Margaux pov
Ako ang tipo ng babae na pinaghihirapan ang isang bagay para makuha ko ito.kagaya na lamang kay lance..ginawa ko lang lahat para mapansin nya ko..ginawa ko lahat para mahalin nya ko.pero bakit ganon..kahit anumang gawin ko at baguhin sa sarili ko..ay di ko pa din makuha ang pagmamahal na hinihingi ko.
Akala ko noon napalitan ko na si dianne sa puso nya..akala ko noon tuluyan ng mabura si dianne sa pagitan naming dalawa..akala ko..lance would loved me the way he loved dianne before..but then I was wrong...kasi kahit na anumang pagkukunwari ang gawin ko..ramdam ko pa din na si dianne pa rin ang mahal nya at option lang ako..
-----------
Pagkatapos kong makipagtalo at manglimos ng kapirasong pagmamahal at pagintindi kay lance.ay napagod na ko.yung pagod na manhid na ang katawan at ang puso mo.ung pagod na wala ka na sa katinuan at sistema mo..ung pagod na gusto mong gumanti dahil wala na yung natitirang respeto at pagmamahal mo sa tao..
Gaganti ako..yun lang ang bukambibig ko.gaganti ako kina lance at athena..ipamumukha ko sa kanila at ibabalik ko ang lahat ng sakit na ibinigay nila sa akin.
-----------------
Athena
Naranasan mo na bang malito sa kung ano ang gusto mo at sa di mo gusto?yung pakiramdam mo ay masaya ka.pero pilit lang at may konsensya sa puso mo?yung pakiramdam na nasasaktan ka.pero wala kang choice kundi panindigan na iyon ang tama.kahit alam mosa sarili mo na mali ito?!sa sandaling nagkasagutan kami ni margaux..ay yun ang naramdaman ko.nagtatalo ang puso at isip ko.may ngiti sa labi ko.ngunit may kaunting kirot naman sa puso ko..alam kong mali..pero kahit gustuhin ko mang itama.ay nagdadalawang isip ako..
"Wag ka ngang makunsensya athena..nakuha mo na ang matagal mo ng gustong makuha.popular ka na.at nirerespeto na ng maraming tao..wag mong sayangin ang lahat ng pinaghirapan mo..saisip ko..
------------
Isinantabi ko muna lahat ng pagaalinlangan at gumugulo sa isipan ko.tumayo ako sa upuan at lumabas ng canteen..
Napagpasyahan kong puntahan si seth upang kausapin sya..gusto kong linawin at tanungin sa kanya kung ano ba para sa kanya.ang nangyari sa amin kanina..takot akong alamin..pero kailangan ko..at handa kong tanggapin anuman ang kahihinatnan nito.
Kabado akong naglakad papalapit sa gym upang tingnan kung anduon si seth..pagpasok ko palang sa pintuan ay bumungad na agad sa harapan ko si lance..nakangiti itong pilit at halatang kinakabahan..
"Athena..bati nya sa akin.nakangiti pa din ito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?malumanay nyang tanong sa akin
Napatingin ako sa paligid at napansin kong si lance lang ang tao dito.bigla akong kinabahan laya napagpasyahan kong magpaalam kay lance at umalis nalang..
"Uhm..hinahanap ko si seth.matipid kong sagot kay lance.looks like wala naman sya dito kaya aalis nalang ako...pasensya na sa istorbo..pagdadahilan ko sa kanya..
Napabuntong hininga ito..
"Pwede ba tayong mag-usap?pakiusap ni lance sa akin..malumanay ang boses nito at namamaos pa.
Nagdadalawang isip ako kung pagbibigyan ko sya o hindi..napatingin ako sa kanya..bakas sa mukha nya ang takot at kaba..
"Sa susunod nalang lance..paghanda na kong kausapin ka..nangingiwi kong sagot sa kanya.
"Pleassse.nagmamakaawa nyang pakiusap sakin.
"Sige..matipid at diretso kong sagot sa kanya..
"Maupo muna kaya tayo..pakiusap nya ulit sa akin.
"Naglakad ako at umupo sa isa sa mga bleachers ng gym.
"Anong gusto mong pag-usapan lance?diretso at walang paligoy-ligoy kong sabi sa kanya.
"Tayo athena..tayo..mahinahon nyang sagot sa akin..nakatitig ito sa mga mata ko ng diretso..
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya..
"Wala ng tayo lance..wala ng tayo.marahan at malumanay kong sagot sa kanya..napayuko ako at tumingin sa sementong tinatapakan ko.
"Mahal kita athena...mahal na mahal kita...malumanay nitong sabi sa akin..sabay nitong hinawakan at itinaas ang baba ko..napatingin ako sa mga mata nya..nadala ako sa tingin na ipinakita nya sa akin..nadala ako sa mga mata nyang nagmamakaawa..at dahil sa kapabayaan kong iyon ay namalayan ko nalang na nagdampi na ang mga labi namin..
Natigilan ako at naitulak ko si lance...bakas sa mukha nya ang pagkagulat..bakas sa mukha nya ang poot...
"I'm sorry lance..pero di na kita mahal..mahina kong sabi sa kanya..pagkatapos nun ay agad akong umalis at iniwan sya...
Narinig ko syang tinatawag ako..pero nagkunwari akong bingi at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko..
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Fanfic"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial