Chapter 4: Something's wrong

3 0 0
                                    

Jessie's POV

=____=

Ano ba yan. Di na ko nakatulog kaiisip dun sa kahapon. Puyat tuloy ako.

~~~

To: Xander

Oi Xander, gala ulit tayo mamaya.

~~~

Oo nga pala. Nagpalitan na kami ng number kahapon sa park. At syempre, sya ang nanghingi. Alangan namang ako. Nakakahiya noh! Babae ang first move. Duh?!

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa din sya nagrereply. Ano kayang nangyari dun?

"Baka wala lang load."- sabi ko sa sarili ko.

Umupo na lang ako sa kama at nagmuni-muni. Napatingin ako sa puno sa may labas kung saan dati nakapwesto si Xander at babatiin ako ng 'Good morning Jessie ^_^'

Lumipas ang buong maghapon. Wala akong nakikitang Xander. Nasan na kaya yun? Himala! Hindi sya naggagala.

Bumalik na ako sa kwarto ko at tiningnan ang cellphone ko.

*One new message*

~~~

From: Xander

Pasensya ka na Jessie. Hindi muna ako makakagala ngayon.

~~~

Napataas naman bigla ang kilay ko.

Sya? Hindi pwede gumala? Ow c'mon!

---

Kinabukasan...

Medyo tanghali na akong nagising pero hindi pa din ako nakakatanggap ng text galing kay Xander.

Di man lang ako binati kahit Good morning. -_____-

Papalabas ako ng gate nang makita kong naglalakad si Xander.

"Oy Xander!"- sigaw ko habang papalapit sa kanya.

Lumingon naman sya at--- O__o?

Bakit ang putla nya? May sakit ba sya?

"Uy. Bakit ang putla mo?"- tanong ko.

"A-ahh. Wala toh. Wala. Ikaw, san ka pupunta?"- tanong nya.

"Wala. Kahit saan."- sagot ko.

"Ahh."- matamlay nyang sagot.

"Eh ikaw, san ka ba pupunta?"

"May bibilhin lang."

"Talaga? Samahan na kita."

Hindi naman sya sumagot pero nagsimula na syang maglakad. Kaya sinundan ko na lang sya.

Nagulat naman ako nang malaman na sa butika pala kami pupunta.

"May sakit ka ba?"- nag-aalala kong tanong.

"Ahh wala. Masakit lang ulo ko."- sabi nya.

"Bakit? Ano ba kasing ginawa mo?"- pag-aalala ko.

"Ano lang toh. Ahh, hang-over. Nakipag-inuman kasi ako kagabi sa mga pinsan ko."- sabi nya.

Tsk tsk! Nag-iinom pala toh eh. Hayy naku. Kaya sya nagmumukhang adik eh. XD

May iniabot yung pharmacist(tama ba spelling? XD) kay Xander na gamot.

Teka, hindi naman yun biogesic ah. Iba naman sya sa biogesic. Para talagang iba eh. Di ko alam pangalan. Pero alam ko hindi sya para sa headache.

"Tara na."- sabi nya.

Habang nasa daan, biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Hello?"

-Hello anak.-

"Bakit ka napatawag Mama?"

-May business trip kasi kami ng Daddy mo sa Paris. Kaya baka mapaaga uwi mo.-

"Ahh. So kelan po?"

-Siguro, baka sa Saturday na.-

"Ha?! Ang bilis naman ata!"

-Kaya nga mapapaaga ka di ba.-

"Tsk. Ok. Bye Ma."

Ano ba yan. -_____- Mapapaaga pa nga ang uwi. Aba matinde!

"Sino yun? Mama mo?"- tanong ni Xander.

"Ahh oo. Baka daw sa Saturday na uwi ko."

Nakakainis! Eh Martes na ngayon eh. >_<

"Ang bilis naman."- sabi ni Xander.

"Oo nga eh. Mamimiss kita."- sabi ko.

O____O!!! What the?! Sinabi ko ba yun??

"*smile* Mamimiss din kita. Miss na miss na miss."- sabi nya sabay yakap sakin.

Yumakap naman ako pabalik. Aww.

*sniff*

"Umiiyak ka ba?"- tanong ko.

Humiwalay sya sa pagkakayakap at nagpahid ng mata.

"Ahh hindi. Napuwing lang ako. Yung buhok mo kasi eh. Natusok mata ko. Magsuklay ka nga! Mukha ka ng bruha!"- sabi nya.

"Che! Ang sama talaga nito."- sabi ko sabay hampas dito ng mahina.

Pumasok na ko sa bahay at humiga sa kama ko.

Feeling ko may problema sya eh. Madali akong makaramdam eh. Hindi ko lang malaman kung ano.

Until The Last DropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon