l
Bakit may mga taong gusto kang balikan
Matapos ang lahat na ika'y iniwan
At alaalang di na dapat dagdagan
Sa mga hapdi na dulot ng nakaraan
ll
Mga pagsusumano dapat bang pakinggan
Pagkat isip ay puno ng kalituhan
Kung pag ibig ba ay dapat pang pagbigyan
Sa pusong hindi alam ang kasagutan
lll
Kung tama bang bigyan ng pagkakataon
At punan lahat ng pagkukulang noon
Upang pawiin ang sugat ng kahapon
At handugan ng kaligayahan ngayon
lV
O ikaw ay kalimutan nat ibaon
Sa mga alaalang dapat ng itapon
At di na pag uukulan ng panahon
Na damdamin sa iba na lang ituon.