KASALUKUYAN akong nagbibihis para puntahan si Alden sa kanila. Ang sabi ni Greg nagising na raw ito, mabilis kong pinasadaan sa salamin ang sarili kong repleksyon.
Nang masiguro kong kuntento na ako sa ayos ko, nagmadali na akong bumaba ng hagdan.
"Ma, aalis na po ako pupuntahan ko si Alden sa kanila," paalam ko kay Mama Pam, ngunit natigil ang paghakbang ko ng makita kong nakaupo sa may sala ang Mama ni Alden. Kaharap nito ang Mama't Papa ko, nagkalat sa lamesa ang mga papel na pera. . . kung susumain nasa mahigit daang libong perang papel na tig-iisang libo ang nakakalat sa aming lamesa.
Kakikitaan ng kakaibang emosyon ang mukha ng mga magulang ko. Mabilis kong ibinaling sa mukha ng Mama ni Alden ang pansin ko. Bigla nanggalaiti ako sa mga oras na iyon, nais ko itong sugurin at ipagsasampal sa mukha niya ang perang pinagtatapon niya sa harap ng mga magulang ko!
"Anong ibig sabihin nito Tita?" Nagtitimpi ko pa rin saad.
"Bueno Mr. And Mrs. Sanchez ako'y aalis na. May mahalaga pa akong lalakarin, kayo ng bahalang magsabi sa kaniya ng mga sinabi ko!" Mapagmataas nitong sabi sa mga magulang ko.
Lalo akong nairita sa ginawi nito, tila hindi ako nito nakita at basta na lamang lalayas ng hindi kami nakakapag-usap ng maayos.
"Tita?!" Pang-uulit ko.
Bumaling ang mapangmata niyang tingin sa akin sa mga sandaling iyon. Naniningkit at may lakip ng paninisi ang sulyap na ipinatungkol niya mula sa akin.
"Huwag mo akong tawaging Tita! How dare you. Hindi kita kaano-ano! Your a slut, who's assuming to become a part of my perfect family!" Pangiinsulto nito sa akin. Nasaktan ako sa sinabi niya. Tila may libo-libong karayom ang tumusok-tusok sa puso ko ng mga sandaling iyon. Gusto kong sigawan ito at sumbatan, ngunit nagpigil ako. Ina pa rin siya ng lalaking mahal ko.
"Good so tumahimik ka rin, alam ko na Maine. . . alam ko na ang lahat ng nakaraan mo. Maski kung saan ka galing, na inampon ka lamang! Hindi ko hahayaahan na mapasama ang isang katulad mo na hampas-lupa na nga. Hindi pa alam kung saan angkan pa nagmula!" Patuloy na pangiinsulto nito sa akin.
Biglang may tumakas na luha sa aking mata, hanggang sa nagtuloy-tuloy iyon. Ngunit mabilis kong pinupunasan ito gamit ang aking palad. Napangisi ito habang patuloy akong pinagmamasdan.
" So it's clear to you now. Layuan mo na ang anak kong si Alden! Or should I say maski ang panganay kong anak layuan mo!" Bulyaw niya sa akin.
Mabilis itong naglakad palabas ng bahay namin, sinagi pa niya ako. Kaya upang mapaupo ako sa sementado naming sahig. Ngunit sa gulat ko, dali-daling sumunod si Mama sa ina ni Alden.
Agad nitong isinabog sa likurang ng Ginang ang pera nitong ikinalat sa lamesa namin. Saka nito pinagsasabunutan ang hindi nakahumang Ginang, panay ang tili nito sa ginawa ng Mama ko. Dali-daling lumapit ang driver na kasama nito at inawat si Mama. Akmang sasaktan nito ang Mama ko ng agad na linapitan sila ni Papa.
"Huwag niyong hayaan na mawala ako sa sarili at mapatay ko iyang amo mo iho! Puwedi ko kayong kasuhan ng tresspasing sakali."
"Do it and I'll make sure, all of you gonna go in jail! Mga gold digger! Social climber!" Pagbabanta ng Mama ni Alden sa amin, habang pasakay siya sa magara niyang sasakiyan.
Agad kong linapitan sina Mama at Papa, mahigpit ko lamang silang niyakap.
"Okay ka lang ba Ma?" Nag-aalala kong tanong dito. Tumango lamang ito. Ngunit ramdam kong sobrang sumama ang loob nito sa nangyari. Hindi ito maaring mastress, pweding matrigger kasi ang tumor nito sa ulo dati. Cancer survivor na ito dati pa, ngunit puwedi itong balikan ng sakit kung hindi ito mag-iingat.

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...