"Clea Andison tan" napalingon ako sa lalaking tumawag sakin, nakakainis talaga yung pag mumuka netong lalaking to kala mo makatawag ng pangalan kaumay.
"Bakit ikaw yung sumundo sakin? Asan si daddy? " inis kong sabi
"May appointment sya ngayon kaya inutusan nya kong sunduin yung panget kong step sister "
Inis akong pumasok sa kotse naiirita talaga ko kapag nakikita kotong step brother kong to lalo na kapag tinatawag nyako sa tunay kong pangalan sarap patayin eh pwede naman 'Andi nalang' sapakin ko kaya to.
"Hoy clea andison bakit ka nakasimangot jan? Ampanget mona nga pinapapanget mo pa lalo sarili mo" natatawa nyang sabi
"Hoy ikaw matt andrew Andazan alyas ulupong pwede ba wag mokong matawag tawag sa tunay kong pangalan sikmuraan kita eh" patuloy padin sya sa pag tawa sana sumakit tyan ng gagong to.
Ayoko talagang tinatawag sa tunay kong pangalan Babaeng babae kairita mas okay pang Andi eh, ang cool pakinggan oo tama kayo readers boyish ako lalo na sa pormahan, mas lalaki panga akong pumorma sa gagong to, sa bahay lang ako nagiging girly sando at short sinusuot ko para maginahawa pag tulog minsan nag papajama din ako.
"Baby sis, ang sarap mo talagang asarin Hahahahaha tignan mo itsura mo oh ampanget hahahahahahahah" lakas talagang mang asar ng gagong to
"Wooooooh! Lakas manlait gwapo ka ha? Gwapo ka? Letse ka, wala ka nabang ibang talent kundi ang asarin yung maganda mong step sister? Kupal ka" iritable kong sabi
"San ganda dyan? Pengeng mapa hanapin ko kung san banda"
Naiinis na talaga ko sa gagong to bakit kasi naging step brother ko patong gagong to nakakainis!
"Ewan ko sayo maghanap ka ng kausap mo panget" sigaw ko sabay baba ng kotse habang sya di mapigilan ang tumawa habang nakahawak sa tyan nya. Bwisit
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagpadala nalang kay yaya ng pag kain ayokong makita yung panget kong kuya masisira ganda ko don.
i open my loptop makapag facebook nga muna mawala man lang tong badtrip ko kay kuya
Ayun scroll up, scroll down ang peg until something caught my attention
Syet totoo bato? Si drex nasa pinas na? Oh my goshhhh!!!!!! Si drex caleb de guzman yung crush ko since elementary syet! Dun sya nag aral ng college sa U.S kaya ilang years ko din syang di nakita tanginaa andito na syaaaaa.
Diko namalayan na nakababa na pala ko ng hagdan papunta kay kuya matt na nag gigitara.
"Kuya matt totoo batong anjan na si drex sa pilipinas kuya?! Kinikilig kong tanong habang sya di maipinta yung muka.
Napansin kong napatulala sya sakin anyare sa gagong to
"Huy kuya kong panget!"
Kaway ko sa kanyaNapaiwas sya ng tingin at nag strum sa gitara nya
"Eh ano naman sayo clea andison! " iritable nyang sagot
"Kuya sya kasi yung crush na crush ko since elementary! diba kabanda mo yun?! Waaaaahhh kuyaaaa" kinikilig kong sabi sabay tili.
Nakalimutan kong mortal enemy kotong gagong to damay damay nato basta si drex ang usapan.
"Hoy, ikaw tigil tigilan moyan ha?! Pag aaral muna yang intindihin mo tsaka may girlfriend na yang si drex maganda ang layo sa itsura mo! "
Nalungkot ako sa sinabi ni kuya, oo sobrang higpit nyan pag dating sa lovelife ultimo crush lang nag kakaganyan na sya what if pa kaya kung boyfriend kona tatanda akong dalaga sa kupal nato eh, pinamuka pa talaga sakin na maganda yung girlfriend ni drex.
Maganda din naman ako eh andami kayang nagbabalak manligaw sakin kaso binabantaan nitong kupal nato kaya ayun hindi na nila tinutuloy yung panliligaw Bawal padaw kasi akong mag boyfriend 22 na kaya ako ang higpit higpit padin nya sakin.
"Mag si-ship sya ng course gusto daw nyang maging coulinary diko din malaman sa gagong yun eh, tapos na ng medicine bakit nag ship pa ng coulinary" napailing nyang sabi.
"Co-coulinary? What do u mean kuya? "
"Dito sya mag aaral sa st. Francis kaya ikaw umayos ka ha humanda ka sakin?!"
Malakas sya pag dating sa pang aasar sakin pero pag dating sa mga lalaki overprotective sakin kahit di kami mag ka dugo.
Wala nakong pake sa kasungitan nya.
"ibig sabihin? Waaaaaaaaaah! Magkaklase kami ni drex" agad akong tumakbo sa kwarto ko and i shout goodnight to my kuya matt.
He made my day,
the only
drex caleb de guzman.