Pitong Makasalanan

13 0 0
                                    


Walang iwanan ha? Problema ng isa, problema ng lahat.

Dalawampu't apat na oras sa isang araw. Lahat yon ay ibinuhos ko sa pag-iisip, pagpapatawad at pamamaalam. Hindi na nga ako makatulog dahil ultimo sa pagtulog napapaisip ako. Iniisip kung saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Iniisip ko kung anong buhay pa ba ang kakaharapin ko.

Pangako

Nakahiga ako sa kama pero pakiramdam ko nakahiga ako sa isang malalim at madilim na bagay. Napatingin ako sa kanan, kaliwa at sa harap ko at umaasang may makukuhang sagot don. Tumingala ako ulit sa kisame at hinayaang tumulo ulit ang mga luha.

Paulit-ulit. Dahan-dahan. Napakasakit. Pitong letra at isang salita lahat ay umuulit sa tenga ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumakit 'to. Wala akong magawa kundi iiyak na lang ang sakit. Nakakapagod. Nakakasawa nang marinig ang salitang yan. Napuno na naman ng galit at poot ang loob ko. Hindi ko makalimutan ang sakit na idinulot ng pamilya at ng mga kaibigan ko. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ako makahinga kaya umupo ako at huminga ng malalim.

Napatingin ako sa study table at nakita ang litrato naming pito. Lahat kami ay masaya pa sa panahon na yan. Parang mga walang problema. Parang kailan lang.. kompleto pa tayo. Pilit akong ngumiti kasabay nang muli kong paghagulgol.

Dahan-dahan kong kinuha ang litrato at pinunit 'to. Siguro nga ay panahon na para magpaalam. Minsan talaga kailangan mo nang bitawan kung ano ang nagpapahirap sa'yo ,kahit pa sobrang mahal at halaga pa nito.

Tumayo ako at hinanda na ang mga gagamitin ko. Tinignan ko iyon isa-isa at nilagay ang letter sa kama. Tumingin ako sa kisame at 'yon na naman ang mga luha kong nagbabagyang tumulo. Hinila ko ang upuan sa gitna at tumungtong doon. Isinabit ko ang lubid sa isang sabitan ko sa kwarto. Bumaba ako at kinuha ang sako. Tutungtong na sana ako nang mapahagip ko ang picture ni Mommy. Naginit bigla ang mata ko at bago ko pa mapigilan tumulo na naman ang luha ko.

Napaupo ako at tsaka pagod na nahilamos ang muka. Shit. Paulit-ulit kong mura. Pagod na pagod na talaga ako. Tumayo ako at dali-dali kong isinuot ang sako sa ulo. Tumungtong ako sa upuan at kinapa ko ang lubid tsaka ko itinali sa'king leeg.

Ito na ang katapusan. Ito na talaga. Magkakapagpahinga na ako. Mommy, magkikita na tayo. Paalam... patawad.

Sinipa ko ang upuan nang malakas para umantras 'to. Fcking shit.

Para akong sinasakal! Hinahawakan ang leeg at pinipisa... H-hindi ako makahinga. Inaabot ko ng paa ko ang upuan kanina. Ginagalaw at pilit na kinukumpas ang mga paa baka sakaling maabot pa to. Luminipis na ang hangin.. umiikot na ang paningin ko..

Sandali! J-joke lang yon! Di pa ako h-handa!

Huli na ang lahat nang tuluyan dumilim ang paningin ko. Pangako.


Anong iniisip mo?

"Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit kailangan mangyari 'to satin"

Magiging maayos din ang lahat

"Creed naman? Nakikita mo ba nangyayari satin? Nagkakawatak na tayo! Andaming.. andaming nangyayari. Andaming.. nagbago.. Creed"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One shotWhere stories live. Discover now