...AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER.
Kumislap ang dalawa kong mata matapos basahin ni Papa ang story book na Cinderella, "Wow! Ang ganda ganda naman po ng love story nila, Papa!"
"Ganoon talaga kapag Fairy tale." Sagot sa akin ni Papa, nagtaka tuloy ako, "Papa, totoo po ba 'yung Fairy tale? Pwede po bang mangyari 'yun sa totoong buhay?"
"Oo naman 'nak!" Nakangiting wika ni Papa, pero patuloy pa rin akong nagtaka, "Talaga po? E hindi naman po totoo 'yung magic diba?"
"Hindi totoong may magic, pero totoong may TRUE LOVE dahil LOVE is the greatest magic." Mas lalo akong namangha nang sabihin iyon ni Papa sa akin. Doon na nagsimula ang paghahangad ko na makahanap ng true love at magkaroon ng mala-fairy tale na love life balang-araw.
Kinabukasan, maagang nagpaalam si Papa sa akin dahil babalik na syang United States, doon kasi sya nagtatrabaho. Isa syang Mechanical/Computer Engineer sa Xenuz Inc. One of the best Technology Company in the world na nagpoproduce ng mga gadgets, machines, at higit sa lahat, mga robots.
"Papa! Mag-iingat ka po ha?" Payo ko sa kanya.
"Syempre naman 'nak! 'Pag na-miss mo ako, i-on mo lang 'yung LCD flat screen natin sa living room at 'yung webcam via satellite para makapag-video chat tayo ha?"
"Sige po, Papa! Araw-araw ko po kayong kakamustahin kasi araw-araw ko po kayong mamimiss!" Matapos nun ay niyakap namin ng mahigpit ang isa't isa at saka na sya sumakay sa kotse dala ang malalaki nyang maleta. Matagal na naman bago kami magkita ni Papa, pero di bali, sa tulong ng teknolohiya, pwede pa rin kaming makapag-usap kahit malayo na kami sa isa't isa.
Ako nga pala si Niña Cayetano, 11 years old ako noong nagsimula akong mahilig sa Fairy tales. Madalas kasi akong basahan ni Papa ng mga Fairy tales noong bata palang ako. Kung mapapapansin nyo, sobrang close kami ni Papa dahil siya lang ang nagpalaki sa akin, namatay kasi si Mama noong ipinanganak nya ako. Simula noon, si Papa na ang tumayong ina at ama ko sa buhay. Sa katunayan nga nyan, kahit nasa United States na sya, madalas pa rin kaming mag-video chat dahil lagi akong nagkukwento sa kanya ng mga updates tungkol sa akin, about school, friends, at higit sa lahat, love life.
"Talaga 'nak? May crush ka na? Sino?" Excited si Papa na malaman kung sino ang crush ko. Ang lapit na nga ng mukha nya sa LCD screen e.
"Si Eliseo Laxamana po!" Proud na sagot ko.
"Talaga? Gwapo ba sya 'nak?"
"Opo, 'pa! Hindi lang gwapo, matalino at mabait pa! Sa katunayan nga nyan, pinayungan nya ko kahapon nung nakita nyang wala 'yung payong ko sa bag. Nakalimutan ko kasi dito sa bahay e."
"Aba! May crush na ang anak ko ha. Pero 'nak, i-promise mo na hindi mo pababayaan ang studies mo ha?"
"Opo! Promise, 'pa!"
Kailanman ay hindi ko binigo ang mga pangako ko kay Papa. Nag-aaral akong mabuti at madalas ko pang ipakita sa kanya 'yung mga matataas kong grades at scores sa quiz. Hanggang sa mag-high school ako, madalas ko pa rin syang i-update about sa crush kong si Eliseo.
BINABASA MO ANG
Android-143
Short StoryCopyright © 2014 by Soi Badilla. All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced without the Author's express consent. Android-143 is a male robot/humanoid developed by Neil Critchfield, Akihiro Kobayashi, and Cha Lo-man under Xenuz Inc...