STANLEY POV.Hello!everyone my name is Stanley Mae Mendoza 16 years old 4th year high school and i am also gymnastic artist
Kagigising ko lang ngayon para maghanda sa pagpunta sa school although bakasyon pa lang naman at wala pang pasukan, pupunta ako dun para magtraining ng gymnastic. Nagpunta na ako sa banyo para maligo tapos ay tinignan ko kung kumpleto ba ang apparatus na gagamitin ko mamaya tulad ng rope,clubs, hulla hoop,ball,at ribbon
Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ko
"Ma'am stanley ready na po ang breakfast nyo sa baba"sabi ni yaya soleng ang aming mayordoma dito sa mansyon
"Sige po yaya soleng susunod na po ako" sabi ko
Hindi na ako nakarining ng sagot kay yaya kaya bumaba na rin ako . Pagbaba ko ay nakita ko si mom at dad sa sala na nag uusap.
Swerte din ako sa mga magulang ko kahit sobrang busy nila sa trabaho ay nabibigyan pa rin nila ako ng time nakakapagbonding pa rin kamimg tatlo.
Ang kwento sakin ni yaya soleng nung bata ako ay isa raw akong himala dahil hindi daw pwede magbuntis si mom pero hindi pa daw sila sumuko kaya sinubukan nila at nagulat nalng daw sila na biglang nagbuntis si mom kaya simula non nangako sila sa isat isa na aalagan nila ako at hindi pababayaan
"Good morning dad,mom"bati ko sa kanila at humalik pa sa pisngi
"Morning too baby girl"sabi nila
Napansin ko na naka formal suit sila ngayon,nagtaka ako dahil usually tuwing linggo wala silang trabaho
"Mom,dad may work po ba kayo ngyon??" Tanong ko habng kumakain ng vegetable salad
Nagkatinginan namn silang dalawa at kita ko ang lungkot sa mata ni mom
"We have a launch meeting in singapore baby girl kaya next week pa kami uuwi im sorry baby girl but i promise that after that pupunta tayo sa palawan okay??"sabi ni dad
"It's ok dad i can handle my self atsaka wag mo na akong tawaging baby girl im 16 years old already"sabi ko habang tatawa tawa pa
"Ok then,but promise me na hindi ka lalabas ng gabi ha,ingtan mo sarili mo,wag kang papakapagod okay??"-mom
Ngumiti namn ako swerte talaga ako at naging magulang ko sila"yes mom i'll promise"
"By the way mom,dad i have to go malelate pa ako sa training" sabi ko at biglang tumayo dahil tapos na rin ako kumain
"Ok baby girl ingat ka ilove you" mom
"I love you too mom" -ako
At lumabas
na ako ng bahay. Naabutan ko di mang edy na naglilinis ng kotse"Mang edy tara na po baka po kasi malate ako eh"sabi ko
"Ah sige po ma'am"
Habang nasa byahe ay nag papatugtog lan ako ng music eheheh wala kasing magawa ehh.Maya maya lang ay nakadating na kami sa school.
"Ma'am nandito na po tayo"-Mang edy
"Sige mang edy text ko nalng kayo pag mag papahatid na ako"sabi ko bago bumaba sa kotse.pag pasok ko ay nakita ko agad ang apat kong bestfriends kaya lumapit ako sa kanila.
"Hi guys!"buong galak na bati ko
"Oh,hi ley" bati rin ni patrisha
"Hi there"-shane
"Hello"-jieya
"Hi"-jhane
"Wala pa ba si coach?"tanong ko
"Nakita mo na ba?"sarkastikong tanong ni patrisha sa akin ughh whatever. napaka e,kung di ko lang talaga kaibigan to matagal ko na tong napatapon sa pluto para makasama ang kauri nyang alien.
Napa roll eyes nalang ako.habang yung apat tawa ng tawa"just kidding ley"sabi nito habang nagpipigil ng tawa.
"May emportant meeting daw sya kaya malalate sya ngayon. Nagtext din sya na kapag dumating ka e' simulan na daw ang training"paliwanag naman ni jhane. Buti pa to matino kausap kausap. Isa kasi akong Leader dito sa buong team sa madaling salita assistant ako ni coach jhonny.
Nagsimula na kaming mag stretching tapos drill at flexibility routine.After 3 hours dumating din sa wakas si coach jhonny.Grabe ang tagal niya ahh jeez.
"All Rythmic Gymnastics Go to my office"utos ni coach
Agad naman kaming pumunta ni Shane at iba pa naming ka grupo
"Coach bat nyo po ba kami pinapunta dito sa meeting nyo"tanong ni shane kay coach.
"All rythmic gymnastics ay sasali sa international competion in Australia in September at i expecting all of you na malinis na ang routine nyo dahil next next month na ang competition nyo"paliwanag ni sir maraming nagreklamo dahil ang ibang routine ng group mate ko at hindi pa talaga maganda.
"Coach bakit ngayon lang po nyo ito sinabi,malapit na po pala ang compete."tanong ko dahil maski ako ay nagulat din. Mostly kase pag may darating na conpetition iaannounce agad yun ng 4 months after compete.
Bumuntong hininga naman si coach"i don't really know kung bakit ngayon lang din sinabi sa akin ng head ng gymnast"sagot nya
"Okay sir,we will do our best to prove you na kahit 2 months nalng ang natitirang time namin magiging champion ulit ang WUG(Winston University Gymnastica)this year"hyper na sabi ni shane. Tumango naman ang ibang ka team ko kaya napangiti si coach.
*****
"Di ka ba talaga sasama samin sa mall"?hayst.kanina pa ako kinukukulit ni jieya na sumama sa kanila sa mall.
"Ayoko nga saka wala ako sa mood pumunta sa mall"I boringly said
"Tss. KJ as always"Sabi ni shane
"Next time nalng guyz"
Wala na ring nagawa si jieya napagod na siguro kaka kulit sa akin. Hinintay ko lang si mang edy,after mga 15 minutes ay dumating na rin ang mag susundo sa akin. Habang nasa kotse ako ay may nadaanan akong isang bookstore.
"Mag edy pahinto nga po muna yung kotse may bibilhin lang po akong libro"paalam ko tumango naman sya at bumaba na rin ako sa kotse.
Tumingin ako kung meron bang libro si sherlock holmes at nakita ko isa nalang yung nandon kaya pumunta ako kung nasan ako at kukunin ko na sana nung may humawak din ng libro.nang tingnan ko kung sino ay nagulat ako dahil sa expression ng mukha nya he's creepy.
"Uhhm .Excuse me pero ako po ang nauna dito"sinubukan ko di mautal dahil sa lamig ng titig nya