K I E R O N
"Sir? Pinatawag niyo raw ho ako?"-tanong ko sa boss ko na nakaupo sa shevil chair at busy sa pagbabasa ng mga librong kakapublish lang ng companya namin.Sumilip ito mula sa kaniyang salamin at muli nanamang ibinalik ang atensyon sa libro. " Maupo ka muna Mr. Manalad."-mala awtoridado niyang utos sa akin kaya naman ay napaupo rin ako na parang asong napagalitan ng amo. Hinayaan ko lang muna siyang magbasa hanggang sa isinarado na niya ang libro at kinuha ang salamin niya saka pinagsalikop ang mga daliri niya at tumingin sa akin. Napalunok ako.
"Matagal ka naring nagtatrabaho sa akin dito, and I have seen your capability and how your imagination works as a writer. And of course I know that you've been putting your experiences in your works at alam ko rin na ang nararamdaman ng writer ay nakakaimplowensya sa kanilang sinusulat. And you're like a son for me and I know how you've been stress out this past few days na naaapektohan na ang trabaho mo. And I don't want that, that is why..."-may kinuha siya sa kaniyang devider saka ito ibinigay sa akin. " You are going to have a two weeks vacation with Miss Sammantha. Enjoy."-nakangiting saad niya sakin. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ko ang ticket at passport ko papunta sa lugar na iyon.
~∆~
"So, tutunganga ka lang ba jan o kukuha na tayo ng taxi para makahanap ng hotel na matutuloyan natin?"-napailing-iling ako para makapagfucos at tinignan itong kasama kong ngumonguya ng bubble gum. Nakasuot rin siya ng shades kaya hindi ko makita ang mata niyang walang emosyon.
Napabuntong hininga ako at lumabas na kami ng airport. Nang makahanap kami ng taxi ay agad kameng nagtanong sa driver kung saan ang pinakamalapit na hotel dito.
Nasa magkabila lang ang rooms namin ni Sammantha kaya kahit papaano ay mabantayan ko yang babaeng yan. Mahilig kasing maglasing iyon eh.
Napalibot ang mata ko sa room na kinuha ko sa hotel na ito. Hindi naman siya ganun kalakihan, yung saktong-sakto lang siguro para sa akin. At saka maluwag din ang space and it seems homely.
Pinwesto ko na ang mga kagamitan ko at magpapahinga na sana sa malambot na kama na ito ng biglang bumokas ang pinto at iniluwa si Sammantha na malaki ang ngiti sa labi.
" Huy bangon! Maglilibot tayo."-sabe niyang ganun kaya napabusangot ako.
"Magpahinga nalang muna tayo Sam, bukas nalang tayo magsimulang maglibot dito sa Canada may two weeks pa kaya tayo dito."-sabe ko sa kaniya at isinubsob ang mukha ko sa unan.
" Sege bahala kajan, magahahanap lang ako ng bar dude. Baka may mahanap akong men o chicks din na matitipuhan ko."-sabe niya at isinara na ang pinto sa kwarto. Si Sammantha kasi hindi mo alam kung ano ang gusto niya, lalake ba o babae. Marami na naging gitlfriend at boyfriend yan eh. Mas madami pa nga siguro siyang girlfriend kesa sakin. Malamang marami talaga no girlfriend since birth ka eh.
~∆~
"Huy Kieron! Gising!"-naalimpungatan ako ng marinig ko ang napakalakas na boses ni Sammantha kasabay ng pagtapon ng unan nito sakin. Napakusot ako ng mata dahil sa biglang liwanag sa kwarto at dumilat ng dahan-dahan. Bumongad sa harap ko ang bihis na bihis na si Sammantha.
Ikatlong araw na namin dito at palagi niya akong binubulabog sa ganito ka agang oras para daw masulit namin ang Canada. Napabuntong hininga nalang ako.
"Alam mo, may na meet akong chicks doon sa bar na pinupuntahan ko dude. Kababayan rin natin at grabe ang resistance ng babaeng iyon sa alak. Nakailang bote na nga siya pero parang wala manlang epekto sa kaniya. Saka..ang ganda rin dude."-sabe nito sakin habang naglalakad kame sa kahabaan ng kalsada. May mga nadadaanan kaming caffes o resto dito pero kaunti lang naman ang mga tao.