Chapter 37
Panay ang sulyap ko kay Lucas na nakapikit at nakikinig lang ng music.Bakit pa kasi sya sumama?Ano na naman ba ang balak ng isang ito?
Nang mag-land na ang plane namin ay bumaba na ako agad.Kung kailangan ko syang iwan dito para di na sya masaktan ay gagawin ko pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.
Hinawakan nya ang palapulsuhan ko.
"Hindi mo kaylangang mag-alala sa akin.Ako ang may gysto nito. "
Sabi nya at hinila na ako para makasakay kami ng taxi.Pinilit kong hindi maluha.Ano pa bang magagawa ko?Matigas ang ulo ng isang ito.Siguro, ipapasama ko na lang sya sa kasal ko.Bibigyan ko na lang sya ng invitation card mamaya.
♥♥♥
"Bongga!Ang ganda-ganda mo na, gurl!"
Masayang sigaw ng bakla.Mapait akong ngumiti.Pwede bang gisingin nyo na lang ako?Sana panaginip na lang itong lahat.
"Ay, malungkot ka yata?Gurl, kung iniisip mong iiwan ka ng groom mo, no, no, no!Wag mong iisipin yan!"
Masiglang sabi nito sa akin.Pero hindi naman yan ang problema ko...
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"We're sorry, anak.Wag kang mag-alala.Mabait naman ang anak nila. "
Bulong ni Mom.Ngumiti lang ako sa kanya.
Kung ito ang magiging dahilan para wala ng gulo, gagawin ko.Isasakripisyo ko ang kaligayahan ko.
Nangangatal ang buong katawan ko habang dahan-dahang tinatahak ang daan papunta sa altar.Gusto kong tumakbo.Alam kong nandito lang si Lucas...
Bawat hakbang ko ay syang bawat patak din ng mga luha ko.Ayaw ko na...gusto ko nang tumakbo pero hindi pwede...
Nang makarating ako sa altar ay hindi ko man lang sinulyapan ang mapapangasawa ko.Gusto ko nang matapos to agad.
Matapos ng mahaba-habang seremonya ay sa wakas matatapos narin ang bangungot na ito.
"I do, father."
Sagot ni Waeon.Magsasalita na sana si father nang may sumigaw.
"Ako ang pakakasalan ng babaeng yan!"
Rinig kong sigaw ni Lucas.Nanlaki ang mga mata ko nang tumutok sa kanya ang mga baril ng bodyguard ni Waeon.Agad akong tumakbo papunta sa kanya.
"P-Please...ibaba nyo ang mga baril---"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mong lalaki ka?!Nabaril ka na't lahat lahat nandito ka parin?!Ano bang---"
"Dahil mahal ko si Stacey!Hindi ba kayo naaawa sa babaeng ipinapakasal nyo sa anak nyo?!Kaya kong bayaran ang utang ng pamilya nya sa inyo!Mayaman ako!Kung gusto nyo sa inyo na lahat ang yaman ko, e!Ibigay nyo lang sa akin ang pinakamamahal ko.Ibibigay ko sa inyo lahat!Lahat lahat ng mayroon ako!Ibigay nyo lang sa akin si S-Stacey...nagmamahalan kaming dalawa...let us love each other...hindi ko kayang makitang maikasal sa iba ang pinakamamahal kong babae..."
Sabi nya.Naiyak na din ako nang makitang tumutulo na ang mga luha ni Lucas.
"B-Babe... "
Humarap ako sa mga magulang ni Waeon at kitang-kita ko kung paano sila natigilan sa pag-iyak ni Lucas sa harap nila.
Kita kong napangiti ang Dad ni Waeon.Maging si Waeon ay nakangiti narin.
"Let them,Mom, Dad."
Nakangiting sabi ni Waeon.Kita kong tumango ang Dad ni Waeon.
"You can have her now.She's free.Pasensya na kung kinuha namin sya sayo.Don't worry,Ms.Stacey.Wala na kayong babayaran."
Nakangiting sabi ni Waeon.Napangiti ako at niyakap si Lucas na ngayon ay napakalapad na ng ngiti.
Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin nya na lang ako bigla at itinakbo ako palabas ng simbahan.
Pinandilatan ko sya.
"Wag ka ng umangal, Babe.Ako lang ang pakakasalan mo, wala ng iba."
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boyfriend's Bestfriend
Teen Fiction(Alferez Series 1) Lucas Dwayne Alferez & Stacey Leila Flores Story Started Writting: Dec.20,2018 Finish Writting: Feb.6,2019 Written By:Shireroseee