Chapter 8

22 3 2
                                    

"Woah small world, nagkita nanaman tayo ^_^ . Ikaw yung cashier sa Jollibee diba?" Sabi nya sa akin na may kasama pang kindat. FC naman nito masyado para kausapin ako.

Sasagutin ko na sana sya. Kahit na wala akong maisip na pwedeng sabihin since ayoko ngang nakikipagusap sa di ko kakilala. Buti na lang may humila sa kanya.

"Halika nga dito ang landi mo talaga! Dun na tayo sa Office!" mataray pero parang medyo pabiro naman na sabi ng babae dun sa lalaking nasa Jollibee dati.

Mini Flash Back

Magbe-break time na sana nun kaso may makulit na costumer pa ang sumulpot. Ayun sinimangutan at tinarayan ko pampam eh.

"What's your order sir?" walang gana kong bati.

"Smile First then I'll order" in husky voice nyang sabi.

End of Mini Flashback

"Susundan na ba natin sina Frank at Aaron?" inakbayan nya bigla yung babae tapos hinawakan sa bewang tapos sabay luminggon sa akin nung nakatalikod na sila.

"Sensya na miss hindi kasi ako pumapatol sa bata, don't worry. Irereto na lang kita sa mga anak ko. Single pa ata sila" Once again kinindatan ulit ako nung mama na yun. Langyang matanda yun. Napanganga ako.

Hindi naman siya mukhang matanda akala ko dati mga twenty five lang sya pero ngayong sinabi nyang may anak sya at mukhang asawa nya yun siguro 45 na yun hihi Joke lang.

Sinilip ko na yung office since ang tagal dumating nila Solenn.

"Hala!Wala namang tao." Napakamot na lang ako sa ulo.

Nakita kong pabalik na sina ate Solenn at George. Hindi ako sanay na ganyan lang tawag ko sa kanila -.-

"Haaayy wala namang tao eh" sabi ko sa kanila. Eto ako naka upo sa tapat ng office.

"Yup malamang busy pa sila, balik na lang tayo mamaya punta tayong canteen." -Solenn

"Kaya nga eh tomguts na ako. Kala ko di nyo na maiisipan yan eh" reklamo naman ni George.

Eto nanaman tayo sa awkward moment. Pinapauna ko na nga lang sila maglakad eh para kunwari di nila ako kasama at hindi ko masira yung moment nila.

At sa wakas nakarating rin kami sa Canteen. Tinignan ko kung ano yung mga nasa menu. Grabe nasa resturant ba ako??

        Meron pa silang nalalaman na FRENCH CUISINE SECTION, KOREAN BLAH BLAH BLAH , BEVERGES, DESSERTS, DRINKS ETC. Ganun ang dami nilang alam merong pagkain ditong pang all around the world. At ang presyo ay pang out of this world.

Buti na lang may baon akong dala, makakatipid ako >:) . Yung salad dito na parang tatlong klase ng gulay lang tapos kakarampot pa 339 na agad presyo.

Buti sana kung sa plato nakalagay eh. Hindi eh sa PLATITO ba naiimagine nyo kung gano kadami? Sobrang konti! As in -_-

"Grabe naman yang nasa menu nakakabulol yung mga pangalan ng pagkain saka nakakaiyak yung presyo. Mamumulubi ako lalo nito." bulong ko kay Solenn syempre alangan mo namang ipangalandakan kong wala akong pera at hindi ko afford yang mga pagkain na yan. Nakakahiya kaya.

"Don't worry my treat" grabe ang bait nya naman sa akin.

"Yess!" sabi naman ni George.

"Sino nagsabi pati ikaw? May pera ka! Bumili ka! Hmmp" Akala siguro nya maaambunan siya ng blessing ni Solenn.

"Solenn ako na pipila libre mo naman eh, pambawi man lang." nakakahiya naman kung pera na nga nya sya pa magoorder at bibili.

"No need pero kung gusto mo ikaw bahala. Basta ang order ko ay #!@*&$% at  ^&*%$#@ tsaka %@^$&*#+." Ganda nya nakangiti sya sa akin. Nakakatibo haha.

Dahil nga nakatinggin lang ako sa kanya kanina,nakalimutan ko na yung mga pangalan ng oorderin. Nakakabobo naman kasi yung pangalan.

Eto ako ngayon nakapila sampung minuto na. Feeling ko mamamaga na yung paa ko sa sakit. Kasi naman marami daw talagang tao pag ganitong oras. Huhubels na lang sa paa ko. Buti medyo sanay ako.

