa tiyan. Ang saya-saya ko. Sobra. Kinikilig ako, sobra. Naluluha ako sayong sumagot na, 'Mahal din kita, Vince. Sobra...'

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag, the feeling is mutual.

At dumating nga ang araw ng panliligaw mo. Ang sayang mag-paligaw sayo. Tinuturing mo akong prinsesa. Hindi pa nga tayo, pero grabe mo na ako kung alagaan at protektahan.

Lumipas ang isang taong pangliligaw mo, sinagot na rin kita. Alam ko kasing kilalang-kilala na natin ang isa't-isa. At alam kong deserving ka talaga.

Ang swerte ko talaga sayo.

Naalala mo pa ba...

Ang bawat pagyayakap natin, ang bawat paghawal natin ng kamay, ang bawat pagsabi natin sa kung gaano natin kamahal ang
isa't-isa. Ang ang first kiss natin? Ganon pala sa pakiramdam? Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ng mga oras na yin, pero ang saya e. Ang saya sa feeling.

Na aalala mo pa ba? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon