CHAPTER THIRTY SEVEN

35 5 2
                                    


KANINA ko pa kinakalabit si Maine sa kaniyang balikat. Hindi ko alam, kung bakit ang hilig nitong makiusyuso. Nandito lamang naman kami sa harapan ng pintuan ng bahay nina Angel, mabuti wala ng taong dumadaan dahil pasado alas-dose ng gabi. 

"Halika na Maine, ihahatid pa kita sa hospital para naman makauwi at makapagpahinga si Papa," pangyayakag ko rito. 

"Ahy! oo nga pala ano, nakalimutan ko." pabulong pa niyang sabi habang nagmadaling tumayo.

Kanina pa kasi ito nakikinig sa nakasaradong pinto, kahit hindi ko idikit sa pintuan ang aking tainga ay dinig na dinig ko ang nangyayari sa loob. Lalaki ako, kaya alam ko. 

Mabilis ko ng hinawakan ang kamay niya at agad siyang iginiya papasok sa aking kotse.

Ilang buwan na rin kaming graduate sa kaniya-kaniya naming kurso. Naghahanap pa lamang si Maine ng mapapasukan, ewan ko ba. Maganda naman ang credentials niya, kung bakit ito nahihirapan matanggap sa trabaho. Halos naikot na nito ang lahat ng pweding pasukan rito sa Maynila, pero nanatiling walang tumatanggap dito.

Lalo akong nag-alala rito na pati ang maliit na business ng Papa niya'y apektado rin. Ewan ko, pero malakas ang pakiramdam kong may kinalaman ang mga magulang ko sa mga nangyayari sa pamilya nina Maine. If ever mapatunayan kong tama ang aking hinala, ako mismo ang magsasabing tigilan nila sina Maine. May sakit ngayon si Mama Pam Pam at kapag ganitong halos walang-wala sila. Nahihirapan din ako para sa kanila.

Bago kami magpunta sa hospital kung saan naroroon ang Mama ni Maine, dumaan muna kami sa isang malapit na convenient store. Pinamili ko muna sila ng makakain nila sa bahay at mga basics needs na kakailanganin ng Mama niya. Alam kong said na said na sila, ipinapasok ko na ang mga pinamili kong grocery stuff sa compartment ng aking kotse ng maramdaman kong yumakap si Maine sa likuran ko.

"Salamat sa lahat-lahat Alden, babawi talaga ako kapag nakaluwag kami," naiiyak niyang sabi. Hinarap ko siya pagkatapos kong mailagay ang lahat ng pinamili ko para sa kanila.

"It's okay to me labs, remember fiance mo ako. Obligasyon kong tulungan ang pamilya mo, kapag may ganitong pangyayari. Parte na ako ng pamilya niyo labs, soon. . .  kapag nakarecover si Mama Pam. Magpaplano na tayong magpakasal, I'll promise." puno ng sinseridad ang tinig ko, habang binibigkas ko ang mga katagang iyon sa harapan niya. Unti-unting naglandas sa kaniyang pisngi ang butil ng luha. Agad akong nataranta dahil doon. 

"What's wrong Maine, did I say something wrong?" Nag-alalang tanong ko rito, habang sapo-sapo ko ang pisngi niya.

Pinupunasan ko ang mga butil ng luha na nagmamalabis sa kaniyang pisgi.

"Napakasuwerti ko kasi sa 'yo labs, malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na natagpuan kita. I will be ever favor and grateful to him, always. . ." bigkas niya sa pagitan ng pagluha niya.

Matamis akong napangiti sa sinabi niya, maski ako man ganoon rin. Naging makulay ang buhay ko ng dumating ito. Hindi ko ipagpapalit sa ano pa man bagay si Maine, hindi ako magiging masaya kapag nawala siya sa akin.

"I love you Maine, remember that always," puno ng pagmamahal na sabi ko sa kaniya. Bago ko siya kinintalan ng halik sa kaniyang labi. Her soft lips makes my mind a bit daze. Angkin ko pa rin ang labi niya, nang mapansin kong patumbok ang isang itim na kotse papunta sa amin. Kahit madilim-dilim pa sa parteng kinaroroonan namin, kitang-kita ko ang matulin nitong takbo. Mabilis kong kinabig at niyakap si Maine. Napasalampak kami sa malamig na baldusa.

Habang papalayo ang itim na kotse, agad kong pinansin ang plate number nito. Pero wala itong nakalagay na plate number. Nang makabawi kami, agad kong inalalayan tumayo si Maine.

"Are you okay labs?" Nag-aalala kong tanong kasabay ng pagtingin ko sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan kung may gasgas ba siya o may bali.

"No worries labs, I'm okay. Medyo masakit lang 'yung puwetan ko, dahil sa pagkakasalampak natin." bulong niya habang himas pa niya ang parteng nasaktan sa kaniya.

Agad ko na siyang inakay pasakay sa aking kotse. Habang nagdadrive mabilis na gumana ang utak ko, kung sadya o disgrasiya lamang ba ang nangyari sa amin kanina. Hindi ko mapapatawad kung may mangyaring masama kay Maine, dahil ako ang kasama niya sa oras na muntik na kaming banggain. 

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Unti-unti akong nakaramdam ng kakaibang tensyon. Nang maihatid ko siya sa silid niya, agad kong tinawagan si Clem.

"Hello pare, pasensya na naistorbo kita." paunang sabi ko kay clem.

"Okay lang Alden, anong problema?" Namamaos pa niyang sabi. Halatang nagising ko lamang siya. Pero hindi bale, napakaimportante kasi ng sasabihin ko rito.

"Kailangan ko ng mga tao mo Clem, can I count on you to this pare? Later I'll send you some stuff." Sabi ko rito, narinig kong umu-oo siya. Papupuntahin niya ang mga tao niya sa hospital kung saan naka-confine ang mama ni Maine.

Hindi mapapansin ni Maine na may nagbabantay sa kanila. Dahil nakasebilyan ang mga ito. Kasapi ang pamilya ni Clem sa mga matataas na high profile ng bansa. Kung saan isa sa mga org. Doon ay hahawakan ni Clem pagdating ng panahon.

Agad akong nagbalik sa convenient store, hiningi ko ang copy ng CCTV footage ng mga oras na muntik na kaming banggain ng itim na kotse.

Mabilis namang ibinigay ng may-ari ang copy sa akin. Dahil maski ito'y pinanuod niya rin ang nangyaring insedenti sa parking lot na sakop ng kaniyang business.

Pasakay na ako nang mapansin ko ang itim na kotseng nakaparada sa 'di kalayuan. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar na ito. Pasilip-silip ako sa side mirror ng aking kotse, nang mapansin kong hindi sumunod sa akin ang itim na kotse ay nakahinga ako ng maluwag.

Nang bigla, sa pagkurba kong iyon sa palikong daan ay nakatigil ang itim na kotse, naka-open ang headlights nito kay hindi ko maaninag ang taong nasa loob nito. Mabilis kong ikinabig ang aking kotse sa kabilang-daan. Mabilis kong pinaharurot ito pagkatapos, palayo sa itim na kotse na nanatiling nakatigil.

Kailangan kong mag-ingat, sa mga susunod na araw titiyakin kong madidiskubre ko kung sino ang taong nasa likod ng manibela ng itim na kotse. . . 

----------

HAHAYAAN ko munang maging masaya kayo Alden at Maine, darating ang araw na ang isa sa inyo'y mawawala na sa landas ko...

Napahalakhak ako sa isiping iyon.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon