Mahirap ang long distance relationship,
Magkakasakit ka sa kakaisip.
Hindi niyo alam kung magtatagal ang inyong trip,
Kasi ang ganitong sitwasyon ay sadyang nakaka-inip.
Bawat araw naghihintay ka ng text niya,
Kapag wala ni isa, sadyang nakakairita.
Minsan sa LDR hindi talaga mawawala ang pagdududa,
Kasi hindi mo naman nakikita lahat ng ginagawa niya.
Ang kailangan sa LDR ay tiwala,
Para hindi ka matuluyang maloka.
Pero hindi sa lahat ng oras ito'y maganda,
Minsan, sa sobrang pagtitiwala, nauuwi lang din sa wala.
Ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa text ay hindi sapat,
Dahil hindi mo malalaman kung ito ba ay talagang tapat.
Pagpapakita ng pagmamahal ng harapan ang mas nararapat,
Para inyong relasyon ay hindi magka-lamat.

YOU ARE READING
Long Distance Relationship (LDR)
Teen FictionPara sa mga nagmamahal ng malayuan. Haha. Sa totoo lang, hindi biro ang LDR. Sobrang hirap niyan. Hindi sapat ang care through text, chat, or skype lang, iba pa din ang nagkaka-kita kayo ng harapan. Sa LDR, ang kailangan ay TRUST. Pero not all the t...