Napapapikit-pikit na nga ako dito sa ngalay at pagod sa pagpila tapos sisinggit lang tong lalaki na'to? At ang malala pa, walang nagrereklamo.Hindi sila umaanggal ,bakit ganon?

Kung hindi sila aanggal ako ang aanggal para sa kanila. "Ehem! First Come.First Serve policy. Ehem!" sigaw ko dun sa mama na bibili ng pagkain na walang balak pumila -_-

/Di ba nya kilala si Aaron?/

/Grabe kala mo kung sino yung babae./

/Papansin yung babae./

/She's Crazy/

/Lagot ka ngayon girl/

Ang ganda nung babae.

Iba ibang comment ang naririnig ko galing sa mga mukhang tsismosa at tsismoso. Syempre yung pinakahuli Joke lang yun yung may maganda hihihi dagdag ko lang yun.

Agaw pansin naman talaga ako kasi bigla bigla akong sumisigaw dito. Kasi naman di ba nakakayamot?! Hirap na hirap kaming pumila dito tapos sya mapapakasarap at hindi pipila.

"No need. Hindi mo ba alam yung rules nasa---" napatigil sya sa sinabi nya kasi pinigilan siya nung isang lalaki na kasama nya. 

"Sorry miss ha? Pasaway kasi tong si Aaron eh." buti pa to mabait samantalang itong Aaron daw kuno ay walang galang.

"Kuya naman eh! We have the power to those kind of things kaya ayos lang yan!" ngayon yung lalaking walang modo ay nagwawala dito na parang bata with matching padyak padyak pa.At aba inirapan pa ako.

"Ikaw muna magorder kung gusto mo." yan tama yan! ako paunahin nyo. Hindi ko kasi na habang dada ako ng dada dito ako na pala yung susunod sa pila.

"Salamat." yan lang nasabi ko wala ako maisip eh. Naalala ko nakalimutan ko yung pangalan ng oorderin ko para kay Solenn buti na lang rumesbak si George.

"Tagal mo naman" kamot ulong sabi sa akin ni kuya George.

"Georgie" natawa ako sa nagsabi nun. Yung lalaking mabait. Yung boses nya kasi iniba nya yung parang pangbabae.

"Woy! Frank! Long time no see. Tulad ka pa rin ng dati nababakla ka nanaman sa akin hahaha." ayun nag bro fist sila tapos pinagdikit pa nila shoulders nila.

Mukhang magkakilala tong dalawa na'to pero itong isang to si Aaron ba yun. Eto nag mamaking faces. Parang bata talaga. Nasa isang tabi pa.

"Hey both of you ang tagal nyo!" nandito na kami sa table kung nasaan nandito din si Solenn syempre.

Paglingon nya nagulat sya sa nakita nya. At mukhang tuwang tuwa na kinikilig. So ano pong klaseng reaksyon yan XD

"Eh eto kasing si Joyce hindi mabigkas kung ano yung oorderin mo tapos sumabay pa'tong si Aaron na pasaway. " paliwanag nya kay Solenn.

Grabe mukhang super closse talaga sila ha?! Eh kasi naman nandito na sila sa may table eh kasabay naming kumakain at ang malala pa para akong tuod dito na di nagsasalita.

"By the way sino sya George?" Tanong ni Frank yung mabit na lalaki.

Buti naman at napansin na nila ako sa wakas.

"Ah... She's my Grillfriend." 

"GrillFriend? Sapak want?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at nag react agad sa sinabi nya. For sure kasi aatake na naman yung pagiging corny nya.

"Haha. Mukhang nakahanap ka pa ng isang maton ah?" Ibang klase talaga yung tabas ng dila ng Aaron na'to pang Alien. Ako maton? Kapal!

"Sinong maton?" Sabay batok si Solenn. Ayan umaatake na yung pagka boksingerong side ni Solenn.

"GrillFriend kasi lagi syang naiihaw pagkasama ako.Ang HOT ko kasi." Tinampaltampal sya ni Solenn kasi naman ang corny ng sinabi nya.Hindi ba siya nahihiya?

"Hahaha. You're funny as ever Goergie." Shems nakakahalata na ako. Hindi kaya bakla tong si Frank?

"Stop calling him Goergie. George na lang. Mamaya mapagkamalan ka pang bakla ni Joyce eh." Sabi naman ni Solenn. Tama siya unti-unti ko na siyang napagkakamalang bakla.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon