Chapter 8

1.8K 36 0
                                    

Kanina pa ako nakasimangot. Nababad trip ako. Oo nababad trip talaga ako. Pasulyap sulyap ako sa isang banda.

"Selos ka no?" Pang aasar sa akin ng nasa harapan ko. Nasa counter kasi ako. Dahil si Panyang pinapunta ko sa isang branch para asikasuhin yun pansamantala.
Tinignan ko ng masama yung nagsalita. Si Marcuz na may ngisi sa labi.

"Umalis kana nga sa harapan ko Marcuz. Naalibadbaran ako sayo." Pagsusungit ko dito.
Pero tinawanan lang ako ng gago.

"Woah woah. Wala namang ganyanan Yulla. Kung galit ka wag mo sa akin ibunton." Natatawang sabi niya. Kaya mas lalo lang akong napasimangot.
At napatingin sa isang table kung saan naroon si Elthon may kasamang babae.

"Your jealous." Natatawang pang aasar sa akin ni Marcuz. Mukhang nandito talaga ang isang to para may maasar lang. Ewan ko ba pumupunta lang yata to dito kapag trip niyang mangbadtrip.

"Hindi ako nagseselos." Mahina pero madiin na sabi ko dito. Pero tinawanan lang ako ng gago.

"Walang maniniwala sayo Yulla. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa deds ang babaeng kasama ni Elthon." Sabi nito. Napayukom ako ng palad. At pilit kinakapa sa dibdib ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Napabuntong hininga ako.

"Oo na nagseselos na ako. Kaya umalis kana. Ginagatungan mo pa eh. Walastik ka talagang kaibigan." Sarkastikong sabi ko. Na siyang ikinatawa niya.

"Hindi pa ako pwedeng umalis eh." Sabi naman niya. Kumunot ang noo ko. "May hinihintay kasi ako." Sabi biya sabay ngisi. May iba sa pag ngisi niya at pagkislap sa mata niya. Weird ng isang to.

"Ikaw naman imbes na selos ka ng selos diyan bakuran mo kasi. Habulin pa naman yang koreano mo." Ngising payo niya sa akin. At iniwan na ako doon at naghanap na ng table na muupuan niya. Napasimangot naman ako doon.

Eh siya kasi eh. Buset na singkit kabibigay ko lang ng chance sa kanya at yung gago masyado atang komportable. At oo sa pagbigay ko sa kanya ng chance. Sinagot ko na din siya. Pero ang gago nambababae na. Kaya hindi ko maiwasang magngitngit dito. Kainis talaga.

At totoo naman ang sinasabi ni Marcuz na habulin ang isang yan. Kita mo ngayon andaming babaeng estudyanteng customer dahil sinusundan siya ng mga ito.

"Anong order  ng table 5?" Tanong ko sa waiter ko na si James.

"Cheesecake po at saka caramel machiato. Saka isang chocostrawberry cupcake at saka isang ice tea." Sabi ni James.

"Sabihin mo sa loob ihanda na nila." Sabi ko. Tumango naman siya. Pero yung cupcake at cake ay kinuha ko nalang sa mga display dito. Ang kape lang ang inihahanda nila sa loob. After awhile ay lumabas na si James dala ang order.

Sinenyasan ko si James na ako na magdadala. Humanda kang singkit ka. Patawa tawa kapa diyan ha. At yung babae pahaplos haplos pa sa braso ni Elthon.

Nanggigil ako. Ako lang ang may karapatang humawak diyan!

"Here's your order, ma'am SIR" sabi ko dito. Nagulat ata na ako ang nagdala ng order nila. Kinunutan niya ako ng noo. Pero napatingin ako sa kamay ng babaeng nakahawak sa braso niya kaya napatikhim ako. Napairap ako at sinamaan ng tingin si Elthon. Pero imbes na takot ang makita ko sa mata niya ngayon ay parang na aamuse pa siya.

"Excuse me miss. Hindi ka pa ba aalis? Nakakaistorbo kana eh." Mataray na sabi nung babae. Natigagal ako doon. Napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim. Relax kalang Yulla. Customer mo parin siya.

Nginitian ko lang iyon ng ubod ng plastik at lumayo na doon pero pagkalayo ko konti ay nilingon ko si Elthon na nakatingin din pala sakin. Tinignan ko siya ng masama. Sinenyasan ko siya na pinapanood ko lang siya. At patay siya sakin mamaya. Nakita ko ang solid na paglunok niya. Tinanggal ko ang apron na nakasuot sa akin.

Behind His Cuteness (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon