Chapter 8
"MUKHANG aabutin nanaman tayo ng madiling araw." Anang kaniyang manager nang makalapit sa kaniya. Katatapos lamang siyang kuhanan ng eksena. Sandaling huminto ang buong set upang makapagpahinga ng ilang sandali ang lahat.
Mas pinili naman ni freya ang lumagi sa loob ng van at duon magpahinga. Mula pa kasi kanina ay iniiwasan na niya si cliden. Mas mainam nga na ganun upang wala siyang maging problema. But that guy was teasing on her. Maya't maya ang pag titig nito sa kaniya. Halatang sinasadya nito na gawin iyon.
Nagbuga siya ng hininga. Hindi magiging madali sa kaniya ang pangaraw araw kung lagi silang magigung ganun. Maaring sa malaon ay may makakapuna na sa kanila.
"Are you okay?" Tanong sa kaniya ng manager.
"Yeah. Ipapahinga ko lang itong mga paa ko." Aniya at inalis ang mataas na high heels. Nakaramdam siya ng ginhawa nang itapak niya ang mga paa sa sahig ng sasakyan. "That's better."
"Mag pahinga ka na muna dito. Mamaya lang ay tatawagin kita kapag kailangan mo ng bumalik roon."
"Thanks." Mahinang sagot niya. Inihiga niya ang ulo sa sandalan.
Nang maglakad palayo ang kaniyang manager, duon lang niya ipinikit ang mga mata.
Nakakaantok ang malakas na hangin na nanggagaling sa paligid. Para siyang hinihela ng mga iyon, kaya hindi niya naiwasan na bahagyang ngumiti. Nawawala ang pagod niya sa malamig na simoy ng hangin.
Maya-maya pa ay nakarinig siya muli ng mga yabag. Inisip niya na baka ang kaniyang manager iyon at bumalik dahil may nakalimutan itong sabihin sa kaniya.
"You look like an angel sleeping in a clouds." Anang baritonong boses sa kaniyang tabi. Nakakasiguro siyang hindi iyon ang kaniyang manager, kaya agad siyang dumilat at bumalikwas mula sa pagkakasandal. Nakita niya ang nakangiting si cliden na naka tayo sa pintuan ng van habang nakatukod ang braso sa bubong
Automatikong luminga siya sa paligid. "W-what are you doing here?"
"I couldn't find you anywhere, kaya naglibot ako. Andito ka lang pala." Anito na naupo sa baitang ng van. Yumuko ito at tumingin sa kaniyang paa. "Napagod ka ba sa pagtago sa akin?"
"P-puwede bang wag ka dito. Baka may makakita sa atin." Muli niyang nilibot ang paligid. Nagpapasalamat si freya at nasa bandang dulo naka park ang kanilang van. Walang masyadong nadadaan sa gawing iyon. Walang makakakita sa kanila. Pero hindi parin kumportable si freya. Kaya nga siya nagtatago dito, eh.
"Iniiwasan mo ba ako?" Anito at nagsimulang kunin ang kaniyang paa at marahang hilutin. Napapitlag siya hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa init ng mga kamay nitong humahagod sa talampakan niya.
BINABASA MO ANG
🔞 When The Curtain Falls [ON HOLD]
Ficción GeneralFreya was satisfied with what she did achieve in her career, dahil alam niyang hindi biro ang lahat ng kaniyang pinagdaanan para makamit ang pagiging isang magaling na primera kontrabida. She would say, her life was almost perfect. Not until cliden...