Nagpaalam na ako kay andrea at bumaba.
Nakita ko agad si mang tony na nagiintay sa akin
"Mang tony di na muna ako sasabay sayo. May gagawin lang ako" nakangiting sabi ko.
"Oh sige na nga. Pinayagan ka nanamn ni sir at maam. Basta daw magpapaalam parati. Ok?" Sabi nya
"Okay po! Yey! Sakamat mang tony!" Nagtatalon ako at tumaas ulit ako.
Pumasok ako sa classroom nina jen. Doon nakita ko siyang nagaayos ng room. Isa sya sa cleaners ngayong araw na ito
"Tapos ka na?" Nakangiting sabi ko.
"Ah! Nagulat naman ako sayo.. Oo tapos na!" Inayos nya ang mga upuan sa harapan
"Ahaha, sorry!" Nakangiting sabi ko. Umupo ako sa isang upuan doon
"Hmm sorry ha!" Sabi ko.
"Para San?" Nagtatakang tanong nya.
"Ung kanina?" Sabi ko.
Napakunot naman ang noo nya. Di nya ako naiintindihan.
"Ung sa inyo ni andrea" sabi ko.
"Ahh ayun ba? Bat ikaw ang nagsosorry?" Nagtatakang sabi nya. Umupo siya sa tabi ko.
"Eh alam mo naman si andrea. Di uso ang sorry sa kanya"
"Ah okay lang.. Naiintindihan ko siya.. Mahal na mahal nya lang talaga si xander" sabi nya.
"Oo, ganun na nga. Kung okay lang sayo Lumayo ka na muna kay xander.. Para iwas gulo na rin" seryosong sabi ko.
"Okay lang. Ayoko din naman ng gulo." Sabi nya.
Ngumiti siya. Ngumiti din ako
"Gusto mo sabay na tayong umuwi?" Alok ko sa kanya.
"Wala kang sundo?"
"Wala eh! Tara?"
Umoo nalang siya. Pinatay nya ang ilaw at lumabas ng classroom..
------
End of jane's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Fiksi RemajaWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...