Prolouge

41 0 0
                                    

Enchanted Love Story [Finding Mr. Chinito]

PROLOUGE

 

“Girl, sigurado kabang alam mo kung saan naka park yung bus?” tanong ko sa best friend kong si Kristine.

Naglalakad kasi kami ngayon papunta sa may exit ng Enchanted Kingdom. May dala-dala pakaming drinks and yung binili naming dinner namin.

“Oo nga kasi. Nanggaling na ako dun kanina diba?” sagot naman niyang halatang naiinis dahil ilang beses ko na siyang tinanong.

Field trip namin this day and malapit na rin ang call time para umalis. Kaya kami nag mamadali ngayon.

Habang naglalakad, napatingin din ako sa paligid. Nakakamangha yung mga ilaw lalo na at gabi. Nakakatuwa rin yung mga batang nagpapapicture sa harap ng isang malaking statue ng Wizard.

Kaya gusto ko dito eh. Ang gaan sa pakiramdam ng nakikita mong tuwang tuwa yung mga tao sa paligid.

May mga tumatawang mga bata, mga nagde-date, mga magkasintahan, mga mag-asawa at marami pang iba.

Nilibot ko pa ang paningin ko at natigil ang ito sa isang lalaking nakaagaw ng atensyon ko.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko…

Parang ang unfamiliar ng feeling…

Parang may kakaiba sa kanya…

Matangos ilong, maputi, matangkad, mapupulang labi…

Pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ko eh yung mga mata niya.

Grabe, ang gwapo niya….

Nakakainlove…

Napansin naman ata ni Kristine yung pagkatulala ko dun sa gwapong chinito nan aka suot ng simpleng grey sweater and pants with a paith of converse. He looks so adorable.

“Girl? Natigil ka na diyan? Hoy! Bilisan mong maglakad!” bulyaw niya sa akin.

“Girl bakit parang may nalaglag sakin? Panty ko ba?” tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin ko sa gwapong lalaki. Nakaupo na ito sa isang bench at mukhang tinitignan yung mga kuha niya sa camera niyang hawak.

“Hahaha! Hindi panty ang nalaglag! Yung jacket mo nalaglag!” Sabi niya kaya tumingin agad ako sa lapag at oo nga, yung jacket ko ang nalaglag.

“Grabe girl! Kung anu-ano pumapasok sa isip mo nakakita ka lang ng gwapo! Pero girl gwapo nga talaga.”

Lumapit kami sa isang bench para ayusin yung jacket ko sa pagkakatali sa bewang ko.

Ibinalik ko uli ang tingin ko kung saan naka pwesto yung lalaki at nandoon pa naman siya.

Dinukot ko agad ang phone ko at saka itinapat sa direksyon kung nasaan ang gwapong chinito.

*Click*

“Huy! Bakit mo kinuhanan ng picture? Gagayumahin mo ba?” Natatawang tanong niya sa akin.

“ Tsk hindi noh! Magagamit ko rin to noh!” sagot ko.

“ Ikaw bahala pero kailangan na nating magmadali at baka iwanan na tayo ng bus!”

Hinila na niya ako palayo sa lugar kung saan ko siya nakita…

Bago kami umalis sumilip pa ako ng isa pang beses…

Pero wala na siya dun…

I promise to my gorgeous and beautiful self that I will find that guy…

----

Ang lame ng prologue… sensya.. nag field trip kami and na-imagine kong hahanapin ko daw siya.. choss lang..

Enchanted Love Story: Finding Mr.ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon