"Hi Good Morning Ken!" Bungad sa akin ni Choi pag pasok ko sa opisina nila. Syempre Monday ngayon at dapat maaga agad ako dito sa "Boss" ko."Morning Choi! Bat di ka nakapang-office ngayon? Mukhang gagala ka lang ha?" Haha" Takang tanong ko dito nang mapansin ko na nakat-shirt lang ito at jogging pants.
"Dumaan lang ako sa gym,dito na ako sa office magshow-shower. Aga mo naman? Mukhang maagang asaran yan ha" tanong nito na sinagot ko na lang nang buntong hininga.
"Hay naku sinabi mo pa. Sige I need to go. You look good by the way Choy, hindi ka na payatot tulad ng college ha haha. Pa yummy ka na" biro ko dito na sinagot nito ng pagfeflex ng braso niya.
"Yummy na ba? Hahaha" tanong nito
"Oo dadami na naman mga chix mo for sure. Sige na!" Sagot ko na lang sabay lakad papunta sa opisina ng asungot na si Clifford. Monday ngayon and kailangan umpisahan ko ang week na ito ng kalmado at matiwasay,ito din ang week kung kailan magiistart na akong interviewhin si Clifford para hopefully next week ay maumpisahan na ang shoot and matapos na din ang kabaliwan na to. And boom! Malaya na ako. Mahusay ka Ken! Mahusay!
"Hi Good Morning Sir Clifford" nakangiti kong bungad dito pero simangot lang ang sagot nito sa akin.
Hmmm okay lang yan Ken. Palipasin mo. Wag mong papatulan. Remember Monday ngayon. So dapat kalmado ka.
"Do you need anything sir? Okay ka lang ba?" Tanong ko dito,again by wearing my smile.
"Tsss" dinig ko lang na reaksyon nito. Aba mukhang sinusubukan talaga ako ng gagong ito ha? Hindi niya ba nakikita na hirap na hirap akong maging nice sa kanya tapos papakitaan niya pa ako ng kakupalan niya!
"Nagbreakfast na po ba kayo?" Again... pinipilit kong maging nice
"Tsssss" reaksyon lang ulit nito sabay iling. Aba eh matindi naman ata tong hinayupak na ito. Iba din naman pala ang pagtest sa patience ko.
"Problem mo ba?" Inis ko nang tanong dito.
"Ah ngayon galit ka?" Inis din nitong tanong
"Sinong hindi maiinis? Ang ganda ganda ng bungad ko sayo tapos ganyan ang ipapakita mo sa akin? Adik ka ba Clifford? Lakas mo maka-gago eh!" Inis kong sagot dito.
"Sino ding hindi maiinis kung ang madadatnan mo sa umaga ay mga naglalandian?" Makahuluhan nitong sagot na hindi ko magets.
"Aba e problema mo yan wag mo kong idamay. Nananahimik akong pumasok dito tapos idadamay mo ko" saad ko dito na mukhang hindi nito nagustuhan
"Anak ng! Nagmamaang-maangan ka pa diyan! Ikaw ang timutukoy ko! You look good,you look good ka pang nalalaman eh ilang kilo lang naman ang nadagdag doon samantalang ako ni hindi mo man lang sinabihan nang ganyan?!" Mahabang paliwanan nito na ikinataka ko.
"Ha?" Reaksyon ko
"Anong ha? Naliliitan ka ba sa braso ko Ken? Tangina kay Choi pa napansin mo eh parang tingting lang yun! Isang siko ko lang doon,makakalas na agad ang katawan nun tapos payummy-yummy ka pa! Ay ewan ko na lang pag nakita mo katawan ko" Inis pa rin nitong sagot sa akin.
"Yung pag-uusap ba namin ni Choi ang kinagagalit mo? Baka nakakalimutan mo Clifford, kaibigan ko si Choi and take note ha baka nakakalimutan mo din dahil sa ulol ka...kaibigan mo din yun." Yamot ko nang sagot dito
"Baka din nakakalimutan mo Ken, secretary kita dito sa opisina at ako na BOSS mo ang magsasabi kung sino lang ang dapat mong kausapin, hindi kung sino-sino ang nilalandi mo" ganti naman nito na ikinagalit ko na.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?