tila nagkakagulo na naman ang brgy. bukal at parang may nangyari na naman. Hindi naman na ito bago pagka't araw araw, sari-sari ang mga pangyayari sa baranggay gaya ng away sa pagitan ng mga lasing, mga tinderang nag aagawan ng mga suki, mga mag asawang animo'y hindi napapagod magtalaktakan sa isang maliit na bagay at ang huli'y mga dalaga't binata na'y kung mag isip ay baligtad parin dahil kung sila'y iyong pagmamasdan at pakikinggan, malutong pa sa chicharon ni mang Juan ang bawat mura na kanilang binibitawan.
Ngunit tila may mali sa araw na ito... parang may kilabot na nararamdaman ang buong katawan ko.
“Diyos ko po! ”
“Tumawag kayo ng ambulansya!”
“Kawawa naman siya!”Sigaw at mga bulungan ang maririnig mo sa kanila, hindi ko maipaliwanag ang nadarama ng tangkain kong lumapit sa pinaroroonan nila.
“Paano na ang pamilya niya?”
“Paskong pasko pa naman tapoa ganyan.”
"kawawa!"
"tumawag na kayo ng ambulansya bago mahuli ang lahat!"
"teka! paraanin niyo ako!" sigaw ng isang matabang lalaki na walang pantaas na damit.
agad na tumabi ang mga tao't nagtataka, maraming ka'ng pabulong na tanong na maririnig kaliwa't kanan at marami rin ang natutulala sa mga oras ng dumating ito.
"bi-bidiyuhan ko 'to para ipost sa fb!, tiyak na marami ang makakakita, hays. kawawa."

YOU ARE READING
bata, kawawa ka naman!
Short StoryAng kwentong ito ay isanv uri ng dagli. Ano ang dagli? ito ay isang anyong pampanitikan na itinuturing na napakaikling kuwento. Lumaganap ito noong panahon ng pananakop ng Amerikano. (google)