4th Ride

246 7 0
                                    

A/N: Guys and gals, dont forget to vote and comment.

Spread the love!

Nakapag-UD pa rin ako kahit finals na namin..,

Ok lang naman basta for you readers.

-yung song nasa gilid --------------------->

4th RIDE

MISCHE POV

At last I’m home! So dead tired, like an over cooked pasta.

Tip lang, ‘wag na kayo mag-college,daming kailangan!

Sulat dito, sulat doon. Punta roon, punta rito. Pila rito, pila roon. Darn! Ka-stress lang!

Muntik pa nga magka-rumble kanina eh, of course si Lollipop ang involve not me.

-FLASHBACK-

Registrar’s Office

“Sis ang sakit na ng alak-alakan ko.” Mangiyak-ngiyak na siya. Ang lakas kasi ng loob mag-high heels. Imagine, 4 inch?!

“Kundi ka naman kasi tanga’t kalahati, yan pa sinuot mo. Tanggalin mo muna, baka mawalan ka na ng paa, mamaya hindi ka na makapag-drive.”

“Oo nga noh, paminsan-minsan din pala gumagana yang utak mo Sis!”

Yumuko na siya para tanggalin yung stilettos niya.

“Salamat ah. Salamat tala-“

Tugsh!

“Hahahahaha!!” ako yan.

“Aray! Pooh-tongue-ina! Sino tumulak sa’kin? Tongue-ina mo kung sino ka mang hinayupak ka. Takte ang sakit! Nyeta ka mamatay ka ng Zagu ka.”

Laughtrip to da max mga Par! Kung nakita niyo lang talaga yung pagsubsob ng mukha ni beksfriend sa plant box.

Buti na lang walang cactus, kung nagkataon na meron, Nakow! Kawawang nilalang.

Sakit na ng chan ko kakatawa. Ganito pala talaga ang tunay na kaibigan, hagalpak muna bago tumulong. Hindi kasi ako maka-get over sa nangyari. Natatawa talaga ako kapag naaalala ko.

Galit na galit na si Sis! Nanggagalaiti! Mura pa ng mura.

Tutulungan ko na sana siya ng may lumapit sa amin.

“Ako ba minumura mo?” Woah! Mukhang mataray si ateng. May kasama pang alagad. Pero infairness magaganda sila ah.

“Hindi. Sarili ko, sarili ko minumura ko, tongue ina ako eh. Bobo mo naman, bingi ka ba at hindi mo narinig na yung tumulak sakin ang tinutukoy ko? SHUNGA ka?” Bibig talaga nito, walang patumangga.

“Huh! Bagay lang sayo yan, ang panget mo kasi. Gusto mo itulak ulit kita para mas lumala yang mukha mo.” Ayun lang, shoot to kill ka na girl.

“Alam mo yang panlalait mo, hinding-hindi mo ikagaganda. Maganda ka nga, BULOK naman yang ugali mo. Mas ok na nga na hindi ko nabiyayaan ng magandang mukha kesa naman sa katulad mong maganda nga MAKAPAL NAMAN ANG MUKHA.”

 “How dare you! Ang kapal ng mukha mong maliitin ako ng ganyan!” Dinuro siya ng babae.

“Why? Are you affected? Don’t tell me ganun ka nga? Shame on you.” Sabay tingin mula ulo hanggang paa.

Out of ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon