Ang magkakaibigan

493 3 0
                                    

Isang araw nag lalaro sila Chachi at Chacha ang dalawang kambal sa labas ng bahay nila,

"uY! punta tayo kila jed yayain natin siya mag laro kasama natin." sabi Chachi

"Sige! para mas masaya"

Hindi namalayan ng kanilang "yaya" na nakatakbo na pala sila palayo papunta sa bahay ni jed.

"JED JED JED!" ang sigaw ni Chachi

Lumabas si Jed sa gate,

"oh! chachi,chacha anong problema?!"

"umh wala naman,puwede ka ba namin makasama sa paglalaro?"tanong ni chacha

"OO naman" sagot ni Jed

Tumakbo sila papunta sa parke at doon nila nakita yung iba pa nilang kapitbahay , na sila Omar,Kinelle,Martin at Rissa. Tinanong ni Chacha kung puwede sila makisali sa laro nila,

"NO! no way we are not close" wika ni Rissa

"Yeah! tama si Rissa, at mga weak naman kayo sa larong takbuhan at tayaan" sagot ni Omar

"hindi kaya!" sigaw ni Chachi

"Tama na yan, ayaw namin ng away gusto lang naman namin maglaro"

"Wait!' wika ni rissa

"What's your name?" tanong ni Rissa kay Jed

"Ang pangngalan ko ay Jed" sagot naman ni Jed

"Oh! by the way my name is Rissa, i think you can join us, you look like a fine player" sabi ni rissa

"Pano kami?" sabay na tanong ni chachi at chacha

"You cant join at all, we are already full, and you look so annoying" wika ni Kinelle

"Annoying agad, di pa nga tayo close eh" mahinang sagot ni Chachi

"sshhhhhh tumahimik ka nga" mahinhin na wika ni chacha kay chachi

"Hindi puwede yun! kung saan sila nandoon din ako, kung mangaasar lang kayo isama niyo na ako jan" matapang na sagot ni Jed.

"umh actually, if you wont join, we cant do anything about it,and we dont have time to argue with you ,losers."mayabang na sagot ni Kinelle

Nagsitakbuhan sila Omar,Kinelle,Martin at RIssa at itinuloy ang kanilang paglalaro,

"Jed,dapat sumali ka nalang sa kanila,na damay ka pa tuloy saamin di ka nakalaro" malungkot na wika ni chacha

"Ok lang, kayo naman yung nagyaya sakin mag laro, kaya hindi ko kayo iiwanan at diba magkakaibigan tayo" wika ni Jed

"WALANG IWANAN,LOSERS KUNG LOSERS" mayabang na sigaw ni Chachi

"OO LOSERS KUNG LOSERS" sabay sabay nilang tatlong isinigaw

"Chachi,chacha! kayo talaga kala ko kung ano na nangyari sa inyo, di kayo nagpaalam saakin kung saan kayo pupunta nagalala ako sa inyo ay nako!" ang wika ng yaya habang papalapit ng papalapit sa kanila na nanghihingalo sa pagod sa kakahanap sa kanila.

"Halika na umuwi na tayo"

"wait! puwede ba muna kami mag laro nila jed?" tanong ni chacha

"sige na! di pa kami naglalaro eh" nagmamakaawang wika ni chachi

"O sige basta nandoon lang ako sa upuan sa ilalim ng puno, at ako'y napagod sa kakahanap sa inyo,hayy, wag kayong lalayo ha!"bilin ng yaya

"OPO!"sabay na sinabi ni chachi at chacha

Masayang nag laro ng taya tayaan, takbuhan at patinero ang tatlo, lumipas ang oras at kaylangan na nilang lahat umuwi dahil mag hahapunan na,

"Buti nalang pinayagan pa tayo ni yaya mag laro" bulong ni chacha kay chachi

"OO nga eh!" at sabay tumawa ang dalawa

"O pano ba yan, lunes na naman bukas, may pasok na naman"wika ni jed

"oo nga eh! sa sabado ulit ha!" masayang sinabi ni chachi

Nagpaalam na sila sa isa't isa at masayang umuwi sa kanilang tahanan

------------------------------------------------------------------------------------

Meron talagang oras na nangyayari to sa mga kabataan ngayon, minsan kaylangan nila pumili kung sino ang sasamahan nila , minsan namay ay nagaaway sila dahil mas pinipili nila ang iba kesa sa sarili nilang kaibigan, kaya naman dapat pag may nangaaway dapat lahat damay damay! yan ang totoong magkakaibigan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang magkakaibiganWhere stories live. Discover now