Chapter 19

81 11 0
                                    

Abby's POV

Waaaaaaaaaah hindi ako papayag na kuhanin nya ang first kiss ko...Pero wala na nakuha nya na =___=!! WALA SIYANG URBANIDAD...Kailangan ko ng hustisya..Hustisya ang kailangan ko hustisya!! Buti sana kung siya eh mahal ko pa eh hindi naman!!

"Abby, madilim na ah. Hindi ka pa uuwi?", hindi ko napansin na andito na pala si Sky..ang makulit na si Sky

"Uuwi na nga =______=", hindi parin ako mapakali sa mga nangyayari sa akin ngayon lalo na sa nangyari kanina!

"Ano bang nangyari kanina nung umalis ka para nahapin si Klyde? May nangyari ba?", ewan ko kung guni-guni ko lang pero bakit pakiramdam ko malungkot si Sky.

"Wala naman.", hindi ko naman pwedeng sabihin na nabuburaot ako ngayon dahil sa mga pinaggagagawa ni Klyde. Hindi ako makaget over sa ginawa nyang pagnakaw ng kiss sa akin pero mas lalong hindi ko makalimutan yung sinabi nyang lumayo ako kay Sky kase nagseselos siya. Ang alam ko si Yesha ang gusto nya, anyare ngayon? Masyado siyang magulo...

Mas gusto ko pang kasama si Sky kesa kay Juding na yon

"Sa tingin ko may gumugulo sa isip mo...pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka man, remember kaibigan mo ako?", thankful ako kasi bumalik si Sky dito at lagi syang andito sa tabi ko...nagtataka nga ako kung bakit nga siya bumalik dito sa Pilipinas alam ko kasi mas maalwan ang buhay nila sa ibang bansa...Baka binalikan ako ^_^v okay ashungera lang

"Salamat Sky kasi lagi lang nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kaibigan...Sorry kung pati problema ko nagiging problema mo na rin", nahihiya na akonsa kanya. Kahit naman pala biro yan may mga bagay din yang inaalala at ngayon pati problema ko pinoproblema nya

"Ano ka ba?? Bumalik nga ako para sayo! Para lang sayo?"

"Hahaha..baliw. Bakit ka naman babalik dito para sa akin? Baliw ka talaga no!"

"Hindi ko alam kung manhid ka o nagmamanhid-manhidan ka lang dahil ayaw mo sa akin.......hindi mo ba napapansin na mahal kita! Na bumalik ako dito para sayo...Bumalik ako kasi gusto kitang makasama"

"Sky..........", day of confessions ba ngayon? Ewan ko kasi kanina si Klyde kanina nagtapat na sa akin tapos pati ba naman ngayon si Sky? Ewan ko pero bakit parang bumigat lalo ang loob ko..Ang hirap maging mahaba ang hair =____=

"Bata palang tayo Abby gusto na kita. Ewan ko pero ang halay naman kung bata palang tayo nagtapat na ako sayo, ang weird lang nun. Tapos mas lalo akong naging malungkot nung oras na nalaman ko na aalis kami ng bansa para sa business nila Daddy. Sobrang lungkot ako that time kasi wala na akong time para makipagbonding sayo...At isa pa naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko na maiiwan kayo ni Klyde dito na magkasama...Nagseselos ako kay Klyde kasi simula pagkabata sa kanya kana sobrang close, feeling ko nga papampam lang ako sa inyong dalawa. Kaya sobrang sakit talaga nung mga time na umalis ako ng bansa tapos hindi ka pa nakasama sa airport kasi kinailangan ka ni Klyde...", hindi ako makatingin sa kanya pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingala siya...alam kong ginagawa niya yun para pigilan ang mga luha na nagbabadyang pumatak sa kanya. Bakit gusto ko siyang yakapin bigla?? Ano ba itong nararamdaman ko?

"Sky......", gusto ko siyang yakapin talaga, gusto ko siyang damayan kasi alam ko na nasasaktan siya pero hindi ko magawa kasi alam ko na ako ang dahilan kung bakit sobrang lungkot nya ngayon. Akala ko si Klyde lang ang manhid at bulag, akala ko ako lang ang nasasaktan nang ganito, noong mga panahong iniwan nya ako at hindi binalikan.. Pero si Sky nasasaktan siya dahil sa akin...Nasasaktan siya dahil sa selfish at manhid...

"Sobrang late na ba ako?? Kayo na ba ni Klyde?? Totoo bang sya na ang mahal mo? Wala na ba akong pag-asa?", nabigla ako sa mga tanong niya. Hindi ko rin alam ang dapat na isasagot sa kanya, wala nanaman akong feelings para kay Klyde . Kahit nung sa ginawa niyang pag-amin kanina naguluhan ako pero alam ko sa sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Siguro kung dati niya ginawa yon ako na ang pinakamasayang babae sa mundo pero ngayon, wala na talaga.

