Stardust in Her Heart

22 3 0
                                    


 Chapter 5


"ATE MEGUMI, ATE MEGUMI!" PAG-SHOOT TAAS NG kamay ng isang bata. Sa mga bagong batch ng na-admit na mga bata siya ngayon nagku-kwento, ngayon, may mga visual aids na rin siyang dala, drinowing niya. 


Nasa dulohan ng silid si Tita Viola, mataman at may ningning ang matang nakinig lang sa buong session ng pagku-kwento niya. I-a-acknowledge na sana niya ang bata ng biglang bumukas ang pinto sa likod, iniluwa niyon si Michael. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang pinamutlaan, at bakit naging ecstatic bigla ang tibok ng puso niya, but it was ecstatic in a good way.


"Ye-yes?" animo'y isang star-strucked teenager siyang nasampal at napabalik sa realidad ng lisanin ng mata niya ang binatilyo. "Ano yun?" ngiti niya sa isang batang may Hello kitty headband.


"Ano pong nangyari matapos ng misyon ng prinsesa sa Planet Earth, diba naturuan na naman niya po ang mga bata pano maging healthy ang heart?" nguso ng bata, at pagka'y kinalabit ng isang batang lalaki sa gilid nito, na napakunot. Itinaas ng batang lalaking may walo ang edad ang kamay. Napatayo ito.


"Ate Megumi, Ate Megumi, diba po makakatuluyan ng prinsesa ang prinsipeng iniwan niya sa Narnia?!" kahol naman ng bata, "Sabi kasi ni Maia, hindi daw magkakatuluyan ang prinsipe at prinsesa!" busangot naman ng lalaki.


Napatayo ulit si Maia. "Eh kasi po," ngiwi ng mukha ng kyut na bata, "Pano nayung magiting na leon? Hindi po ba't naiwan siya sa madilim na kagubatan? Tumakas siya doon, at nakaaway niya ang mga dragon? Kawawa naman po siya..."


"Okay naman yun, kasi hayop naman siya, leon naman siya, kaya malakas siya, kaya niya mag-isa ang mga dragon, kaya niya iniwan ang prinsesa muna, hindi ba?" kahol ulit ng bata at napalingon sa kanya, "Hindi ba Ate Megumi?!Kasi sa mga fairytales, diba ang prinsipe naman at prinsesa dapat? Diba?"


Napatango siya, nadama ang excitement sa mga mata ng mga bata kung ano ang susunod niyang idadagdag sa kwento. Pero sa huli, siya mismo ang natigilan ng mapaisip sa isusunod sa kwento niya.


 Napasulyap siya ulit kay Michael na sa gulat niya ay wala na sa likod ngunit nasa gilid na niya. "Alam niyo ba ang nangyari matapos makipagsagupaan ng leon sa mga dragon?" salo nito sa katahimikan, nakipagsiksikan ito sa silya niya.


"Kayo ho ba ang leon?" gitlang napataas-tanong ulit ang batang babae. "Nakita na namin ang prinsipe, at hindi kayo yun..."


"Oo ako nga," hingap ng katabi, "sa ngayon, ako muna ang leon," narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Gusto niyo bang malaman kung anong nangyari sa leon?" mas sumigla ang tinig nito, napatango naman ang mga bata.


"Matapos niyang makalaban ang mga dragon sa madilim na kagubatan, ay namuhay siyang mag-isa at malungkot sa gubat na iyon-


 Laging nahuhulog ang niyebe mula sa langit, at siya naman, ay giniginaw, pero walang ni isang tao ang nagmamahal sa kanya. Matapos ng ilang taon, ay nakasalubong ulit ng leon ang prinsipe sa kanyang paglalakbay, at doon nalaman niya, na hindi pala kasama ng prinsipe ang prinsesa, dahil bumalik ulit sa Planet Earth ang prinsesa. Maraming mga gawain ang prinsipe sa kaharian niya, at dahil palagang iniisip araw-araw ng prinsipe ang prinsesa ay muli niyang pinakiusapan ang leon na muling sundan ang prinsesa para protektahan ito sa mga masasamang tao. Muli, ginamit ng prinsipe ang kanyang kapangyarihan at itrinansform niya bilang isang tao ang leon, para hindi matakot ang mga tao sa kanya sa pagpunta niya sa Planet Earth."

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon