.190625.
"Ms. Taeyeon, may Biogesic po ba kayo?" Tanong ko sayo pagkabukas ko sa maliit na bintana ng office niyo.
Nagshake ka ng kamay mo sabay sabi ng "Wala eh naubos na.."
Para akong sinakluban ng langit at lupa dahil sa lahat ng araw na masakit ng bongga ang ulo ko, ngayon pa nalawan ng gamot.
Hindi ko alam kung ano yung naging itsura ng mukha ko pero siguro napansin mo yun kaya lumapit ka na sakin, at tinginan mo yung medicine cabinet sabay sabing "May allergy ka ba sa mga gamot kagaya ng Advil?" tiningnan mo ako after.
I tilted my head and looked up to think. "Hmm.. wala naman po."
Seryoso yung mukha mo nung naghahanap ka na pwede mong ibigay sakin. Medyo nasanay na ako pero namimiss ko parin yung ngiti mo towards me everytime na you asked me what do I need. Medical needs to be specific.
Unlike the other days, hindi ko na masyadong pinansin iyon dahil mas nanaig ang pagtibok ng ulo ko.
Buti pa ulo ko noh, eh yung puso mo kaya kalian titibok para sakin?
Char.
"Eto na lang, para safe. Pakilog-in na lang dito ah." Nilagay mo yung gamot at pen sa log book tapos binigay mo na sakin, pagkatapos bumalik ka na sa desk mo.
"Thank you.." mahina kong sabi.
Pagkatapos kong magsulat, nilagay ko na yung log book sa ibabaw ng medicine cabinet at nagthank you ulit ako.
Unlike dati, lumilingon ka pa at ipinapakita ang iyong napakagandang ngiti na isa sa mga dahilan kung bakit kita nagging super duper crush. OA pero totoo ito. Pero ngayon patuloy ka na lang sa iyong work, as if hindi kita kausap kani-kanina lang.
Sigh.
Hmp hayaan ko na, baka busy ka lang talaga sa work.
---
Nung nasa halfway na ako papuntang department ko, narealize ko na hindi pala ako nagafternoon break.
Pano yun, pwede kaya itong gamot kahit walang laman ang tiyan?
Tinanaw ko ang window ng office nyo. Magtanong kaya ulit ako? Kaso nakakahiya na, maaabala ulit kita.
Saktong nakita ko si Ailee-unnie papuntang canteen, kaya nilapitan ko siya para magtanong.
"Ailee-unnie, pwede kaya itong inumin kahit hindi ako kumain kaninang break?"
"Ano ba yan?" Saka tiningnan ni unnie ang hawak ko. "Nako, hindi ko alam. Baka pwede.. Tanungin mo na lang si Ms. Taeyeon, mabait naman yun."
Napakamot ako sa ulo. "E-eh, nakakahiya naman.. kakagaling ko lang po doon."
"Ano ka ba, okay lang yan, mabait naman si Ma'am."
I guess wala na akong choice kundi bumalik. "S-sige po.. Thank you."
Pagkasilip ko ulit sa bintana, nakita kitang kausap si Sir Ochi so the one who noticed me was Ms. Yoona, ang kasama mo sa department.
"Ano pong kailangan nyo?" Tanong niya pagkalapit niya sakin.
Inulit ko yung sinabi ko kay Ailee-unnie kanina. Sa tingin ko hindi alam ni Ms. Yoona kung ano sasagutin, kaya tumingin siya kay Ms. Yuri tapos inulit ulit yung sinabi ko.
Sa totoo lang medyo hindi ko na maintindihan yung susunod na pangyayari kasi magkausap si Ms. Yoona at Ms. Yuri, samantalang nabaling yung atensyon ko kay Ms. Hyeri. Naalala ko pala na magmi-milktea kami mamaya after work.

BINABASA MO ANG
Moments After Moments (taeny)
FanfictionJust rare moments that happened between us. Maybe you just consider it as part of your ordinary day, But to me it is a special memory that I cherish. Tiffany, who is trying to overcome with her social anxiety, had a crush on their company nurse, Tae...