"Hindi mo na kailangang sumagot...parang alam ko na...", tapos naglakad na siya paalis "Halika na ihahatid na kita sa bahay nyo at baka magalit si Tita Yana at masyado nang gabi.....", nasasaktan siya alam ko yun. Ang pinagtataka ko lang bakit nasasaktan din ako para sa kanya??

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Parang hindi ko makontrol ang mga paa ko, kusa itong lumapit sa kanya. Kahit ang mga kamay ko na parang may sariling mga kamay na yumakap kay Sky...Hindi ko alam, naguguluhan ako sa mga nangyayari. Pero isa lang ang alam ko...mahalaga sa akin si Sky at ayaw ko na nakikita syang nasasaktan

"Abby....Please wag mo akong pahirapan, alam mo bang handa na kitang palayain. Wag kang makonsensya sa sinabi ko, sinabi ko lang yon kasi akala ko may pag-asa...Pero ngayon? Siguro lalayuan nalang kita", nasaktan ako sa huli niyang sinabi..Hindi ko alam naguguluhan ako. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya

"HINDI KO NAMAN SINABI NA WALA KANG PAG-ASA KAYA BAKIT KA LALAYO! KAHIT AKO NAGUGULUHAN SA MGA NANGYAYARI.Wala na akong gusto kay Klyde!! Totoo yun....Hindi ko alam Sky..nalilito ako. Walang kasiguraduhan ang naiisip ko pero isa lang ang alam ko..........ayoko na layuan mo ako. Sorry kung naging manhid ako, sorry kung hindi naisip yung nararamdaman mo..Sorry ka-----

"Wala ka naman dapat ihingi ng tawad...Ginusto ko yun..ginusto ko na mapalapit sayo. Ang mahalin ka kaya wala kang kasalanan"

"Sky....wag mo akong lalayuan. Babawi ako sayo. Please stay."

"Hindi mo naman kailangan gawin to kung naaawa ka lang sa akin, mas masasaktan ako kung aasa ako na may pag-asa kahit alam ko na si Klyde naman talaga ang gusto mo!"

"Hindi mo ba ako narinig?? Wala na akong nararamdaman para kay Klyde...", totoo na wala na akong nararamdaman para sa kanya!! Hindi na kailangang ulit-ulitin kasi yin talaga ang nararamdaman ko. Siguro nagsawa na din ako na masaktan . Isa pa hindi ko sinasabi to kasi alam ko na mahal na ako ngayon ni Klyde at hindi ko rin sinasabi to kasi andyan si Sky para sa akin. Natanong ko narin ito dati sa sarili ko. Mahal ko pa ba si Klyde? Oh nangungulila lang talaga ako sa isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakasama? Ngayon alam ko na ang sagot

"Kung nalilito ka sa nararamdaman mo, tutulungan kita na linawin sayo ang mga bagay..Hindi na ako lalayo..Sasamahan kita!", kahit papaano makaramdam ako ng kaalwanan sa nararamdaman ko..Feeling ko safe ako kasi andyan si Sky...Yung sobrang kulit na si Sky. Pwede ba yun?? Pwede ba na mainlove agad ako sa kanya? Kung oo, sana this time hindi na ako magkamali

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sky's POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong maging masaya kasi alam ko na may pag-asa ako kahit konti sa kanya dahil sinabi niya na wala na siyang pagmamahal kay Klyde?? Hindi ko naman siya sasaktan tulad ng ginawa ng Klyde na iniwan siya at nagdalawang isip bago siya balikan. Alam ko yun, alam ko lahat yon at isa din yon sa dahilan ng maagang pagdating at pagbalik ko dito sa Philippines, dapat kasi talaga sa states ako magtatapos ng college pero mapilit ko naman sila Mom and Dad..so eto na andito na ako

"Sky...Thanks for everything.", andito na kami sa tapat ng bahay nila..gabi na din kasi baka malintikan pa kami kay Tita Yana. By the way kilala din ako ni Tita, mas kilala pa nga nya ako kesa kay Klyde

"Don't worry I will always be here for you", ganito pala talaga kapag tinamanaan ka sa isang babae...kahit marami na akong naging girlfriend sa america isa lang talaga ang nagmamay-ari ng puso...si Abby lang talaga

"Sige pasok na ako", papasok na sana sya ng biglang tumunog yung phone nya

"Yes?? Opo si Abby nga po ito"

"WHAT!!"

Nagulat ako sa naging pagsigaw niya.. Natatakot ako sa pwedeng mangyari...Biglang nanghina ang tuhod niya at buti nalang nasalo ko siya.

"Hey! Abby...talk to me what happen?", umiiyak na siya. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya

"Si Klyde...Sky si Klyde..."

"Bakit?? Anong nangyari??"

"Sky..nabangga si Klyde kanina lang at ngayon he's in comatose at yung chance na magising sya..sobrang liit", halos nanghina ako sa narinig ko! Anong nangyari? Sobrang biglaan naman ng nangyari....

Two Is Better Than OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon