PROLOGUE
PAGSISINUNGALING - ang hindi pagsabi ng KATOTOHANAN
Ang pagsisinungaling ay hindi kailanman naging tama at mabuti. Kapag nagsisinungaling ka nagiging masama ka sa paningin ng iba. Na kahit ano pang sabihin mo wala nang maniniwala sayo.
Eh, paano kaya kung nagsisinungaling ka para sa kapakanan ng iba.
Nagsisinungaling ka sa kadahilanang ayaw mong masaktan sila di bale nang ikaw ang masaktan basta wag lang sila.
Nagsisinungaling ka na okay ka lang , na kaya mo pa, na walang problema .
Nagsisinungaling ka na malakas ka kahit alam mong kunting kunti na lang susuko ka na pero pinipilit mo paring tumayo at tumawa para ipakita sa kanila na hindi sila dapat mamroblema dahil nandyan ka lang para sandalan nila.
Nagsisinungaling ka dahil ayaw mo silang mawalan ng pag-asa pag sinabi mong " hindi ko na kaya."
Mali ka pa din ba?
Masama ka pa din ba?
Papaniwalaan ka pa din ba?
Kapag nalaman nilang nagsisinungaling ka?
BINABASA MO ANG
His King
RomanceAesthrielle , a fourteen year old girl left home and chased her dreams. For the last eleven years, so much had happened. Her dreams as a fourteen-year-old girl had changed. Will she be ready to chase her dreams again, even if it includes reveal...