Sa hapag, buo na ang pamilyang Tuazon. Hindi ko naman mawari ang mga tingin ng kanyang ate. Kaya naman kanina pa ako kinakabahan kahit hawak na ni Kai ang aking kamay. Kasama namin ngayon sa hapag si Butler at mukhang nakikiramdam lang sa paligid."Let's eat." aniya ni Tita.
"Ma,hindi mo ba kami ipapakilala sa bisita natin?" walang emosyon niyang tanong kaya naman agad akong tumungo. Agad naman hinigpitan ni Kai ang pagkakahawak niya sa akin.
"Siy--." Kai stopping her mom to introduce me.
"Pa, Jai. Julliana Preciousa Moris,my wife."
Sa gulat ko ay nahampas ko siya at si Tita naman ay nasamid sa kapeng iniinom. Si Butler at ang papa niya naman ay nakangisi lang at halata ang gulat sa ate niya.
"A-anong sinasabi mo?" bulong ko ngunit may diin na wika ko sa kanya.
"Opps! sorry, meet my girlfriend."
Napastraight naman ako ng upo nang marinig ang tawanan sa hapag. Ramdam ko agad ang bilisang pag init ng aking mukha. Nakisali pa sa tawanan si Kai at samantalang ako ay hindi na mapakali sa kinauupuan lalo na at nakatingin pa din sa akin ang kanyang ate.
Matapos ang almusal ay umakyat muna ako sa kwarto para maligo. Nang matapos ay inayusan ko ang aking sarili. Buti na lang may heater dito sa bahay nina Kai dahil kung wala baka mamatay na ako sa lamig.
Kagabi ,tumawag ako sa bahay para ipaalam na magtatagal ako sa Baguio dahil na din sa kalagayan ni Kai. Inaalala ko na baka sandamakmak na sermon ang aking matanggap ngunit nagkamali ako. Dahil nung nalaman nila isang salita lang ang iniwan sinabi nila bago nila ako babaan.
Enjoy.
Ayan lang naman ,sana nga mag enjoy talaga ako. Ang taray kasing tingnan ng ate ni Kai,natatakot ako sa kanya.Ito kasi ang unang beses na nakilala ko siya ng personal. Maganda ang ate niya at kamukha naman siya ng kanyang Papa. Namiss ko tuloy si Kuya, isa pa iyon . Iniisip niya na baka makabuo na daw kami ni Kai ng Baguio baby dito.Siraulo di ba? wala pa sa isip ko ang mag kapamilya no.
Sa kalagitnaan ng pagboblower ko ay may kumatok. Kaya naman agad ko itong pinagbuksan at the same time agad pinagsisihan.
"Mi-Ms.Jai, i-ikaw pala.Pasok po." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na animoy sinusuri,matapos yon ay dumeretso siya sa loob at ako naman at napatingin sa suot. Isang highwaist at malaking tshirt na naka insert. Ok naman ito diba? Malamig, kaya medyo makapal na shirt ang suot ko.
Jai Rencel Tuazon.
Sinundan ko lang siya sa loob habang pinagmamasdan ang paligid. Medyo nabasa ko ang sahig malapit sa CR, napansin niya ito at agad ko naman nilapitan para punasan.
"So-sorry." paumanhin ko at tumaas naman agad ang kanyang kilay. Napakagat tuloy ako ng labi. Julliana naman.
"Hanggang kailan ka dito?" naging malikot ang aking mga mata dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. "Ano? hindi ka makasagot?. Umalis kana dito,hindi naman talaga kailangan ni Rafael ang tulong mo. You are just his employee. Gold digger I mean." nagtakip pa siya ng bibig gamit ang kanyang kamay at umarteng nadulas.
Nagulat ako sa mga salitang binitawan niya at agad napakuyom palad.
"Am I right? Kagaya ka lang din ni Lu.. ng iba, manggagamit."
At kanino naman niya ako gusto ipagkumpara?.Tiningnan ko siya ng masama at hindi siya natinag don.
"Mawalang galang na po Ms.Jai, kung may problema po kayo sa akin sa pananatili dito ay si Ms.Choi na lang po ang kausapin niyo. At hindi po ako kagaya ng iniisip mo. Oo, empleyado lang ako ni.. ng kapatid niyo pero hindi ako isang linta para lang makakapit sa patalim para maiahon ang sarili. "