Flash Drive Ko!

147 0 0
                                    

Chapter 1: Same???

"Kuya, matagal pa ba yan? Late na 'ko sa class ko eh. Pabilis naman po. Puhlease!!!"

"May virus kasi yung FD mo, Miss. Pero malapit na naman matapos mag-scan, tapos pi-print ko na yung file mo. Upo ka muna dyan oh." sabi ni Kuyang Long hair sa'kin, sabay turo sa color green na sofa sa loob ng comshop nya.

"Fine." sabay upo ko sa sofa.

Alam mo yung badtrip ka kasi late ka na tapos amoy sigarilyo pa yung sofa? Naka-corporate attire pa naman ako ngayon kasi reporter ako mamaya sa Major ko! Dumikit na sa damit ko yung amoy. Tinalo pa yung pabango ko na Baby Bench Colonia, yung Jelly Bean. Daig ko pa nanigarilyo.

Spell badtrip.. W-I-N-0-N-A

OH SYA! Dami ko na sabi. Nagpakilala na ba 'ko? ahahaa.. Di pa pala. Sorry naman po.

Winona Chavez, 18, 4th year College student, taking up Bachelor of Science in Business Management major in Marketing Management. Oh diba! Buong-buo. La lang trip lang. ahihihiii

"Miss, ano pong file name dito?" biglang tanong ni Kuyang Long hair.

"MarkMan Report po. Lahat po yan. Paki-gray scale na lang po yung mga picture dyan. Paki-bilis po. hehehe." sagot ko naman with matching pitik-pitik pa ng mga daliri.

Madami din yun, mga 7pages ata. Late na talaga ako.

*boogs*

"Oh! Sorry Miss."

"Badtrip naman eh! Buti pa tae iniiwasan. Ako na tao, kung makabangga WAGAS!!!" sabi ko habang nakaluhod. Banggain ba naman ako? Ayan tuloy, muntik na kong makipag lips to lips sa sahig. Hello, Kuya! naka-skirt ako. Bulag lang?! Gusto ko sanang isigaw pa. Hiya ko lang sa mga tao dito. Grrrr.

Tumayo ako sabay ayos na din sa damit ko. Guess what? Ang loko. NR!!! (No Reaction)

Nakatalikod sakin at nakikipag-usap lang kay Kuyang Long hair. Bastos talaga!!! Bagsak ata 'to sa Good Manners and Right Conduct nung Grade School eh. Hindi porket matangkad at medyo malaki ang katawan nya, ganun ganun na lang kung makabungo sa isang dalagang Pilipina na tulad ko.

Aba'y isang malaking kalo-......

HOMAYGULAY!!!

Si Renz ba itetch?

Renz Gonzales ng InfoTech 401-A???? Yung long time crush ko.

Bakit parang slow-motion ata yung paglingon nya sa'kin. Ano ba yan?! Bakit nya ako nginitian? Grabe, maka-ikot bra ang teeth nya with braces. Waaaahh!!!!

"Tol, una ka na sa school ah. Sunod na lang ako. May pupuntahan lang ako." isang boses ang narinig ko sa likuran ko.

Ligwak naman ang pagpapantasya ko eh. Akala ko para sa'kin yung ngiting yun. Hindi pala. NGANGA!!!

"Geh, tol. Text na lang kita pag nasa room na ko. Ingat, tol" --Renz, sabay ngiti na naman.

Quota na si ate sa mga ngiti mo Renz. Tama na. Bitter na 'ko.

"Miss, okay na po. P14.00 lang po lahat." --Kuyang Long hair.

Kinuha ko na yung pina-print at nagbayad. Bumalik ako sa sofa para ilagay yun sa sliding folder para di magusot. Sinukbit ko na din ang bag ko at lalabas na ako ng shop.

"Miss, FD mo!" sigaw ni Kuyang Long hair

"Oo nga pala. hehehee" ngiti-ngiti kong pabalik sa para kunin ang FD ko.

"Alin ang akin dito? Bakit dalawa yan?" rinig kong tanong ni Renz kay Kuyang Long Hair. Bakit parang tonong galit? Ano kaya yun?

Pagdating ko sa mesa, 0.O ---------- ganyan ang chura ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flash Drive Ko!Where stories live. Discover now