NOTE: everything you'll read here is just made out of my creative mind and imaginations. Including the trivia about Sagada Sagad sa ganda, traditions and beliefs. But there are some facts that it's legit.
Huminga ako ng malalim na malalim, at unti unti kong pinakawalan ang hangin. Nakaka gaan sa pakiramdam, nakaka gaan sa dibdib. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses na akong sinaktan at iniwan sa mag kakaparehong rason. NAG-SAWA. Binibigay ko naman lahat, ginagawa ko ang lahat, pero ano pa ba ang kulang? Nakaka pagod mag mahal at maiwan sa pare-parehong rason. Nakaka takot ng sumubok ulit. Ayaw ko na. Pagod na ang puso ko, pagod na ang utak ko at pagod na ang mga mata kong laging umiiyak gabi-gabi.
Ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 24, 2018 naka schedule ang pag alis ko papunta ng Sagada. Walo o Pitong oras ang gugugulin ko upang makarating sa sinasabi nilang lugar na sagad sa ganda. Ang lugar kung saan nag pupunta ang mga kagaya kong iniwan, sinaktan at nasawi.
Bumusina na ang service na kasama sa kinuha kong package tour. Mabilis akong bumaba ng hagdan at lumabas. Pinag buksan ako ng driver ng pintuan, may isang lalaking naka upo sa likod. Kaming dalawa palang yata, inuna kong ipasok ang bag ko tiyaka ako pumasok. Uupo sana ako sa harap.
"ma'am diyan nalang po kayo sa likod, kasi may mga susunduin pa po tayo" napataas ang kilay ko.
"bawal ba dito sa harap? May proper seat po ba?"
"mga señior citizen po kasi yung susunduin natin na susunod. Para hindi na po sana sila mahirapan na uupo pa sa likod" napa irap nalang ako. Fine. Padabog akong umupo sa tabi nitong lalaki na ito.
"hi" sabi nitong katabi ko. Tinignan ko lang ito at hindi ako sumagot.
"woah. Grabe naman yata yon. Tayong mga pupunta ng Sagada dapat nag dadamayan" napa-kunot ako ng noo. Pinag sasasabi nito?
"bakit iniwan ka ba?" tumingin siya sa bintana. Wow ha, ang drama. Binalik niya ang tingin niya saakin "ako yung nang iwan"
"halata naman"
"syempre joke lang. Kung alam ko lang na iiwan ako, sana inunahan ko na" same thought. Di na ako sumagot, kailangan ko ng solo time para sa sarili ko. Sa 3 days and 2 nights, sarili ko muna. Ako muna.
May sumakay na isang matandang babae at lalaki at umupo sila sa harapan namin. Lumingon yung babae saamin kaya ngumiti ako sakanila. Inalalayan siya noong matandang lalaki na maka upo. Napa ngiti ako ng mapait, ang suwerte ng mga couple na umaabot sa ganitong taon. Siguro sila yung mga taong pinag pala. Ako kasi napag malupitan ng tadhana.
"Boyfriend mo?" itinuro ni lola ang lalaking nasa tabi ko gamit ang kanyang nguso. "ah hindi po" sabi ko.
"akala ko boyfriend mo. Bagay kasi kayo" natawa ako. Ni hindi ko nga kilala ito at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo galing ito.
"Bagay dahil parehas po kaming iniwan?" singit niya sa usapan. Gising pala siya. Akala ko kasi tulog siya.
"kaya ba pupunta kayo ng Sagada?" nag ka tinginan kaming dalawa. At sabay kaming tumango. Napa ngiti si lola.
"na aawa ako sa mga kabataan ngayon. Tingin nila sa pag-ibig ay laro laro nalang. Na pag nag sawa o napagod ka sa isang bagay bigla ka nalang mang iiwan. Ang pag ibig hindi yan parang pagkain na pag nasuya ka titigilan mo na at iiwan mo sa isang tabi. Ang tunay na pag mamahal kahit na anong mangyari, dumaan man ang maraming tampuhan at bangayan niyong dalawa hindi niyo magagawang mag sawa at iwan ang isa't isa. Kesa mag hiwalay pipiliin niyo nalang intindihin ang bawat isa." bawat katagang binibitawan niya ay sumasaksak saakin. "bata pa naman kayo, malay niyo sa Sagada niyo mahanap ang taong mag paparamdam at mag bibigay sainyo ng tunay na kahulugan ng pag-ibig"
YOU ARE READING
Sagada (DonKiss)
FanfictionThere is a place na sinasabi nilang sagad sa ganda so they named it "Sagada". This is the place where broken, sad, and empty people go.