Elevator
Dali dali akong nag suot ng pantalon at dali dali ko ding tinuck in ung T-shirt ko. Pinusod ko ang buhok ko saka dali dali ng tumakbo sa may pintuan para mag sapatos.
Nasa tricycle na ako saka ako nag ayos pa ng sarili. Ung alarm ko kasi hindi tumunog. Monday pa naman ngayon. Ito ung araw na ni isa samin walang nag balak na malate dahil bukod sa incident report ay ikaw ang sasagot ng lahat ng tanong na ibabato ng professor sayo buong... limang oras.
Pinag titinginan ako ng mga tao dahil sa pag takbo ko pero d un ung concern ko ngayon dahil 2minutes nalang at late na ko. 8:01am is late 1 minute late is late and late is late.
Dali dali akong tumakbo patungo sa elevator dahil 7th floor pa ung room ko.
Nanlaki ung mata ko ng makita ko sa medyo kalayuan na pasara na ang elevator. Ung isa kasing elevator ay sira nung nakaraang araw pa.
Sinenyasan ko ung nag iisang lalaki sa elevator. Tinaas ko ung kamay ko kahit muka kong tanga at alam kong nakita nya ko dahil nag katinginan kami sa mata.
And...
He just stared at me..
And...
Smirked..
Biglang nag dilim ung paningin ko ng sumara ung elevator. Diin akong pumikit at dumilat. I have this thing na kapag nagagalit ako mag didilim ung paningin ko and It will take a moment pero wala akong time.
Kaya dali dali na kong tumakbo sa hagdan kahit nag dilim ung paningin ko sa punyetang lalaking yon.
Hingal na hingal akong tumakbo sa hagdan. 4th floor palang ay nanghina na ung mga tuhod ko at hindi ko na mahabol ung hininga ko.
Huminto ako para huminga at dahan dahan at dali daling tumakbo uli paakyat ng 7th floor.
Pag ka hawak ko sa door knob feeling ko any seconds mahihimatay ako. Pero binalewala ko un at huminga ng malalim saka pumasok—
"Ms. Torres." Halos matuloy ung pagkahimatay ko ng tawagin ako ng prof namin.
"Mam." Hingal kong banggit.
"Take your seat and get ready for your graded recitation."
Ung feeling na gusto mo nalang umiyak?
Pagka punta ko sa upuan ko ay tinulungan ako ng katabi kong si Jona sa bag ko tapos hindi na ko umupo. Ni Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi nakatingin ung mga kaklase ko sakin tapos ung prof ko na hinihintay Lang akong tumayo ng maayos.
Pag ka tayo ko ng maayos bigla kong nilagyan ng libro ng isa ko pang katabi na si Jacob. Nginitian ko sya at binasa ung binigay nya.
Punyeta. Hinding hindi ko makakalimutan ung pag mumuka nung lalaking yon.
....
Kumpol kaming mga kaklase ko sa isang table sa canteen ng mag pabreak si mam.
"Hindi uso elevator? Pawis at hingal ka kanina ah. Napag tripan ka pa ni mam." Tawa nila. Ako naman napailing at kinain nalang ung binili kong burger.
Bawat nguya ko naiisip ko ung pag mumuka nung punyemas na lalaking yon. Bwisit sya.
Kasalanan ko naman kung bakit ako malate pero half non e kasalanan nung lalaking yon. Kung hindi sya tumunganga Lang don edi sana nakaabot pa ko sa time. Punyeta sya.
Habang ngumunguya ako napatingin ako sa entrance ng canteen.
Muntik ko ng mapisil ung burger na hawak ko ng makita ung pagmumuka nya. May kasama syang dalawang lalaki. Si Kuya Raven ung isa. nakasama ko un sa isang org. dito sa school.
Letche. Bat d pa sila naging apat para F4.
"Huy matunaw!" Bulong ni Jona.
Ngumisi naman ung mga kaklase kaming nakarinig saka tumingin sa tinitignan ko.
"Ohhhh. Hades?" Napatingin ako kay Ann.
" bat ka nakatingin kay Hades? gwapo no. Ang sarap pa kamo—" tinakpan nung katabi nya ung bibig ni Ann. Dahil napatingin sa banda namin ung sinasabi nyang Hades.
Kinunutan ko sya ng noo ng huminto ung tingin nya sakin. Tapos? Tinignan nya Lang ako na parang wala syang ginawang hindi maganda kaninang umaga sakin! Punyeta sya! Panira ng araw!
...
Sabay sabay kami ng mga kaklase ko ng umuwi kami ng 5pm. Habang bumababa kaming hagdan huminto ako dahil May naapakan akong papel. Pinulot ko yun saka kami mag lakad uli ni Jona.. mga studyante dito may basurahan naman din d nag tatapon ng maayos. Tamad Lang? Hinawakan ko lng ung papel at tuloy sa pag cecellphone dahil umaasang sasagutin na ni mama ung mag messages ko. Napabuntong hininga nalang ako ni isa sa mga chat at message ko sakanya e mukang d nya pa nababasa. Ni Hindi nga siniseen.
Kinagat ko nalang ung labi ko saka nilagay ung cellphone ko sa bulsa ko. "Ano yang hawak mo?" Tanong ni Jona.
Enrollment form.. Hades Anthony Rivera.. Financial Management.. 4th year..
Teka eto ba ung lalaking yon?
Kunot noo kong binigay saknya. "Gawin ko dito?" Tanong nya saka binasa.
"Tapon mo." Sabi ko. Bwisit na yan.
Nag lakad uli kami papalabas na ng campus "Dba yan ung kasama ng may ari nito kanina?" Papadaan si Kuya Raven sa gilid namin ng kinuha ko ung eform sa kamay ni Jona.
"Kuya Raven." Huminto kami ni Jona ng huminto si Kuya Raven.
"Nicole." Bati nya. Nginitian ko sya saka ko inabot ung eform.
"Napulot ko kanina duon." Sabay lingon.
"Uy thank you kanina nya pa to hinahanap e. Hindi mapirmahan nung dean namin ung mga papers nya kasi nawawala to." Nag mamadaling sabi ni kuya Raven.
"Thank you." Tumango ako saka kami nag lakad na palabas.
...
"Ma?!" Napahawak ako sa noo ko. Kala ko andyan na si mama. Panaginip lang..
Bumuntong hininga ko saka kinuha ung cellphone k—
Putangina. 7:47am na!!
I swear to god sisirain ko na tong cellphone ko kung hindi ko Lang narealize na nakalimutan kong mag set ng alarm. Tangina..
Eto nanaman ako. Pinagtitinginan dahil gahol ako sa pag takbo na kala mo may humahabol sakin.
Hingal na hingal kong hinabol ung papasaran elevator dahil sira padin ung kabila. Hinabol ko ung hininga ko ng mapindot ko ung button. Na relief Lang ako ng bumukas ang elevato—
Nanlumo ako ng makita ko na halos d mahulugang karayom ang laman ng elevator.
Ano to? Marathon nanaman?
Napakagat ako sa labi ko saka tinignan ung orasan ko. 3 minutes.. Aabot pa ko—
Tatakbo na sana ko papuntang hagdan ng biglang bumukas uli ung elevator. At may lumabas na isang lalaki..
He smiled at me.. tapos sumenyas sya na sumakay na ko ng elevator.
"I owe you one." Sabi nya na parang sinandya na ako lng ung makarinig pag pasok ko sa elevator.
Papasara ang elevator ng tumitig sya sa mga mata ko ng binanggit nya ang pangalan ko.
"Nicole.."
Para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Ni hindi ko alam na nabanggit ko din ang pangalan nya..
"Hades.."