Nine

1.4K 22 0
                                    

NILANGHAP ni Luna ang amoy galing sa bungkos ng mga rosas na naka-display sa isang stall sa pamilihan. She always love flowers and she always love to do that. It calms her mind and sometimes brings her back memories, too. Mga ala-alang gusto niyang balik-balikan kahit pa mas marapat na lamang niyang ibaon sa limot.

"You are beautiful just like these flowers?" wika nito saka tila nananaginip na pinagmasdan siya. "Do you know that?"

She brush her hair to her ears, blushing. Bakit sa dinami-rami ng lalaking pumuri sa kaniya ay dito lamang nag-init nang gayon ang kaniyang mga pisngi. Bakit dito lamang kumabog nang gano'n kalakas ang kaniyang dibdib?

"Alam mo, I could stare at you all day long, pero hindi ako mapapagod," dagdag pa nito habang direkta pa ring nakatingin sa kaniya. "I don't know why—may be I'm really in love with you."

Sa pagkakataong iyon ay biglang tumigil ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya. Pati ang kaniyang hininga ay kaniya ring napigilan. Napatingin siya sa binata, magkahalong pagkagulat at kuryosidad ang mababanaag sa kaniyang mukha.

"Yes, I think I love you," sinserong saad nito. "Is it possible for you to just stay here with me and love me back?"

"Miss?" pukaw ng isang tinig na siyang nakapagpabalik sa kaniyang diwa sa kasalukuyan. "Miss, bibilhin mo ba ang mga 'yan?"

Napakurap-kurap si Luna nang rumehistro sa kaniyang pandinig ang tinig na iyon. Nang magtaas siya ng paningin ay sinalubong siya ng tindera. Nakangiti ito at nakaturo sa mga bulaklak na noon ay hawak-hawak pa rin niya.

"Um," tumikhim siya saka nahihiyang ibinalik ang mga bulaklak sa puwesto niyon kanina. "Pasensiya na po."

Wala pa rin sa sarili na naglakad siya palayo. Ang imahe pa rin ng naturang lalaki ang laman ng kaniyang isip. Huminto siya sa isang sulok at sumandal sa isang poste. Stop it, Luna. Mali itong ginagawa mo. Hindi mo na dapat siya iniisip, kastigo niya sa sarili saka huminga nang malalim. Aalis na sana siya sa lugar na iyon ngunit muli siyang natigilan nang makita ang isang poster na nakadikit sa mismong posteng sinasandalan niya kanina.

Have you seen this girl? ang naka-imprenta sa naturang poster. Sa ibabaw niyon ay may stolen na larawan niya na sa tantiya niya ay kinuha two years ago. Pero ang higit sa larawan niya ay higit na nakatawag ng kaniyang atensyon ang pangalang nakalagay sa ilalim na bahagi ng naturang poster. If you do, please see Mr. Kit Vera on this address. Nakalagay sa tabi niyon ang address ng isang hotel.

Kit, halos maubusan ng hininga na sambit niya saka napahawak sa dibdib. Mistulang nakipagkarera na naman siya sa mga kabayo sa bilis ng tibok niyon. Si Kit na parang kanina pa lamang ay siya ring gumugulo sa kaniyang isip. Kit is looking for me, halos mamatay-matay na sambit niya uli sa sarili. Napapakit siya nang mariin—what is she going to do?

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon