Tiwala Lang, Mapapnsin mo rin Ako. [One Shot]

3.5K 28 16
                                    

HAAAYYYYYYYYYYYYYYY.......NAKU!!!

Nakaka-inis talaga! Two Years na ako nag-hihintay, wala pa rin nang-yayari.

 “HUY! Xena naka-busangot nanaman yang mukha mo! Problema?”

 Si Kent, bestfriend kong lalaki. 

Pero inis ako sakanya ngayon. Hmmp!

“OO!” masungit kung sagot kay Kent

 

“Sus! Alam na! Pinoproblema nanaman niyan si TYRONE. Haha. ”

Yan! Isa pa itong Si Lalaine, kakambal ni Kent. Parehas ko silang ‘BEST FRIEND’ ni Kent. 

Malay ko ba kung bakit ko sila kaibigan. 

Ehh Palagi nalang ako iniinis at palaging pinapa-asa sa kanilang 'best line', Hmmp!

 

“Kasi naman kailan ba yan magaganap na pina-plano niyong dalawa?!” naiinis ko paring sabi sa kanila.

 

Haaaaay. Kasi noong simula 2nd year kami, at nalaman nilang may gusto ako kay Tyrone... Sabi nila tutulungan daw nila ako sakaniya.

 

Ehh 2 years na ang naka-lipas at pumuti na ang uwak, wala parin nang-yayari.

 

“Hay naku Xena, sabi ko kasi sayo TIWALA LANG.” ani ni Kent

 

“OO nga,Tiwala lang Xena.” pag-sangayon ni Lalaine sa kakambal niya

 

Ayan! Yan ang kanilang 'best line', TIWALA LANG!  

Di ko nalang sila sinagot, BAD MOOD ako ngayon.

 

“Uyy Xena! Ano pala plano mo sa Prom natin? Yieeee~ Excited na ako!” kinikilig na tanong saakin ni Lalaine.

Haaaay, sigurado ako niyaya na siya ng crush niya na si Mark. Na ngayon sa pagkaka-alam ko ay nililigawan na siya.

 

“Ewan! Parang wala na ako balak pumunta sa prom nayan!”

 

“HAAH?!Di pwede!” sabay nilang sabi

 

Nge? Problema nitong dalawa?!

“At bakit naman hindi pwede?Hah? Aber?” tanong ko sa kanila

 

“Ahh Basta! Di pwedeng hindi ka pumunta!” sagot naman ni Lalaine sakin

 

“Bakit nga?! Pag hindi niyo sinabi, di talaga ako pupunta!”pananakot ko sakanila. Haha

 

“Ahh..Ehh..Ka-kasi…Da-dapat kang pu-munta dun ka-kasi..?? Last year na natin ito sa high school life kaya dapat nandun ka! OO! Yun nga!” sagot sakin ni Lalaine na parang di pa sigurado.

Tiwala Lang, Mapapansin mo rin ako. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon