"Oy nung nakaraang araw mo pa yan iniistalk kala ko ba bwisit ka dyan?" Bigla kong pinatay ay tinalikod ung cellphone ko sa table tas tumingin at nakinig kay mam."Panggap." Bulong ni Jona. Letche.
Break ng hindi ako bumaba sa canteen tapos iilang estudyante lang ang naiwan dito sa room.
Wala na kasi akong budget. 700 lang iniwan sakin ni mama bago sya umalis. Last Monday pa yon. Wednesday na. Simula nung umalis si mama kasama ung boyfriend nya, Sabi nya ay pupuntahan nila ung pamilya ni Marco. Ang boyfriend ni mama.
Limang araw lang daw silang mag stay duon, kung san man yon. Pero pang 10 araw na nila to.
"Jacob." Kalabit ko sakanya. D din kasi sya bumaba. Tinanggal nya ung earphone nya.
"Baka may gig—" pinutol ko ung sinabi ko kasi nahiya ako bigla. Member kasi ng isang banda si Jacob.
Tumanggi ako noon nung kinukuha nila kong vocalist sa banda. Kasi school bahay ako e. May inaalagaan kasi akong scholarship.
Ngumisi sya nung lumihis ako ng tingin. "Meron mamaya. Luxury Lounge. Ganun padin ung TF." Ngiti nyang sabi.
2,500 ang tf per night nila. Tumutugtog sila sa mag Bar na lowkey lang. Hindi sya parang club na maingay tas party party. Sumama na din kasi ako thrice sakanila. Sa mga high class, ung pang mayaman? Ung ginto ung mga presyo ng alak, kaya medyo mataas ang tf per person 4 sila sa banda.
"Thank you." Ngiti kong sabi. Nakahinga ko ng malalim kasi wala na talaga kong pera. Tas may mga babayaran pa kami.
Ayoko na sanang isipin pero si mama.. Bakit hindi pa sya bumabalik?
...
"Jacob, ano? Tuloy tuloy na ba yang si Nicole dito?" Tanong ni Kuya Jasper kay Jacob habang mag papahinga kami for second set.
Tumingin sakin si Jacob. Tumango ako tapos ngumiti sya. Every other day silang tumutugtog. Habang hindi pa umuuwi si mama, sasama muna ako sakanila.
Acoustic lang Ang tinutugtog ng banda nila Jacob kasi nga chill lng ung vibes at ambiance sa mga tinutugtugan nila.
"Now I'm singing like boy you know ....
Say boy let's not talk to much grab on my wais—"Dali daling sinalo ni Jacob ang linyang kinakanta ko.
Nakita ko kasi sya. Bigla kong kinabahan na parang ewan nung nakita ko sya. I shake my head off at sinabayan na si Jacob sa pag kanta.
Hala, ano bang nangyayari sakin? Na conscious tuloy ako bigla.
Habang nag intro ang banda lumapit si Jacob sa tenga ko "okay ka lang?" Pasimple nyang tanong
Saka ko tumango at huminga ng malalim.
Napatingin ako sa gawi nya ng matsempuhan kong napatingin sya dito sa stage at nag tagpo ang mata namin ni Hades. Kasama nya ung dalawa nyang kaibigan at may mga kasama itong mga babae.
D ko alam bat naging komportable ung titigan namin. Naputol Lang nung may biglang babaeng humalik sakanya.
Umupo to sa tabi nya saka nya inakbayan..
Bat nga ba d pumasok sa utak ko na imposibleng wala syang girlfriend?
Haynako Nicole.
...
Biglang may kamay na humarang ng papasara na ang elevator. Parang feeling ko kung kumakanta ko napahinto nanaman ako kasi nakita ko sya.
Sumandal ko sa corner ng elevator. Hindi ko na sya tinignan tapos chineck na lang kung nag message na ba si mama pero ni isa wala. Napakagat ako sa labi ko. Pang 11 na araw na to bakit hindi padin sila bumabali—