"Hoy Loveliza, ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang pakikipagkita sa Fernan na iyan ha!" Bulyaw na naman sa akin ni mama pagkababa ko ng hagdan galing sa kwarto ko ni hindi pa nga ako nakapaghilamos eh sinabunan na ako ni mama na walang banlaw- banlaw tsk
"Ma, alam nyo na po isasagot ko dyan. MAHAL ko si Fernan, mahal namin ang isa't isa." Sagot ko, hindi naman sa wala na akong respeto kay mama pero sa araw-araw ng buhay ko simula ng maging kami ni Fernan ay lagi na lang nya ako sinisita.
Kaya paulit-ulit ko na din sinasabi kay mama ang mga katagang iyon. Para ngang nakasanayan na namin ang ganong senaryo tuwing umaga. Dumiretso ako sa kusina para mag almusal at syempre nakasunod sa akin si mama.
"MAHAL? alam mo bang iyang mahal na sinasabi mo ang syang ikapapahamak mo kapag hindi ka lumayo sa lalaking iyan. Mag isip-isip ka nga Loveliza. Hindi kita pinagtapos ng kolehiyo para lang makapangasawa ng isang tambay at basagulero!"
"Ma! Hindi po tambay si Fernan, naghahanap siya ng trabaho. Mahirap lang talagang maghanap ng mapapasukan sa panahong ito." pagkakuha ko ng energen sa may cabinet ay nagtungo na ako sa lamesa para magtimpla, may pandesal na din doon at palaman.
"Pinagloloko mo ba ako? Aba ilang buwan na bang naghahanap ng trabaho ang lalaking iyan? Eh halos di ko na nga mabilang sa mga daliri ko eh! Anak naman! Matalino ka naman eh bakit di mo gamitin iyang utak mo huh, sayang na sayang iyang pinag aralan mo"
Sa mga sinabi niyang iyon, di ko maiwasang makaramdam ng sakit para kasing niyurakan na din ni mama pagkatao ko. Mahal na mahal namin ni Fernan ang isa't isa at kapag nilalait siya ni Mama labis talaga akong nasasaktan. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Ma, huwag kayong mag-alala nagkausap kami kagabi ni Fernan at may nahanap na siyang trabaho, kaya bukas na bukas din ihaharap ko siya sa inyo para patunayan yun. Kaya Ma please lang po, pabayaan niyo na ho kami ni Fernan. Malaki na ho kami" pagkasabi nun ay nagpalaman ulit ako ng pandesal. Napahawak naman si Mama sa kaniyang noo ibig sabihin tapos na ang pag uusap namin, laging ganun ang ending ng conversation namin tas mag w-walk out yan at iiwan ako.
____________________________________
Although matagal na kaming magkarelasyon ni Fernan halos dalawang taon na din ay tutol na tutol pa din sina mama sa kaniya. Wala naman akong magawa dahil wala pa nga naman maipagmamalaki si Fernan sa kanila. Idagdag pa na may panget itong imahe dahil sa palagi siyang napapasama sa mga rambulan sa kalsada.
Miyembro din kasi siya ng isang gang sa lugar namin na kinaiinisan ng lahat. HIndi rin natapos ni Fernan ang kolehiyo kasi nagloko siya kaya medyo nahirapan talaga siyang maghanap ng trabaho di katulad ko na nakatapos ng BS Accountancy kaya may work ako ngayon.
4th year colleges na kami ng makilala namin ang isa't isa dahil sa isang kong kabarkada na kabarkada nya din pala. HIndi pa nga maganda ang unang tagpo namin nun eh.
///Flash Back///
"Humanda kayo, sugod!" sigaw mula sa kung saan, nagulat naman kami ni Aldrich; ang bakla kong kaibigan ng may nagsulputan bigla na mga kalalakihan mula doon sa eskinita malapit sa dinaanan namin.
Nakakatakot kasi may mga hawak silang mga dospordos, bote, bato, patalim at kung anu-ano pang pandepensa sa sarili. Napabalik kami sa dinaanan namin kaya lang may mga grupo din pala ng kalalakihan ang palapit na din sa amin. Kaya mangiyak-ngiyak ako kasi pakiramdam ko mamamatay na ako ng mga oras na iyon.
"Lord ayaw ko pa hong mamatay may mga plano pa ako sa buhay" bulong ko, wala kaming nagawa ni Aldrich kundi ang umupo at takpan na lang ang aming ulo. Dahil mas gumulo ang sitwasyon ng magkalapit na ang dalawang grupo. Nasa gitna kami ng kaguluhan na iyon. Napapikit ako at halos tawagin ko na si Mama dahil sa takot ko.

BINABASA MO ANG
The Consequences (One Shot)
Short StoryAng taong nagmamahal ay kayang gawin ang lahat kahit pa nga sabihin na ito ay ikapapahamak niya. Dahil sa pag ibig hahamakin mo ang lahat maibigay lang ang kaginhawaan sa taong minamahal mo. Sa pag mamahalang Loveliza at Fernan ay masasalamin natin...