𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑

3.6K 138 12
                                    


- 𝕿𝖆𝖙𝖙𝖔𝖔 -

Pagkatapos ng maliit na celebration sa birthday ko ay agad akong tumulong sa paglilinis at pag-aayos.

Lumapit sa akin si mom at ngumiti sakin.

" Bakit mom? "

Lumingon siya kay dad at pinalapit ito sa kanya.

Hmm. ano na naman kayang drama ang gagawin ni mom?

" Anak we have something to tell you. Gusto namin na makinig ka ng mabuti sa sasabihin namin." Sabi ni mom sakin at hinawakan ang kamay ko.

" Sure mom. What is it?" tanong ko sakanya

May nilagay siya sa kamay ko at agad akong tumingin dito.

Bracelet? Pero masyadong maluwag tignan, hindi ata to sa wrist ilalagay. Necklace? Hindi din. It's too small, hindi din naman siya mukhang choker.

It looks really simple dahil it's just a silver jewelry with no designs on it. Pero ewan ko, simple nga pero sobrang ganda ng pagka silver niya. Alam mo yung pag tinapat mo sa araw,  and it will likely shine. Ang ganda.

" It's for you, anak. I want you to have and wear that anklet. Matagal ko na yang tinago at balak ko ibigay sayo kapag nag 18 ka na. It's originally from your mother." Sabi ni mom sakin.

Natigilan ako at gulat na napatingin sa kanila. Ngumiti sila sakin, pahiwatig na totoo ang sinasabi ni mom.

" Kay mama? I-ibig sabihin regalo niya to s-sakin?"

Tumango si mom sakin at nagpaliwanag.

" Oo, binigay yan sakin ni Lunette before siya mawala at mapunta ka samin. Gusto niyang ibigay ko sayo bilang regalo niya sayo sa 18th birthday mo. In that way kahit wala siya sa tabi mo, you can always feel her love as your mother."

Tumingin ulit ako sa anklet at napangiti. Namatay si Mama dahil sa malubhang sakit noong 8 years old pa lang ako, it's weird because I didn't know what kind of illness it is that slowly ends her life. Hindi ko din nakilala ang papa ko dahil sabi ni mama namatay ito noong magkaroon ng labanan sa pagitan ng mga rogue at council.

Thank you, Mama.

" Ichyrose, you are already eighteen. I want you always to take care of yourself. You are matured enough, alam mo na kung ano ang tama at mali. Alam kong gusto mo ang pagiging hunter dahil nakakatulong ka sa lahi mo pero as your Captain, gusto ko din na protektahan mo lagi ang sarili mo. You're our only daughter. Ayokong may mangyari na masama sayo at mawala ka samin. Palagi ko yang sinasabi sayo dahil ayokong makalimutan mo." Bilin ni dad sakin.

" Of course, Dad! Don't worry, walang mangyayaring masama sakin. I will always take care of myself para sa inyo." ngumiti ako sakanila para mapanatag sila.

" Anak alam kong malapit ka na ding magkaroon ng pamilya. Anytime matatagpuan mo na ang lalaking para sayo. Pero mas mabuti na rin yun para tumigil ka na diyan sa pagiging hunter mo." ngumisi si mom sakin.

Aba. Speaking of mate. Nag expect nako na mapag uusapan namin ito sa araw ng birthday ko.

" Mom. Masyado pang maaga para pag usapan yan. As of now, mag fofocus ako sa kung anong meron ako ngayon. Kung dadating man ang araw na makikilala ko ang mate ko, bahala na kung anong desisyon ang gagawin ko." Ngumiti ako sakanila matapos sabihin yon.

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐋𝐔𝐍𝐀 ⁽ᴿᵉᵛᵉʳˢᵉ ᴴᵃʳᵉᵐ⁾Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon