Chapter 23

3.4K 165 22
                                    

Umalingawngaw ang isang nakakakilabot na ingay na gumambala sa gitna ng tahimik na gabi. Patuloy sa pag-iingay habang nasa dulo ng matarik na bangin. She's in heat. Mahihimigan ang lungkot at paghihirap ng lobo.

Tinanaw ng abuhin lobo ang bilog na buwan. Tahimik na nagdarasal na sana matapos na ang paghihirap niya kahit alam niya sa kaibuturan niya na tanging ang lalaking itinakda lamang sa kanya ang makakapawi niyun.

"Hinga ng malalim,okay!" aniya sa babaeng na nanganganak ng mga oras na iyun at kunting ire na lang ng babae ay lalabas na ang bata.

"Eto na,hawak ko na ang ulo ni baby,isang malalim na ire pa!"naiexcite niyang saad hanggang sa tuluyan ng lumabas ang sanggol. Mabilis na nilinis niya ang sanggol at binalot sa puting tela at pagkaraan itinabi sa ina.

Napangiti siya ng makita ang katuwaan ng mag-asawa ng makita ang lalaking sanggol ng mga ito.

" Dok..nagpakuha na po ako ng tubig para makapaglinis po kayo,"pukaw sa kanya ng babae kapatid ng nagsilang.

"Sige,salamat..puntahan ko na lang braso at hilamos lang gagawin ko kasi meron pa ko paaanakin,"nakangiti niyang sabi rito.

Agad na tinungo niya ang kinaroroonan ng maliit na poso. May laman ng tubig ang isang timba kung saan nilinis niya ang mga braso at pagkaraan ang kanyang mukha naman. She soap her face kaya nahirapan siyang makuha ang tabo kaya nangapa pa siya hanggang sa may tumulong sa kanya.

"Sorry,hindi ako makadilat ,salamat.." natatawa niyang saad ng buhusan ng tubig ang mukha niya at mabilis na naghilamos siya roon.

That smell is familiar,princess...

Nang tuluyan ng malinis ang kanyang mukhang agad na tiningala niya ang tumulong sa kanya.

"Vincent..."sambit niya sa pangalan ng binata.

Agad na nagrigodon ang puso niya ng masilayan muli ang lalaking itinakda sa kanya.

Nakatunghay sa kanya ang binata. Tumayo siya upang magpantay ang mga mata nila.

"A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwala saad niya.

Matiim na nakatitig sa kanya ang binata.

"I miss you.. " deretsahan nitong tugon sa kanya.

Wait lang! Paano bang kiligin!?

Hindi siya kaagad nakaimik dahil sa pagkamangha.

Napukaw siya ng abutin nito ang kamay niya at agad na nagreak ang buo niyang sistema. The heat. Her hearbeat!

"I..I'm sorry..naging duwag ako. I'm really sorry. Sana..sana gusto mo pa rin ako..na in love ka pa rin sakin," anito.

"Vincent.."tanging sambit niya habang namamanghang nakatitig sa gwapong mukha nito.

Ngumiti ang binata na puno ng pangungulila. He's really miss her!

"Tanggap ko kung ano ka,Rosede..kaya sana...tanggapin mo pa rin ako sa kabila ng pagiging duwag ko," puno ng pag-asam ang makikita sa mga mata nito.

"Please,Rosede..give me a chance. A chance to prove you kung gaano kita...kamahal," patuloy nito na siyang nagpainit sa mga mata niya.

"T-tanggap mo na ba talaga kung ano ako?"paniniyak niya dito.

Umaasa siya na sana nga ay tanggap na siya nito.

Mabilis na tumango ang binata. "Yes! Kaya please,tanggapin mo ulit ako dyan sa puso mo,I want to be with you again,sobrang nawalan ng saysay ang buhay ko ng hindi ka na nagpakita sakin. You take my heart with you that's why I'm here..kaya sana din hindi mo lang ako gustuhin. Kasi di ba...mate mo ko?"

Hindi na niya napigilan ang kagalakan na lumukob sa kanya. Dinamba niya ng yakap ang binata na kinabigla nito pero agad naman ito nakabawi.

"Tanggap mo na talaga ako?!"

Mahigpit na niyakap siya nito. "Yes,thousand times! No,a Thrillion times!"

Masayang-masaya na niyakap niya ng mahigpit ang binata hanggang sa mapasinghap ito.

"W-wait..i-i can't breath,baby.."

Mabilis na dumistansya siya rito na nanlalaki ang mga mata.

"I-i'm sorry!" nag-aalala niyang saad.

"Saan masakit?"

Agad na tinuro nito ang mga labi nito. "Here," inginuso pa nito sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya rito.

"You can't bite me dahil marami tayong audience," nakangisi nitong sabi sa kanya.

Noon lang niya napuna na may nanunuod sa kanila.

"Dok! Ang gwapo ng nobyo niyo!" kinikilig na tukso ng isang grupo ng kababaihan.

Nakangisi na hinarap niya muli ang binata.

"Tell me you love me and I kiss you," aniya.

Ngumisi ito. "I love you,my angel.."

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa agad na pinaglapat niya ang kanilang mga labi at tilian at palakpakan ang maririnig sa paligid.

Ako nahihiya sa eksena niyong dalawa!

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon