Kabanata 34
Eavesdropping
Unregistered number:
Hi! This is Christie!
From Space! BGC!
Hi! :)
Christieeee, yung curator HAHA
in case lang na-forget mo ako
Ako yung tinanggihan mo ng dinner tanyt!
Lmao
charot no offense naman hihiii
I understand. I'm a very understanding
person! ☺️
Layla Lagdaméo:
Hi, Christie! No, I did not forget.
Grabe naman. Haha.
Si Layla 'to. :)
Christie from Space:
Omg u finally replied!
Iiyak na ba ako! lol
Layla Lagdaméo:
lol omg don't cry! Haha!
Sorry it took a while
Tumawag kasi boss ko
Christie from Space:
Yikes. Really???
On a Friday night???
That's so toxic 🤢
Wanna work for me??
lols jk langs if u refuse
but if you're willing i'm open
for nego! hehehhh charaught! i mean
the position is still open! 😌
Natatawa at naiiling nalang ako habang nag-ti-tipa ng reply kay Christie. I usually would be creeped out by this, at didiretsuhin ko na ang pag-ba-block. I don't even give out my phone number that easily. Kung may ibibigay man akong numero noon ang kadalasan kong ibinibigay ay iyong numero ng dad ko, para lang matuldukan ang usapan. Isang beses lang ako mag-re-reply, to be polite, tapos ay wala na.
But, of course, it would be different if I was equally interested. Also very different... if I needed special information.
Napabalikwas ako ng gising, Sabado ng umaga, nang marinig ang mabangis na pag-ri-ring ng telepono sa sala. Mura ako nang mura nang nakitang kaka-patak palang ng alas-cinco at iyon pa ang naging alarm ko. Nonetheless, I practically slid and ran like crazy to answer. Hingal na hingal ako nang nakarating sa console table.
Wala pa sana akong balak gumising. Pero nang dahil sa pagtakbo ay pakiramdam ko napaka-alerto ko na!
"Hello, good morning! How may I help you?" I answered smoothly, nilunok nang tuloy-tuloy ang pag-hingal. Muntik kong isali ang "This is Mister Floirendo's residence!" sa pagbungad pero mukhang invasion of privacy na 'yon. Mukhang wala pa namang nakakaalam na dito nakatira si Sir Killian. Dahil... medyo matagal na ako rito, pero hanggang ngayon at ni-minsan ay wala pa siyang dinadalang mga bisita o kung-sinuman.
BINABASA MO ANG
Behind Curtains
Ficción GeneralLayla Lagdaméo was her parents' biggest investment, and their biggest flaw. Panganay, matalino and belonged to a working middle class family, Lala was well-informed of her parents' daily sacrifices just to prioritize her comfort. Ngunit, anong ginaw...