"Nililigawan kaba ni Elthon?" Usisa ni Panyang sa akin. Tinignan ko lang siya. Ewan ko sa lalaking singkit na iyon. Makulit eh. At saka hindi ko parin siya maharap harap ng maayos dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa nangyari sa aming dalawa.
Isang linggo na ang nakakalipas at yun nga araw araw siyang pumupunta dito sa shop at nagbibigay ng kung ano ano. Pero kay Panyang niya ipinamimigay.
At ngayon nga nasa loob ng office ko tong si Panyang dahil may ipinabigay na naman siya."Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya Stephanie." Naiistress na sabi ko dito. Siya lang naman ang babaeng pinakamalapit sa akin. Stephanie talaga ang pangalan niya. Hanggang sa naging Phanie pero ewan ko ba diyan at naisipan niyang tawagin siyang Panyang. Ang ganda ganda ng pangalan pero pinapanget niya.
"Wag mo akong tatawaging Stephanie sabi eh." Angal niya. "At saka okay naman si Elthon ah. Anong problema mo sa kanya?" Kunot noong tanong niya.
"Alam mo naman kasi-"
"Na hindi katulad niya ang dream guy mo?" Tuloy niya na siyang ikinatahimik ko. "Alam mo Yulla hindi ka na bata para mag stick ka diyan sa dream guy dream guy na yan. Ang mas importante sa ngayon ay yung totoong nararamdaman mo." Payo niya. Minsan talaga may silbi din itong babaeng ito hindi puros kabulastugan lang ang alam.
Natahimik ako doon. Totoo naman kasi ang sinabi niya.
"Pero Panyang alam mo naman na-""Allergic ka sa mga kagaya niyang chinito." Tuloy na naman niya. Npabuntong hininga nalang ako. Tinitigan niya ako ng matagal.
"Iwas kasa mga kagaya niya pero attracted ka sa kanya." She said like stating a fact. Na katotohanan naman . Halata na ba? "Alam kong attracted ka sa kanya Yulla. Akala mo hindi ko napapansin yang pagsilip silip mo sa kanya mula dito ha." Kaya mas lalo lang akong namula. Wala talaga akong maitatago sa bruhildang ito. Kapag natapos na siguro ang renovation sa nabili kong pwesto ipapatapon ko siya doon.
"Attracted ka naman pala sa kanya. Why not give him a chance?" Takang tanong niya."Kasi kuan... Hindi ba pangit tignan yung kuan..." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Ang alin?"
"Mas matanda kasi ako sa kanya ng tatlong taon." Buntong hininga kong sabi sa kanya. "Kaedaran lang niya Si Yohan." Simangot na sabi ko. Si Yohan ay ang kapatid kong lalaki.
Pero napaaray nalang ako dahil nakatikim ako ng isang batok mula sa kanya. Napahawak pa ako sa batok ko."Alam mo Yulla para kang teen ager. Hello bente sinco muna kaya dapat hindi mo na iniisip ang mga ganyang bagay. Sa Korea nga halos apo na niya yung lalaki ay okay parin."
"Pwede dun at hindi halata." Nakangusong sabi ko.
"Hindi din naman halata senyo ni Elthon ah. May pagkababy face lang siya pero fren sinasabi ko sayo bagay kayo." Kinikilig pa na sabi niya. Hindi ko naman alam na botong boto pala ang isang ito sa ugok na yun. Napairap nalang ako at hindi na nagsalita.
"Pero alam mong takot na akong magkagusto sa kagaya niya. Alam mo naman ang rason diba?"
"Yes I know. Pero hindi lahat ng singkit Yulla sasaktan ka lang."
Oo attracted ako kay Elthon pero maraming pero. Nag aalinlangan parin ako hanggang ngayon.
Marami pa akong hindi nalalaman sa kanya.
Kasi hindi mo siya binibigyan ng chance na ipakilala niya ang sarili niya.
Napairap ako sa pagkontra ng utak ko.
Napatingin ako kay Panyang dahil sa nakataas ang kilay nito at parang nakatutok lang ang mata sa leeg ko. Kumunot naman ang noo ko doon."Yulla is that a kiss mark?" Exag na tanong niya at nilapitan pa ako at tinignan ang leeg ko. Shit! Hindi ko pala nalagyan ng concealer kanina.
"Uhm." Iniwas ko ang mata ko sa kanya. Lagot ako nito. Mahaba habang interogation ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.